MARTSA NG PASIG
Mahal namin ang lungsod Pasig
Pook ng aming tahanan
Bantayog ng kadakilaan
At kagandahang asal
Na handog din ng puhunan
Dugo at buhay inialay
Sa panig ng Katipunan
Ng panahong himagsikan
Pagmasdan ang ating paligid
Kayganda ng lungsod Pasig
At ganap na ating pag-asa
Pag-unlad at ginhawa
Kami ngayon ay nagpupugay
At sama-samang umaawit
tunay na ligaya natin
Dangal nitong lungsod Pasig
Pagmasdan ang ating paligid
Kayganda ng lungsod Pasig
At ganap na ating pag-asa
pag-unlad at ginhawa
Kami ngayon ay nagpupugay
At sama-samang umaawit
Tunay na ligaya natin
Dangal nitong lungsog Pasig.....
Pook ng aming tahanan
Bantayog ng kadakilaan
At kagandahang asal
Na handog din ng puhunan
Dugo at buhay inialay
Sa panig ng Katipunan
Ng panahong himagsikan
Pagmasdan ang ating paligid
Kayganda ng lungsod Pasig
At ganap na ating pag-asa
Pag-unlad at ginhawa
Kami ngayon ay nagpupugay
At sama-samang umaawit
tunay na ligaya natin
Dangal nitong lungsod Pasig
Pagmasdan ang ating paligid
Kayganda ng lungsod Pasig
At ganap na ating pag-asa
pag-unlad at ginhawa
Kami ngayon ay nagpupugay
At sama-samang umaawit
Tunay na ligaya natin
Dangal nitong lungsog Pasig.....
MALIGAYANG ARAW NG PASIG (438TH Years na!)
Sinimulan ko muna ang pagbati ko sa aking mahal na bayan... yan ang PASIG!...(with matching lyrics ng Martsa ng Pasig. Na madalas kinakanta ng mga estudyante sa iba't-ibang lupalop ng Pasig) Laking Pasig ang inyong lingkod. Dito ako binuo ng aking magulang (ika nga made in Pasig ako.. hehehehe), isinilang ng aking ina, pinalaki at nagkaisip (Lab lyf, skul days, Bulakbol moment.. etc..). Kung papapiliin ako ng lugar... sa Pasig pa din ako titira. Lalo pa't ginagawa ng maayos na siyudad ang Pasig....
Ang kaso.... sesegwey lang ako ng konti, dahil Araw ng Pasig ngayon.... isinara ang mga major kalye, kaninang umaga. Problemado ako, kasi papasok pa ako sa trabaho. Ang paalam ko sa boss ko ay malalate lang ako, dahil sa pag-aakala ko na hindi ako maiipit sa traffic. Haitz.... mali pala ako... naubos ko na ang isang Big Gulp (Pineapple Orange Juice) na binili ko sa 7-11 bago ako sumakay ng dyip. Natuyo na rin ang mahaba kong buhok at nahulas na ang make-up na pinaghirapan kong ilagay sa mukha ko.
Tagaktak ang pawis ng mga pasahero sa sinakyan kong dyip, isama na din natin si manong drayber na kanina pa, nagmumura at dumadada, dahil sa kung anu-anong rota na ang aming dinaanan. At bawat daan ay lintik sa haba ng trapik. Sinubukan ko din maglaro ng games sa aking cellphone, para kahit papaano ay maaalis ang nararamdaman kong inis at bagot. Ikaw ba naman ang umupo ng higit 2 oras sa dyip.. sumakit na ang pwet ko at pakiramdam ko... na-stock lahat ng buto ko.
Sa huli... hindi lang ako late.. kundi half-day na!... Bakit pa kasi, di na ko nasanay... Na tuwing Araw ng Pasig ay laging ganito ang eksena. Traffic at walang masakyan... Pero dahil Araw ng Pasig.. sige hindi muna ako maghihisterikal.. hihihihihi
(nakiamot lang ako ng picture sa dati kong skul...xenxa... hehehehe)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa