Martes, Hulyo 19, 2011

ALAALA NG NAKALIPAS prt. 6 (ang katapusan ng lahat...)

          Yehey! Pasukan na naman! Magkakasama na naman tayo, pero siyempre hindi tayo magkaklase at malayo na naman ang building mo sa building ko (haitz!...). Pero okay lang, at least magkasama pa rin tayo sa school. Masusundo mo na ulit ako sa klasrum at magkakasabay na tayo umuwi. Di na kasi tayong nag-seservice at nag-cocomute nalang tayo, dahil pang-umaga na ang klase natin ^^,.  Tuwing uwian, naglalakad lang tayo,  kahit malayo ang lakarin, okay lang kasi kasama naman kita. Di ako nakakaramdam ng pagod, kasi lagi mo akong kinukwentuhan at kinikilig ako ng bonggang-bongga tuwing kasama kita.

            Haitz! Ang bilis ng mga araw, parang kelan lang nanliligaw ka pa sa akin at naging tayo, nakaranas ng pagsubok at hiwalayan. Ngayon, mag-iisang taon na tayo… WOW! Di ako makapaniwala na umabot tayo ng isang taon. Pero heto, ilang araw nalang at anibersayo na natin. Hindi ko alam kung ano ang ibibigay sa iyo. Wala akong masyadong pera kasi, para bumili ng mahal na regalo. Ang tanging nabili ko nalang sa pera ko ay isang Anniversary card.  Dinaan ko lang sa magandang mensahe ang laman ng card ko.  Nakakatuwa naman, dahil parehas pala tayo ng regalo. Card din ang regalo mo sa akin, kahit simple ang mensahe mo para sa ating dalawa, kinikilig na ako (yiiiiiiiiiiiiiiiii……). Hay... ang hiling ko lang naman ay magtagal pa tayo, at ikaw na sana ang makasama ko hanggang sa pagtanda.

            Lumipas ang ilang buwan, biglang may pagbabago. Sa umpisa, hindi mo na ako sinusundo kapag uwian. Mukha na naman akong tanga, inaantay ang pagdating mo. Inaabot na ako ng pasukan ng mga pang-hapon, pero wala ka pa rin. Araw-araw naging ganon ang sistema natin, ako nasa school pa, ikaw nasa bahay na pala. Hindi ko alam, kung bakit bigla kang nagbago. Wala naman akong ginawang pangit, para mag-iba ka sa akin.  Naisip kong kausapin ka, pero di ako makahanap ng tiyempo. Paano naman, lagi ka naman, naunang umuwi. Isang araw, naisipan kong puntahan ka sa classroom mo, para makapag-usap tayo pagkatapos ng klase. Kaso mukhang busy ka, kasama ang mga bago mong kaibigan. Sa huli, hindi pa rin tayo nakapag-usap.

            Malungkot at nasasaktan ako ngayon. Wala akong naging kasalanan, para mangyari ito sa atin. Isang araw, napagbigyan ako ng langit. Nagkaroon tayo ng pagkakataon na magka-usap, uwian na noon at doon tayo umupo sa upuan na malapit sa oval. “Kamusta ka?” yan ang tanong ko sa’yo. “Okay lang…” mukhang masaya ka pa sa sagot mo. Ako kaya, subukan mong tanungin, para malaman mo kung okay ba ako.  Sobrang maraming tanong sa aking isip, gusto ko itanong lahat iyon. Pero, di ko makita ang concern sa iyo, iba ka na talaga. Biro mo, kausap kita, pero nakikipagharutan ka sa mga kaibigan mo. Haler!... andito ako… pakiramdam ko di ako nag-eexist sa paningin mo. Mas gusto mo pa silang kasama kesa sa akin.

            Nag-walk out ako, mabilis kong nilakad ang daan palabas ng campus. Mabigat na naman ang puso ko. Gustong sabihin ng utak ko, na okay lang ang lahat. Pero iba ang nararamdaman at isinisigaw ng puso ko. Nag-eexpect pa naman ako na habulin mo ako at mag-sosorry ka. Pero mukhang malabo na mangyari iyon. Halos nakalabas na ako sa school, pero bigo yata ako na mapasunod ka. Mukhang ako na lang talaga uuwi mag-isa. Hay naku! Wag ka naman tumulo ngayon, ayokong mapahiya sa mga tao. Naiiyak ako… kahit anong pigil ko sa mata ko, di talaga kaya, tutulo at tutulo pa rin ang luha ko.

            Sa di inaasahang pagkakataon, nakasabay kita sa paglalakad. Hindi mo kasama  ang mga bago mong kaibigan. Wala ni isang salita ang lumabas sa aking bibig, ayoko na munang magsalita. Pero ikaw ang unang bumawi ng katahimikan. "Ano kamusta ka na?" Hindi ako sumagot, gusto kong malaman mo na hindi ako okay. Pero hindi ka na rin nagtanong ulit. Hanggang makarating sa atin, pakiramdam ko iyon na ang katapusan ng love story natin. Sa pagtalikod natin sa isa't-isa, parang nagsasabi na tapos na ang lahat.....

1 komento:

  1. masarap talaga ma-inlove pero lagi nating isipin na hindi pwedeng hindi kasama ang sakit. Pero para sa akin ang tunay na nagmamahal ay hindi natatakot makaramdam ng sakit. Dahil kapag mahal mo ang isang tao, handa ka sa lahat ng pwedeng mangyari sayo at sa iyong minamahal.

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa