Simula ulit ng panibagong araw para sa ating dalawa. Masaya na ako palagi, at laging may kilig moment. Palagi mo din ako sinusundo sa room ko tuwing uwian, touch ako sa mga effort mo. Inggit nga ang mga klasmeyt ko na babae, kasi ang gwapo mo daw. Sabi ko siya ang masuwerte sa akin... joke ^-^V, at hindi ka lang gwapo kundi, ubod ng sweet at mabait as in.
Minsan, dumayo ako sa klasroom niyo. Grabe ang layo niyo sa amin, pero okay lang, makikita naman kita. Todo pakilala ka sa akin ng mga klasmeyt at friend mo sa room, isama na din natin ang adviser at mga subject teacher mo. Kaya tuloy, tuwing makakasalubong ko sila sa skul. Lagi nila akong binabati at sinasabi kung ano ang mga pinaggagawa mo. Ako tuloy ang nahihiya, pero carry lang kasi love kita... mmmmm... ^-^.
Six months na tayo, naalala ko niregaluhan mo ako ng stuffed toy na aso, tuwang-tuwa ako dahil effort ka ulit, bumili ng gift para sa akin. Samantalang ako card lang ang binigay ko sa'yo, pero appreciate mo pa din. Kasabay ng monthsary natin ang Christmas party sa skul, kaya maaga tayong pinauwi ng mga teacher natin. Niyaya kitang magsimba, para makasama pa kita ng matagal.... (kilig). Sa simbahan todo ang pray ko, ang tagal ko nakaluhod at nakapikit. Siyempre hingi ako ng guidance at good health sa buong miyembro ng pamilya, at lastly magtagal kami ng first love ko.
Pagkatapos magsimba, parang ayaw ko pang umuwi. Tinanong mo ako kung uuwi na ba tayo, sabi ko wag muna. Kaya tumambay tayo dun sa may palaruan. Kasama siyempre ang mga kaibigan mo at kaibigan ko. Parang mga bata ang mga kaibigan natin, tuwang-tuwa na naglalaro sa park. Tayo naman magkatabi sa isang upuan, at panay ang kuwentuhan. Ang sweet ng moment na iyon, parang gusto ko itigil ang pag-ikot ng mundo (kilig).
Noong Christmas, batian at letter lang ang nangyari. Di pa kasi alam ng mga parents natin, ang tungkol sa relasyon natin. Natatakot tayong pareho na sabihin sa mga parents natin, ang totoong status natin. Kaya sa skul lang tayo madalas sweet, kapag nasa atin na tayo, sibil lang tayo. Pero okay lang, basta may time tayo na mag-usap. Pero tingin ko alam na ng parents ko na tayo na, madalas kasi akong tinutukso ni papa, tuwing dadaan ka at kung may iaabot ka sa bahay namin. Ganun din ang pamilya mo, naisip ko tuloy sekreto pa ba talaga ang relasyon natin(heheheheh).
Mabilis lumipas ang mga araw, at bakasyon na. Biglaan ang pag-uwi namin sa probinsya, ayaw ko sana sumama, pero pinilit ako ni Papa. Ngayon lang kasi siya makakauwi after 20 years, dalawang linggo din kami doon. Ma-mimiss kita masyado, alam mo naman... ikaw ang Dr. Jones ng puso ko... yiiiii (kilig). Ayoko din mangitim, baka kasi maging pangit ako sa paningin mo (hmp..). Sa dalawang linggong pananatili ko doon, lagi kang pumapasok sa isip ko. Buti na lang nandyan ang mga pinsan ko para libangin ako. Pagkatapos ng dalawang linggo, balik Maynila na kami. Ikaw naman ang wala, umuwi kayong pamilya sa Bulacan. Nalungkot ako, excited pa naman ako na makita kita (hmp..). Pero tingin ko okay na rin, kasi masyado akong maitim. Nahihiya ako na makita mo na ganito ang kulay ko. Kaya nagtago ako ng isang linggo para pumusyaw ako kahit papaano. Epektib naman siya!.. ^-^ Puro love letter lang tayo nag-cocomunicate, di ba nga.... di naman nila alam.
Itutuloy...................
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa