Miyerkules, Hulyo 27, 2011

ALAALA NG NAKALIPAS ..... Ang Katapusan....

        Ngayon sa pagtuntong sa kolehiyo, kapwa tumatahak ng magkaibang daan. Sa ibang school ka nag-enroll at ganun din naman ako. Lumipas ang apat na taon, kapwa natapos ang piniling propesyon. Lalong naging malayo sa isa’t-isa ang ating damdamin. Kapwa nagmahal ulit, pero sa ibang tao natin nakita ang pagmamahal na iyon. Minsan di ko maiwasan na ikumpara ko sila sa iyo, di ko lang alam kung ikinukumpara mo rin ako sa kanila. Minsan naiisip ko, magkaka-aayos pa ba tayo? Yung wala ng ilangan sa isa’t-isa. Ang weird nga minsan ng panaginip ko sa’yo. Sa panaginip ko, hindi pa rin tayo nagpapansinan... ang weird noh. Hanggang panaginip ba naman ganon pa rin ang sitwasyon natin.

        Nagulat ako ng mabalitaan ko na ikakasal ka na. Akala ko handa na ako na marinig ang mga iyon. Pero hindi pa pala, di na naman ako umaasa na ako ang babaeng papakasalan mo. Gusto ko lang naman, ay maging frend tayo. Hindi mo man lang kami inimbitahan sa araw ng kasal mo. Pero di bale may pakain ka naman ng sunod na araw. Sabi ko sa sarili ko, may pagkakataon na akong makita ang maswerteng babae na inalayan mo ng pag-ibig. Kaso bigo na naman ako, dedma mo lang ako ng pumunta ako sa inyo. Halatang iniiwasan mo ako, pero bakit? Lalapit sana ako para batiin kayo ng asawa mo, pero tumalikod kayo pareho. Haler! Bakit ba kailangan na maging ganito. Ako na nga ang lumalapit, pero kayo ang lumalayo. Hinayaan ko nalang ang naging kilos mo, baka hindi ka pa prepare na harapin ako.

         Kailan kaya darating ang pagkakataon na iyon, ang hirap at nakakapagod pala. Ang mag-isip ng paraan para maging maayos ang lahat sa atin. Dumating na rin ang oras ko, na ako naman ang dapat lumigaya. Lahat inimbitahan ko, pati ikaw. Dumating ang pamilya mo, pero hindi kayo ng asawa mo. Excited pa naman ako, na batiin mo ng “BEST WISHES”, pero hanggang pangarap nalang ulit iyon. Kapwa may pamilya na tayo, at umuusad ang buhay, sa payapang paraan. Nagulat ako ng mabalitaan ko na hindi tumagal ang inyong pagsasama. Bakit ba, tuwing may pangit na nangyayari sa iyo, ay nakikisimpatya ako.

          Tila, masasabi kong soulmate nga tayo. Di ko akalain na magtatagpo pa ang ating landas, mula ng magkaroon tayo ng kanya-kanyang pamilya. Tinuldukan ko na ang pangangarap na maging maayos ang nasirang relasyon nating dalawa. Nakakagulat nga, nagtagpo ulit ang landas natin. Pero ngayon, mukhang magiging okay na ang lahat. Isang pamilya na rin tayo, kahit huli na, masaya pa rin ako. Salamat kay Bro, tinupad niya yung dasal ko nung una't-huli kitang nakasama sa simbahan. 

        Ayan, nahihiya ako, nakatingin silang lahat sa atin. Pero bakit ako mahihiya,kasama naman kita, kahit hindi na ako ganun kagaling sa pagsayaw, kahit pa kulubot na ang balat nating dalawa. Atleast, kahit papaano nagkatotoo, ang panaginip ko. Salamat sa iyo, sa mga alaala natin noon. Di man ako ang naiharap mo sa dambana, masaya ako at ikaw ang nakasama ko sa takip silim ng aking buhay. Kung mabubuhay akong muli, ikaw pa rin ang hihilingin ko sa Diyos, na maging kabiyak at makasama hanggang sa huli. ------ Gloria

     Isang patak ng luha, ang tumulo sa lumang papel na hawak niya. Pagkatapos punasan ang luha sa nanlalabong mata. Tumayo siya, at nagsimulang lumakad palayo sa puntod... THE END....

4 (na) komento:

  1. Natatandaan ko nung bata pa ko, kapitbahay namin, Isang wagas na love story, matanda na sila. Itago nalang natin sa pangalang Lola Gunding at Lolo Cesar. Si Lolo cesar may taning na ang buhay. Hapon, inaabangan na nilang ang taning ng buhay nung lolo Cesar. Nakahiga sa folding Bed si Lolo Cesar, nung mararamdama na nyang kukunin na sya sa itaas, tumayo sya at isinayaw nya si Lola Gunding. Sumayaw sila. Humiga muli si Lolo CEcas mga ilang minuto lang wala na sya. Hindi ko makakalimutan ang mga sandaling yon, tatlo't kalahating taong gulang ako, isang Lolo at Lola ang pinapanood kong magkasama ng mapayapa hanggang sa huling sandali ng isa. (totoong buhay)

    TumugonBurahin
  2. Shy, binasa ko mula simula hanggang sa katapusan ng pag-ibig ni Gloria at kung ano man ang ngalan nong bidang lalaki.



    Yong pakiramdam na kiti-kit dahil sa tumatalanding puso, kainaman sa pakiramdam iyon.

    Nakasentro ito sa pag-ibig na matam-is, umalat, lumayo,naghiwalay ng landas, hanggang sa may nalagutan ng hininga.

    Kilig, kislot pag-ibig. Buhay

    TumugonBurahin
  3. @ monik... nice naman... salamat sa pag-share... :D

    @ kuya j... talagang tumatalanding puso... hahahahaha.... kainaman... aitz!... salamat.. pero gusto yan ha.. Kilig, kislot pag-ibig. Buhay... :D

    TumugonBurahin
  4. Ang pagibig, kayang saklawin ang lahat. Lumipas man ang panahon at oras, dumaan man ang karanasan di inaasahan, matabunan man ang pagibig na noo'y naitanim... pagdating ng araw, sa tamang panahon, muli itong uusbong, lalago at mamumunga. ang pagibig ay walang katapusan, kahit nasa na hukay na o kabilang buhay ang iyong pinagalayan, ito'y patuloy na nabubuhay, hindi lamang sa puso pati sa isipan.. (ganda ng kwento..)

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa