Sabado, Mayo 28, 2011

M.U. (Magulong Usapan)

Bakit biglang nagbago?
Wala na ang dating lambing...
Walang text o tawag...
Hindi ko ito agad naramdaman..
Ang iyong paglayo sa akin...


Pagod na akong maghintay
Sana'y sinabi mo na lang ng harapan
Pagka't ako ay madali naman kausap
Hindi ko ipipilit ang sarili sa iyo...
Sabi ko na nga....
Walang patutunguhan ...
Ang M.U.... ay magulong usapan...

Sinabi mo pa noon
"Palagay ko'y magtatagal tayo"
Ngiti lang ang aking tugon...
  At saka sumagot ng Baka nga...
Totoo ka ba sa nararamdaman mo
O' ako'y ginagamit mo lang..
At ako'y nagpapagamit lang...

Ako'y nalulungkot para sa'yo
Sabi mo ay masaya ka....
Pero ang totoo'y malungkot ka...
Hindi mo lang inaamin...

Sarado ang puso at isipan mo
Mahal mo lang ang sarili mo
Hanggang kailan ka ba ganyan...
   Hanggang kailan.....

Mahal kita alam mo ba?

Bakit ba ka'y ilap mo
Pinipilit kong lumapit sa'yo
Ngunit ikaw naman ang lumalayo
Di ko alam kung ano ang tumatakbo....sa iyong isipan...

Mahal kita alam mo ba?
Sana ay iyong maramdaman
Ang pag-ibig ko para sa'yo
Ligaya ang araw na kasama ka...

Bakit di mo pa aminin
Na nadarama mo rin
Ang aking pagpapansin
Sana'y ikaw ay lumapit
At sabihin ang salitang
  "Mahal Kita"...... (hay.....)

Gustokong itigil...
Ang pag-ikot ng mundo
Para makasama ka pa ng mas matagal
Sapagkat marami akong gustong sabihin...
Habang kaharap ka pa...
Ngunit paano??? (kay hirap ng ganito....)

Ikaw ang nagpapa-ikot sa aking mundo...
At hindi ko na ito kayang patigilin pa....

Biyernes, Mayo 20, 2011

ULAN

May pait sa mga ngiti
Mugtong mga mata
Pilit kinakaya
Ang mga araw na lumilipas

crying under the rain



Pagpatak ng luha sa mga mata
Alaala ang tumatakbo sa isipan
Dalamhati at panghihinayang
Sa mga araw na nasayang


Papawiin ang luha sa iyong mga mata
Sa pagpatak ng ulan puso ay gagaan
Ang hangin ay yayakap ng buong higpit
Kasabay sa pagtila ng ulan
Mawawala ang pait..

Asahan mo
Ikaw ay aking sasamahan
Sa paglubog at pagsikat ng araw
Nawa'y makita ang mga ngiti sa iyong mga labi....

Isang dipang pagitan

Pagitan ay isang dagat...
Kahit hindi nakikita...
Tangay ng hangin ang nararamdaman...
Patungo sa iyo....

Bulong ng hangin
Samyo ng pag-ibig
Sa pagitan ng malayong isla
Ang pangako mo pa rin ang hawak...

Malayong lakbayin
Patungo sa iyong kinalalagyan..
Ang makasama kang muli...
Ligaya sa aking puso...

Sa daluhong ng alon
Pumipigil sa aking pag-usad
Puso'y lumalaban
Upang makasama ka.

Ako'y maghihintay
Sa iyong pagdating
At muling bumalik
Sa pusong naghihintay....