Biyernes, Hulyo 8, 2011

Kahit maputi na ang buhok....

            Kanina bago ako tumawid sa Edsa. Nakakita ako ng mag-asawang lolo’t-lola. Kapwa inaakay ang isa’t-isa sa pagtawid. Natuwa akong tingnan sila, na kahit parehas ng mahina ang kanilang tuhod, at malabo ang mga mata, kapwa tinutulungan ang isa’t-isa. Napaka-gentleman ni lolo, hindi tipikal ang makakita ka ng ganitong senaryo araw-araw. Yun iba, nababaduyan, nakokornihan. Pero ako, natutuwa at masaya para sa kanila, ang sweet kasi nila kahit matanda na sila at hindi nawawala ang lambingan... yiiiiiiiiii.. (kilig)

            Napapakanta tuloy akong bigla... Nagtatanong lang sa iyo ako pa kaya'y ibigin mo... Kahit maputi na ang buhok ko....  Kung ako'y aabot ng ganitong edad at kapiling ko pa rin ang aking mahal... ngayon palang gagawin ko na ang sulat ko para sa kanya... (walang kokontra okay.... moment ko toh... (kilig)...

Mahal ko,
Sa sinumpaang pangako,
Na habang buhay magsasama,
Di ka kaya magsawa,
Sa paghawak sa kulubot kong mga kamay,
Tulad ng ginagawa mo noong bago palang tayo.
At palaging sinasabi,
"Ang sarap hawakan ng kamay mo, Mahal"

   

Di ka rin ba, magsasawa na akayin ako,
Kahit, parehas ng mahina ang ating mga tuhod.
Kagaya, ng pag-akay mo sa akin noon.
Habang masayang nilalakad ang daan.


Ipipitas mo pa ba ako ng mga paborito kong bulaklak,
Doon sa hardin nina Aling Rosa.
Naalala ko noon,
Halos lagi mong tinetyempuhan na wala siya,
Para may makuha ka lang na rosas.
Can't afford ka kasi noon.
Pero okay lang, basta galing sa iyo.


Haharanahin mo pa kaya ako,
Kahit mahina na ang aking pandinig.
Gusto ko, awitan mo ako ng paborito kong musika.
Yung themesong natin sa Kasal.
Naiyak ako noon ng kinanta mo ito,
habang ako'y naglalakad sa altar. T-T


Makukuha mo pa kaya akong yakapin,
Tulad ng pagyakap mo sa akin noon.
Kahit pa hindi na ako kasing bango,
Tulad ng aking kabataan.
Di bale, lagi kong gagamitin ang pabango,
na gustong-gusto mo. ^-^


Magagawa mo pa kaya akong halikan,
Kahit na matanda na tayo.
Kahit na parehas na tayong nakapustiso.


At sa huli,
Sana hindi ka magsawang samahan ako,
hanggang sa pagdadapit hapon ng ating buhay.
Masaya ako, at ikaw ang aking nakasama,
Ang aking, kaibigan, kapareha at katuwang.
Mahal ko, I LOVE YOU!....

4 (na) komento:

  1. ito ang tunay na pagmamahalan... naluha me kase na-alala ko lolo ko. hehehe

    TumugonBurahin
  2. "I just envisioned myself with someone who I can grow old with" yun ata yung sabi ni Drew barrymore dun sa wedding singer. Sana dumating na rin sa akin ang makakasama ko hanggang sa pagtanda ko..

    TumugonBurahin
  3. nahanap ko na :">

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa