Martes, Hulyo 26, 2011

ALAALA NG NAKALIPAS.. part 7 (Pag-ibig na naglaho...)

     Araw at linggo ang lumipas, di na halos tayo nagkikita at nagpapansinan. Sabi ko na nga, hanggang dito nalang ang lahat. Para lang maging pormal para sa atin dalawa, gumawa ako ng sulat, sinabi ko lahat ng nararamdaman ko, at ang mga pagbabago mo. Hindi mo siya binasa sa school, nakita kasi kita na binabasa mo ang sulat sa veranda niyo, hindi ko na tiningnan ang reaksyon mo. Para ano pa? Masasaktan lang ako kapag nakita kitang malungkot.

     Ngayon, ang hirap gawin ang mga bagay na nakasanayan kong gawin na kasama ka. Pero kailangan pa rin, mag-move on at mag let go. Mabilis lumipas ang panahon...sa mga araw na lumipas, parang hindi tayo magkakilala, kahit madalas na nagkakasalubong tayo sa daan or sa school. Nagulat ako ng bigla akong kausapin ni April (yung friend ko na una mong naging GF) . Sinabi niya na nililigawan mo raw siya, tinanong niya ako kung okay lang ba sa akin. Kahit nasaktan ako sa nalaman ko, pilit pa rin akong ngumiti at sumagot ng "Okay lang... wala na naman kami". Nagtatanong tuloy ang utak ko kung bakit? Bakit madali lang para sa iyo na kalimutan ang lahat?

     Enrollment na ulit, nakita ko kayo magkasama ng kaibigan ko. Ang sweet niyo pa nga, di ko maiwasan na mainggit. Pero nagulat ako, ng batiin mo ako at sinabing maganda ang ayos ko. Pakiramdam ko nananaginip lang ako, pero totoo ang narinig ko sa'yo. Pero hanggang doon lang pala iyon, kalagitnaan ng school year noon. Nagkaroon ng initan, sa pagitan ng kaibigan mo at mga kaibigan ko. Agrabyado ako, kasi puro panlalait ang ginawa nila sa akin. Siyempre pinagtanggol ako ng mga kaibigan ko, pero ikaw di ka kumibo, wala kang reaksyon. Lalong lumaki ang gap nating dalawa. Simula ng araw na iyon hanggang sa grumadweyt tayo walang pansinan.

    Minsan, napapatulala ako at inaalala ang ating nakaraan. Dahil sa iyo, natuto akong magbisikleta (ang galing mo kasing trainor ^-^). Dati wala akong interest sa musika, pero dahil sa iyo nagkahilig ako dito. Di ako naniniwala na may boses ako, pero sabi mo maganda ang boses ko. Nagkainterest din ako sa gitara, para sabay tayong tutugtog kung sakaling magaling na akong tumipa. Madalas kapag may birthday party sa atin, ang grupo mo at grupo ko ang magkalaban sa sayawan, parehas kasi tayong mahilig sumayaw. Akala ko darating ang araw na sasayaw tayong dalawa, sa saliw ng paborito nating musika. Kaso, malabo na mangyari iyon, lahat iyon ay parang bula na nilipad ng hangin at biglang naglaho.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa