Madalas akong tumatambay sa foodcourt ng isang mall... (di ko na sasabihin kung anong mall... at baka puntahan niyo pa... charot!..hihihihi). Sa madalas na pagpunta doon, kahit madaming kainan doon, iilan-ilan lang ang mga gusto kong kainan. Di naman ako mapili sa pagkain, pero kapag di mo trip kainin ang pagkain na iyon, di ka rin mag-eenjoy. Ang masaya lang dito.... nalilibang ang mata ko sa pagkain.. (tandaan mga mata.. hindi ang tiyan... hihihihihih)
PLATO WRAP
Madalas ko itong kainin lalo na kapag nagmamadali ako. Pwede mo siyang kainin habang ikaw ay naglalakad. Peborit ko dito ang Wrap N' Roll, mahilig kasi ako sa hotdog..... lalo na ung cheesedog (mmmm... alam ko na ang nasa isip mo.... wag mo ng ituloy... ). Masarap lalo na kapag melted na yung cheese...
TAKOYAKI
Peborit ko din ito. Lalo na yung toppings nila na fish, lasang tinapa. Tatlong katamtamang laki na hugis bilog na nilagyan ng sweet n' sour sauce, mayonaise at topping na ginayat na tinapa. Minsan nga nagtataka ako, bakit kaya siya tinawag na takoyaki... eh wala naman akong malasan na pugita sa kinakain ko... halos gulay nga siya.... (dinadaya lang ata nila ang mga customer nila... hahahaha... at isa na ako dun).
SIOMAI HAUS
Hay..... peborit ko na naman. Masarap ang siomai dito, lalo na yung maraming bawang at sili. Tapos buhusan mo ng toyo at pigaan mo ng kalamansi. Madalas nakaka-dalawang order ako nito... (oo alam ko matakaw ako... wag mo ng palakihin yang mata mo... charot!).
PAOTSIN
Ito ang madalas kong kinakain.... kapag ako'y nagtitipid pero gustong mabusog. Marami kasi ang serving ng kanin nila. Natutuwa din ako sa kulay ng kanin nila, kulay green..... (Hainanese rice yata ang tawag dun... di ko alam ang spelling... kaya pagpasensyahan niyo na...). Madalas kong orderin ay sharksfin dumpling, iyon yata ang best seller nila. Naalala ko dati, yung ex-bf ko, bigla niya akong tinanong kung bakit crab wanton daw ang tawag dun. Halos wala naman daw siyang nakakain na crab, puro pork naman daw ang laman.
BUZ BOX (Scramble)
Ito ang pinasosyal na scramble, kasi sa mall naka-pwesto. Dati ang scramble, sa labas lang ng skul nabibili. Nakikita mo si manong na tumatagaktak ang pawis, sa kakahalo ng scramble na nakalagay sa balde at para may malaking egg beater ang kanyang minamani-obra. Madalas ko dating sabihin kay manong, damihan niya ng gatas at hershey chocolate syrup. Katerno ito ng homemade fishballs na puro harina lang. Ngayon ang scramble, pwede mo ng lagyan ng iba't-ibang toppings may sago, nips, mallows at iba pa.
FRUIT MAGIC
Ang fruit shake... bow.... Pwede kang pumili ng iba't-ibang prutas, yung naayon sa panlasa mo. Ako peborit ko ang melon shake, cool ang pakiramdam parang summer na summer ang dating. Medyo nagtaas na sila ngayon, pero pasok pa din sa budget. Lalo na kung health concious ka.
MR. SOFTY
Dessert naman tayo... tipong nagtitipid ang drama ko at gusto kong malamigan. Iyon tipong nag-ccrave ako sa ice cream... (ito yung time na hindi ko carry bumili ng ice cream sa Mc Do at Jollibee.. hehehehehe ^-^) . Lalo na kapag may GC ako dito, ka-ututang dila ko kasi ang promo nito dati.
Sa sobrang dami ng pagkain dito sa Food Court, nasa iyong choice na kung saan ka kakain. Meron, package ang drama... tipong dalawang ulam with matching sabaw o dessert. Merong masarap, merong so so so.. lang... Pero ang gusto ko sa lahat... yung mga taong kumakain dito. Mahilig akong magmasid at tumingin ng mga tao.. buti na nga lang at hindi ako nasasapak kapag nahuli nilang nakatingin ako sa kanila... heheheheh... ^-^....
Ikaw anong food ang trip mo sa FOOD COURT....
(naks! ang swerte ni ate... nahagip sa camera ^-^)
peborit ko yung takoyaki... saraaap. hehe :)
TumugonBurahin