Sabado, Hulyo 30, 2011

"Luha..... at Paa"

Sa pagdaloy ng luha,
Sapat na bang kabayaran.
Pagsagip sa pusong,
Naghihingalo at sawi.


Pilit binubuhay,
At lalong bumangon.
Mahawakan ng mahigpit,
Kamay na lilisan.


Sa pag-apak sa pintuan,
Puso’y lumalaban.
Sa pagtaas ng kamay,
Hudyat ng paalam.


Hahabulin ang alaala,
Hahabulin ang ngayon.
Tumatakbong mabilis,
Sa papalayong anino.


Ang luha at paa’y,
Kapwa magkasabay.
Matulin at patuloy,
Sa pag-ibig na lalayo.

Ang tulang ito ay kalahok sa "Luha mo Pakontes ko" by Iya_khin.... :D

Miyerkules, Hulyo 27, 2011

ALAALA NG NAKALIPAS ..... Ang Katapusan....

        Ngayon sa pagtuntong sa kolehiyo, kapwa tumatahak ng magkaibang daan. Sa ibang school ka nag-enroll at ganun din naman ako. Lumipas ang apat na taon, kapwa natapos ang piniling propesyon. Lalong naging malayo sa isa’t-isa ang ating damdamin. Kapwa nagmahal ulit, pero sa ibang tao natin nakita ang pagmamahal na iyon. Minsan di ko maiwasan na ikumpara ko sila sa iyo, di ko lang alam kung ikinukumpara mo rin ako sa kanila. Minsan naiisip ko, magkaka-aayos pa ba tayo? Yung wala ng ilangan sa isa’t-isa. Ang weird nga minsan ng panaginip ko sa’yo. Sa panaginip ko, hindi pa rin tayo nagpapansinan... ang weird noh. Hanggang panaginip ba naman ganon pa rin ang sitwasyon natin.

        Nagulat ako ng mabalitaan ko na ikakasal ka na. Akala ko handa na ako na marinig ang mga iyon. Pero hindi pa pala, di na naman ako umaasa na ako ang babaeng papakasalan mo. Gusto ko lang naman, ay maging frend tayo. Hindi mo man lang kami inimbitahan sa araw ng kasal mo. Pero di bale may pakain ka naman ng sunod na araw. Sabi ko sa sarili ko, may pagkakataon na akong makita ang maswerteng babae na inalayan mo ng pag-ibig. Kaso bigo na naman ako, dedma mo lang ako ng pumunta ako sa inyo. Halatang iniiwasan mo ako, pero bakit? Lalapit sana ako para batiin kayo ng asawa mo, pero tumalikod kayo pareho. Haler! Bakit ba kailangan na maging ganito. Ako na nga ang lumalapit, pero kayo ang lumalayo. Hinayaan ko nalang ang naging kilos mo, baka hindi ka pa prepare na harapin ako.

         Kailan kaya darating ang pagkakataon na iyon, ang hirap at nakakapagod pala. Ang mag-isip ng paraan para maging maayos ang lahat sa atin. Dumating na rin ang oras ko, na ako naman ang dapat lumigaya. Lahat inimbitahan ko, pati ikaw. Dumating ang pamilya mo, pero hindi kayo ng asawa mo. Excited pa naman ako, na batiin mo ng “BEST WISHES”, pero hanggang pangarap nalang ulit iyon. Kapwa may pamilya na tayo, at umuusad ang buhay, sa payapang paraan. Nagulat ako ng mabalitaan ko na hindi tumagal ang inyong pagsasama. Bakit ba, tuwing may pangit na nangyayari sa iyo, ay nakikisimpatya ako.

          Tila, masasabi kong soulmate nga tayo. Di ko akalain na magtatagpo pa ang ating landas, mula ng magkaroon tayo ng kanya-kanyang pamilya. Tinuldukan ko na ang pangangarap na maging maayos ang nasirang relasyon nating dalawa. Nakakagulat nga, nagtagpo ulit ang landas natin. Pero ngayon, mukhang magiging okay na ang lahat. Isang pamilya na rin tayo, kahit huli na, masaya pa rin ako. Salamat kay Bro, tinupad niya yung dasal ko nung una't-huli kitang nakasama sa simbahan. 

        Ayan, nahihiya ako, nakatingin silang lahat sa atin. Pero bakit ako mahihiya,kasama naman kita, kahit hindi na ako ganun kagaling sa pagsayaw, kahit pa kulubot na ang balat nating dalawa. Atleast, kahit papaano nagkatotoo, ang panaginip ko. Salamat sa iyo, sa mga alaala natin noon. Di man ako ang naiharap mo sa dambana, masaya ako at ikaw ang nakasama ko sa takip silim ng aking buhay. Kung mabubuhay akong muli, ikaw pa rin ang hihilingin ko sa Diyos, na maging kabiyak at makasama hanggang sa huli. ------ Gloria

     Isang patak ng luha, ang tumulo sa lumang papel na hawak niya. Pagkatapos punasan ang luha sa nanlalabong mata. Tumayo siya, at nagsimulang lumakad palayo sa puntod... THE END....

Martes, Hulyo 26, 2011

ALAALA NG NAKALIPAS.. part 7 (Pag-ibig na naglaho...)

     Araw at linggo ang lumipas, di na halos tayo nagkikita at nagpapansinan. Sabi ko na nga, hanggang dito nalang ang lahat. Para lang maging pormal para sa atin dalawa, gumawa ako ng sulat, sinabi ko lahat ng nararamdaman ko, at ang mga pagbabago mo. Hindi mo siya binasa sa school, nakita kasi kita na binabasa mo ang sulat sa veranda niyo, hindi ko na tiningnan ang reaksyon mo. Para ano pa? Masasaktan lang ako kapag nakita kitang malungkot.

     Ngayon, ang hirap gawin ang mga bagay na nakasanayan kong gawin na kasama ka. Pero kailangan pa rin, mag-move on at mag let go. Mabilis lumipas ang panahon...sa mga araw na lumipas, parang hindi tayo magkakilala, kahit madalas na nagkakasalubong tayo sa daan or sa school. Nagulat ako ng bigla akong kausapin ni April (yung friend ko na una mong naging GF) . Sinabi niya na nililigawan mo raw siya, tinanong niya ako kung okay lang ba sa akin. Kahit nasaktan ako sa nalaman ko, pilit pa rin akong ngumiti at sumagot ng "Okay lang... wala na naman kami". Nagtatanong tuloy ang utak ko kung bakit? Bakit madali lang para sa iyo na kalimutan ang lahat?

     Enrollment na ulit, nakita ko kayo magkasama ng kaibigan ko. Ang sweet niyo pa nga, di ko maiwasan na mainggit. Pero nagulat ako, ng batiin mo ako at sinabing maganda ang ayos ko. Pakiramdam ko nananaginip lang ako, pero totoo ang narinig ko sa'yo. Pero hanggang doon lang pala iyon, kalagitnaan ng school year noon. Nagkaroon ng initan, sa pagitan ng kaibigan mo at mga kaibigan ko. Agrabyado ako, kasi puro panlalait ang ginawa nila sa akin. Siyempre pinagtanggol ako ng mga kaibigan ko, pero ikaw di ka kumibo, wala kang reaksyon. Lalong lumaki ang gap nating dalawa. Simula ng araw na iyon hanggang sa grumadweyt tayo walang pansinan.

    Minsan, napapatulala ako at inaalala ang ating nakaraan. Dahil sa iyo, natuto akong magbisikleta (ang galing mo kasing trainor ^-^). Dati wala akong interest sa musika, pero dahil sa iyo nagkahilig ako dito. Di ako naniniwala na may boses ako, pero sabi mo maganda ang boses ko. Nagkainterest din ako sa gitara, para sabay tayong tutugtog kung sakaling magaling na akong tumipa. Madalas kapag may birthday party sa atin, ang grupo mo at grupo ko ang magkalaban sa sayawan, parehas kasi tayong mahilig sumayaw. Akala ko darating ang araw na sasayaw tayong dalawa, sa saliw ng paborito nating musika. Kaso, malabo na mangyari iyon, lahat iyon ay parang bula na nilipad ng hangin at biglang naglaho.

Sabado, Hulyo 23, 2011

PEBORIT KO NOON.... (Food for Tiyan!.....)

ko     Noong bata ako, madami akong paboritong pagkain. Kaya lang siyempre, can't afford ako, dehins naman kami iniiwanan ng pera ng parents ko. Madalas lutong pagkain o kaya sila nalang ang bibili. Kaya ako ginagawa ko dati, para may pambili ako ng kutkutin, nilalambing ko si tatay. Sasabihin ko "Tay, gusto mo bunutan kita ng puting buhok?" sabay sagot ng tatay ko "Magkano ang hihingiin mo?" pero nakangiti.... hehehehehe... Basta matapos ko lahat ng bunot, meron na akong dalawang piso (malaking halaga na iyon dati, madami ka ng mabibiling tsitsira noon...).

1. Royal True Orange ( iniinom ko dati ito kapag may sakit ako, at ang commercial na "Ito ang gusto ko" sung by Francis Magallona) 2. 7 Up ( love ko dito si Pido Dido.. hehehehe, may damit pa ako na ganito dati.) 3. Milo at Nido (ito ang tandem na inumin namin dati, ayaw ko na purong gatas kasi dati.) 4. Pepsi (may nauso dati yung Pepsi blue, masarap din yun) 5. Fanta (ay! peborit ko ito, noong unang labas ito, masyado nawili ang mga bata dito. Para rin siyang softdrinks, pero may iba't-ibang kulay.) 6. Cali (ito ang unang inumin na sabi nila ay malalasing ka. Pero bakit noong uminom ako, parang wala naman nangyari..... heheheheh...) 7. Sarsi (ang alam ko pinapainum ito sa akin ng aking ina kapag masakit ang tiyan ko noong bata pa ako... di ko rin alam kung bakit?) 8. Ovaltine (chocolate drink, ka-kompitensiya ng Milo) 9. Bear Brand (ays!... ayoko nito dati, iba lasa niya sa ibang gatas. Pero ngayon, nag-improve na ang lasa nila) 10. Sunkist (dati ang balot nito ay tetra pack na square, tapos lasang orange talaga.) 11. Coca Cola (hay.... all time peborit natin lahat.... Coke kung coke... ^^) 12.Zesto (ang juice ng bayan... lagi ito ang baon ko sa school, na halos ikapurga ko na....hehehehe) 13. Scramble (akalain mo yun, medyo pinasosyal na ang scramble ngayon. Dati kay manong lang kami bumibili nito, yung natitinda sa labas ng school, na halos tagataktak ang pawis niya sa paghalo.)  14. Sprite (kapag nauumay ka sa kinain mo, yan ang inumin mo sprite... di ko rin alam kung bakit? Ganyan kasi ang ginagawa ni ina sa amin) 15. Birch Tree (It's everybody's milk! ito ang gatas na paborito ko... dati creamy siya, ngayon di na masyado) 16. Sago't Gulaman (kahit saan lugar ka mapunta, lagi kang makakakita ng nagbebenta ng samalamig, at ang popular dito ay ang sago't gulaman. Dun sa binibilhan namin sa labas ng school, nilalagyan pa nila ng maraming yelo) 17. Yakult (Okay ka ba tiyan! naalala ko, tuwing uuwi ang parents ko galing work, lagi kaming may pasalubong na yakult. Limang piraso sa isang pack, since dalawa kaming magkapatid, tig-dalawa't kalahi kami...) 18. Pop Cola (cheaper version ng Coca Cola)

1. Frutos (ang kendi na binibili namin sa titser ko na dalawang piraso piso.) 2. White Rabbit (masarap ito, caramel na may milk. Yum yum yum... pero natigil ako kumain nito, noong nabalita na may something sa kendi at na ban.) 3. Lala chocolate (since can't afford kami bumili ng mahal na chocolate, siya ang sagot para sa mahihirap.. ehehehhe.. P2.50 lang isang banig dati, ngayon di ko na alam ^-^) 4. Tootsie Roll (noong napunta ako sa mercury drug... nagulat ako at nakakita pa ako ng kendi na paborito ko noon... akala ko dati wala na talaga ito.) 5. ChocNut (aitz... di ka Pinoy pag hindi mo ito kilala) 6. Cheese Ring (alam ko may free itong laruan.. yung pagbinaliktad mo siya, ay tumatalbog.... di ko alam kung tama ako... basta may free itong laruan) 7. Bazooka (ang bubblegum na ubod ng tigas pagkinain mo... may free comics yan sa bawat bili mo, pero ako di ko nakumpleto yang comics na yan.) 8. Pee Wee (dati may ta-pipiso ito kasamahan siya ng Ritchie at Cheez It) 9. Snacku (hay... ako'y nagsawa sa junk food na ito. Paano ito lagi ang ipinapapasalubong sa amin ni nanay. At madalas mong mapapanood ang commercial nito every sunday lalo na kapag may mga sentai na palabas...) 10. Mighty Mouse (ang candy na hugis mighty mouse, may cola, strawberry at milk flavor) 11. Cornbits Cornick (dati may tag-pipiso nito, tapos lalagyan namin ng suka, kalahati nung plastic.. tapos ibababad namin iyon. Kapag naubos na namin ung laman, saka namin hihigupin yung suka...^-^) 12. Tira-tira (naabutan ko ito, na sa foil pa siya nakabalot. Na halos sumakit na ang panga mo sa pagkain nito sa sobrang dikit sa ngipin or sobrang tigas.) 13. Mik Mik (masarap ito, kaso nakakahirin kasi gamit mo straw para makain siya)  14. Humpy Dumpy (unang labas nito ung sweet corn flavor na kapag binuksan mo, lalo na sa aircon room ay aalingasaw ang kakaibang amoy... hahahahhaha)
1. Pritos Ring (madalas inilalagay ko ito sa limang daliri ko at saka ko siya kakainin.) 2.Stork candy (noong bata pa ako, gusto ko ito kasi mahiluhin ako sa biyahe kaya ito ang binibili ng nanay ko sa akin. Di ako sasama sa malayuan na biyahe, kapag wala nito) 3. Ovalteenies (masarap ito, ovaltine na ginawang candy) 4. Pretzel ( gusto ko ung mga ginugupit sa likuran ng box nito. Tapos bubuuin mo, pagkatapo noon may instant laruan ka na.) 5. Nutri Star (isa rin sa pinagsawaan ko, kapag walang nabili na snacku si nanay, eto ang kanyang second choice) 6. Iced Gem (biskwet na may matigas na icing sa ibabaw. Una kong kinakain ung biskwet, tapos huli ko kakainin ung icing.) 7. Nips (since di pa masyadong patok sa amin ang M & M at dahil mahal na rin. Kay Mr. Nips kami nakadepende.. hehehehehe masarap rin naman siya lalo na ung may peanuts.) 8. Coin Chocolate (ito ung chocolate na may balot na gold foil, na akala mo tutuong gold coin.) 9. Viva candy (ang candy na caramel... huli ako nakakita nito, ibinigay noong ka-MU ko... pinakatago tago ko pa... pero sa huli binigay ko sa kaibigan ko na nauumay at kailangan ng matamis na kendi. T-T) 10. Oishi (kasabayan ito ng snacku, natural iisa lang ang company na gumagawa nito, third choice ito ni nanay kapag wala yung snacku at nutri star) 11. Dinosaur biscuit (madalas ito ang binibili ni nanay at ibinabaon namin sa skul)

1. Rebisco Cream (naku!... dumating sa punto na naumay kami sa biskwet na ito.) 2. Smarties (na-adek din ako dito, lalo na ung takip niya kailanan mong buuin na S-M-A-R-T-I-E-S) 3. Moo Moo Candy (kelan lang nakakita ako nito, akala ko face-out na ito. Masyado akong natuwa at binili ung tinda ni ate na moo moo candy.) 4. Yan Yan (ito ung stick na ididip mo sa chocolate) 5. Kropek (hay naku, ang sarap nitong papakin tapos isasaw mo sa suka.) 6. Nissin Butter Coconut (masarap ito, isa sa mga peborit kong biskwet) 7. Goya (di pa gnito ang packaging nito dati, abot kaya na chocolate ) 8. Sunshine (ito yung green peas na coated) 9. Tomi (mabenta rin ito dati.) 10. Karyoka (itinitinda sa school canteen, pero di ko feel) 11. Palitaw (ang pagkain na lumulubog at pag naluto ay lilitaw...)


1. Yema (ay napakatamis!... pero masarap) 2. Pop rice (madalas ako bilhan nito ni tatay.. parehas kasi namin peborit) 3. Chees curl ng magbobote (dati kapag dumadaan ang magbobote sa amin, madalas niyang ipinampapalit sa bote ay ang chichiria). 4. Fish cracker (masarap ito lalo na yung maanghang... tapos lalagyan ng suka. Kaso napabalita na kapag ginagawa daw ito eh,inaapak-apakan.) 5. Pianono (tinapay na..mabubulunan ka... di ko alam kung bakit? everytime kumakain ako nito, nahihirinan ako.)6. Inipit (sarap nito! ^-^)  7. Fishball (bakit kaya masarap ang sauce ng fishball na nilalako, kaysa kapag home made lang...Masarap din itong iterno sa malamig na gulaman^-^) 8. Banana/Kamote Que (masarap lalo na kapag bagong luto at iterno sa malamig na Coke ) 9. Merengue (ito yung icing na pinatigas, sa tindahan may nagbebenta nito ng patingi tingi.. piso ang isa...) 10. Pilipit (ang tatay ko kahit pustiso na ang ipin niya... napakahilig dito...)


Martes, Hulyo 19, 2011

ALAALA NG NAKALIPAS prt. 6 (ang katapusan ng lahat...)

          Yehey! Pasukan na naman! Magkakasama na naman tayo, pero siyempre hindi tayo magkaklase at malayo na naman ang building mo sa building ko (haitz!...). Pero okay lang, at least magkasama pa rin tayo sa school. Masusundo mo na ulit ako sa klasrum at magkakasabay na tayo umuwi. Di na kasi tayong nag-seservice at nag-cocomute nalang tayo, dahil pang-umaga na ang klase natin ^^,.  Tuwing uwian, naglalakad lang tayo,  kahit malayo ang lakarin, okay lang kasi kasama naman kita. Di ako nakakaramdam ng pagod, kasi lagi mo akong kinukwentuhan at kinikilig ako ng bonggang-bongga tuwing kasama kita.

            Haitz! Ang bilis ng mga araw, parang kelan lang nanliligaw ka pa sa akin at naging tayo, nakaranas ng pagsubok at hiwalayan. Ngayon, mag-iisang taon na tayo… WOW! Di ako makapaniwala na umabot tayo ng isang taon. Pero heto, ilang araw nalang at anibersayo na natin. Hindi ko alam kung ano ang ibibigay sa iyo. Wala akong masyadong pera kasi, para bumili ng mahal na regalo. Ang tanging nabili ko nalang sa pera ko ay isang Anniversary card.  Dinaan ko lang sa magandang mensahe ang laman ng card ko.  Nakakatuwa naman, dahil parehas pala tayo ng regalo. Card din ang regalo mo sa akin, kahit simple ang mensahe mo para sa ating dalawa, kinikilig na ako (yiiiiiiiiiiiiiiiii……). Hay... ang hiling ko lang naman ay magtagal pa tayo, at ikaw na sana ang makasama ko hanggang sa pagtanda.

            Lumipas ang ilang buwan, biglang may pagbabago. Sa umpisa, hindi mo na ako sinusundo kapag uwian. Mukha na naman akong tanga, inaantay ang pagdating mo. Inaabot na ako ng pasukan ng mga pang-hapon, pero wala ka pa rin. Araw-araw naging ganon ang sistema natin, ako nasa school pa, ikaw nasa bahay na pala. Hindi ko alam, kung bakit bigla kang nagbago. Wala naman akong ginawang pangit, para mag-iba ka sa akin.  Naisip kong kausapin ka, pero di ako makahanap ng tiyempo. Paano naman, lagi ka naman, naunang umuwi. Isang araw, naisipan kong puntahan ka sa classroom mo, para makapag-usap tayo pagkatapos ng klase. Kaso mukhang busy ka, kasama ang mga bago mong kaibigan. Sa huli, hindi pa rin tayo nakapag-usap.

            Malungkot at nasasaktan ako ngayon. Wala akong naging kasalanan, para mangyari ito sa atin. Isang araw, napagbigyan ako ng langit. Nagkaroon tayo ng pagkakataon na magka-usap, uwian na noon at doon tayo umupo sa upuan na malapit sa oval. “Kamusta ka?” yan ang tanong ko sa’yo. “Okay lang…” mukhang masaya ka pa sa sagot mo. Ako kaya, subukan mong tanungin, para malaman mo kung okay ba ako.  Sobrang maraming tanong sa aking isip, gusto ko itanong lahat iyon. Pero, di ko makita ang concern sa iyo, iba ka na talaga. Biro mo, kausap kita, pero nakikipagharutan ka sa mga kaibigan mo. Haler!... andito ako… pakiramdam ko di ako nag-eexist sa paningin mo. Mas gusto mo pa silang kasama kesa sa akin.

            Nag-walk out ako, mabilis kong nilakad ang daan palabas ng campus. Mabigat na naman ang puso ko. Gustong sabihin ng utak ko, na okay lang ang lahat. Pero iba ang nararamdaman at isinisigaw ng puso ko. Nag-eexpect pa naman ako na habulin mo ako at mag-sosorry ka. Pero mukhang malabo na mangyari iyon. Halos nakalabas na ako sa school, pero bigo yata ako na mapasunod ka. Mukhang ako na lang talaga uuwi mag-isa. Hay naku! Wag ka naman tumulo ngayon, ayokong mapahiya sa mga tao. Naiiyak ako… kahit anong pigil ko sa mata ko, di talaga kaya, tutulo at tutulo pa rin ang luha ko.

            Sa di inaasahang pagkakataon, nakasabay kita sa paglalakad. Hindi mo kasama  ang mga bago mong kaibigan. Wala ni isang salita ang lumabas sa aking bibig, ayoko na munang magsalita. Pero ikaw ang unang bumawi ng katahimikan. "Ano kamusta ka na?" Hindi ako sumagot, gusto kong malaman mo na hindi ako okay. Pero hindi ka na rin nagtanong ulit. Hanggang makarating sa atin, pakiramdam ko iyon na ang katapusan ng love story natin. Sa pagtalikod natin sa isa't-isa, parang nagsasabi na tapos na ang lahat.....

Sabado, Hulyo 16, 2011

PEBORIT KO NOON at NGAYON....

     Kay sarap balikan ang ating kabataan, kung saan wala tayong iniisip na problema, except sa assignment natin sa school. Madalas naiisip ko, kung babalikan ko ang aking kabataan, gusto ko pa rin mapanood ang mga palabas na gusto ko.  Gaya ng mga ito:

 Peborit kong sentai at kamen (japanese)


1. Mask man (ako si Yellow Mask!) 2. Mask Rider Black (crush ko yan si Papa Robert!^^,) 3. Machine Man (Super hero na may plastic cover na kapa at may sidekick na bola "Buknoy the fighting ball") 4. Turbo Ranger (si Pink Ranger ako dito, lalaki kasi yung Yellow dito) 5. Magma man (ang mukhang tutubi na hawig ng konti kay Ultraman) 6. Bioman (Yellow four ako dito.... obvious na peborit ko ang yellow ^-^, back to back ito ng Maskman) 7. Shaider (ang pulis pangkalawakan, isama na rin si Annie.... na laging kita ang P****y.) 8. Fiveman (alam ko.... basta ako si yellow... magkakapatid sila dito.) 9. Ultraman (ang back to back ni Magma man..) 10. Jetman (mas huli ko ito napanood... ako si Blue swallow...) 

Peborit Cartoons ko!


1.He-man (mala-hercules ang katawan, sabi ng kapatid ko noon siya daw yan.ehehehehe) 2. Shera (ako yan...dati kabisado ko pa ang dialogue niyan.) 3. Visionaries (peborit namin ito ng kapatid ko, gusto ko yung pagtatransform nila sa animals.) 4. Voltron (defender of the universe, astig ito! ang kamay ng robot ay may pangil.hehehehe) 5. Bravestarr (gusto ko rin ito, pero di ko masyado nasubaybayan..) 6. Flinstone (na adek ako dito. Nagpabili din ako ng vitamins na flinstone, gusto ko thrice a day uminom noon ehehehehe) 7. Cowboys of Moo Mesa (saglit lang itong na air sa tv.. pero maganda din siya) 8. Dino Riders (ito yung pwede mong sakyan ang mga dinosaur. Gusto ko dito ung triceretop, tapos kalaban nila mga T-rex) 9. G.I Joe (ah... kapatid ko ang mahilig dito.) 10. Captain Planet (ito yung lilitaw lang siya kapag nagsama-sama yung lahat ng element earth, wind, fire, water.. tapos may heart pa yata.) 10. Sky Commander (isa rin sa kinahumalingan ko, gusto ko kasi yung naglalabanan sila, tapos naka-hang sila sa cable.) 11. Ghostbuster (astig ito.. lab ko din yung song nito.. "Who gonna call?" tapos sabay-sabay kaming sisigaw ng "GHOSTBUSTER!" hehehehehe)



1. Tom and Jerry (mabenta sa akin ang cartoons na ito, lagi nalang talo si Tom kay Jerry) 2. Casper (ang palakaibigang multo, nagkaroon ng movie ito dati. Sa awa ng Diyos ngayon ko lang siya napanood sa TV.) 3. The Adams Family (ang wierdo ng pamilya nila, di ko alam kung matatakot ka o matatawa sa kanila) 4. Mario and Luigi (mula sa laro, at tv show, lab na lab ko ito) 5. Yogi Bear (Osong kwela...) 6. Popeye (nakow! peborit ito ng kapatid ko. Binilhan pa siya dati ng ganitong outfit at laruan.) 7. Looney Toons (I Lab Bugs Bunny!... yun lang.) 8. Care Bear (mabenta ito noong bata pa ako, gusto ko dito si Braveheart) 9. Betty Boop ( ang seksi!.... kaya lang noon napanood ko ito, black and white talaga.) 10. Felix the cat (nakakatuwa siya, lalo na kapag nagsasayaw at nanliligaw.. hehehhe ) 11. Teenage Mutant Ninja Turtle (Kawo Bongga!!!.. ehehehehe lab ko sila. Gusto ko si Donatello at yung master nila, na malaking Daga..) 12. My Little Pony (nauso ito elementary ako... yung Pony pocket, mabenta sa mga girls.. mayaman ka kapag meron ka noon.Sad to say, kahit maglumpasay ako sa pag-iyak di ako ibinili ng nanay ko nito.)



1. Mr. Bogus (ang wierd ng itsura.. pero hanep sa kwela) 2.Super Book (ay maganda ito... cartoons siya pero on Jesus Life) 3. Flying House (same lang sila ng concept ng Super book.) 4. Princess Sarah (naku... palabas ito tuwing hapon. Kapag ito na ang palabas, walang batang hindi uuwi para manood nito.) 5. Astro boy (ang batang robot.) 6. Cedie ang munting prinsipe ( naiyak din ako dito, lalo na yung namatay yung tatay niya, habang tumutugtog siya ng flute) 7. Dog of Flanders (iniyakan ko ito... naawa ako kay Nelo at Patrache. Ang galing pa naman gumuhit ni Nelo.) 8. Wildcats ( pagkatapos ng X-men at Power Ranger ito na ang palabas. Parang X-men lang din siya.) 9. Sailormoon (Lab ko si Tuxedo Mask... pero ayaw ko si Sailormoon. Si Sailor Jupiter ako, di masyado pa-girl. First cartoon na talagang sa girls lang. Ang cute ng pusa dito si Luna.) 10. X-Men (ito ang astig!... crush ko talaga si Wolverine dito. At ako naman si Rouge) 11. Dragon Ball Z (dioske!. bata palang ako meron na ito, hanggang ngayon ipinalalabas pa siya sa channel 7) 12. Time Quest (Lilipad! Lilipad! TAKURE! gusto ko dito yung takure na naglilipat sa kanila papunta sa iba't - ibang panahon.) 13. Hutch (Ang batang bubuyog, hinahanap niya ang kanyang nanay. Pero saglit lang din itong pinalabas.) 14. Akazukin chacha (cute ni chacha noh!... ipinalabas ulit ito sa channel 23. Para tuloy gusto kong maghalf-day para lang mapanood siya. )15. Voltes V (every sunday ito palabas dati. After Bioman ang timeslot nito, huli kong panood nito highschool ako.) 16. Battle ball (di ko alam kung napanood niyo ito. Maganda yung anime na ito, baseball ang concept. Kailangan di ka tatamaan ng bola lalo na dun sa void tamaan.)  



1. Julio at Julia (kambal ng tadhana... Di sila literal na kambal, magka-iba sila ng magulang, kambal sila kasi parehas silang isinilang sa lunar eclipse) 2. Judie Abbott (sustentado ni Daddy Long leg, sa huli napangasawa niya din.) 3. Remy Nobody's Girl (ang palaboy na bata, lab ko yung mga aso dito, kaso namatay sila, ang natira lang si Cuppy.) 4. Tom Sayer and Huckleberry Finn (natawa ako dito, noong napagkamalan sila na patay na. Todo iyak ang mga kaanak nila. Tapos bigla silang lumitaw sa pintuan ng simbahan.hahahaha!) 5. Si Maria at ang lihim na hardin ( nadiskubre nila ang patay na hardin, tapos pinatubo ulit nila ang mga mga halaman at bulaklak.)
6. Munting Pangarap ni Romeo (ang itim na magkakapatid, nalungkot ako dito noong namatay si Alfred sa sakit na T.B) 7. Pamilyang Bon Trapp (parang The Sound of Music cartoon version) 8. Arthur and the knight of justice (paborito ng kapatid ko, pero ako hindi ko naiintidihan ang palabas na ito.) 9. Zenki (ang paborito niyang kainin ay ang binhi ng kasamaan yata yun, basta yung hugis mata.) 10. Blue Blink (donkey na kulay blue, tapos may quest sila dito.) 11. Little Women 2 (may asawa na dito si Jo (little woman), basta may aral ang cartoons na ito.)



1. Godzilla (ang malaking Butiki, na inaakyat ang Empire State Building) 2. Takoyaki Manto Man (di ko sure kung napanood niyo ito. Nagtitinda sila ng takoyaki tapos kapag may problem, transform to super hero sila) 3. Virtual Fighter (parang street fighter na tekken, basta more on action) 4. Bubblegum Crisis 2040 (action anime, pero mga babae ang bida.) 5. Ghost Fighter (una itong pinalabas, channel 13, tapos biglang nawala. Tapos sa channel 7 ko na ulit siya pinalabas. Crush ko dito si Dennis)  6. Hell Teacher Nube (Teacher siya, pero magaling siyang makipaglaban sa masasamang espiritu.) 7. Men In Black (alien ang kalaban nila dito, tapos may movie din ito. Gusto ko yung camera nila dito, kapag nag-flash na wala kang natandaan sa nangyari.) 8. Mojacko (galing sa ibang planeta, kapag nabasa siya ng tubig, lumalapad siya.) 9. Magic Knight Rayearth (ang gwapo ni Lantis dito, action with lovestory ang istorya nito.) 10. Doreamon (iniisip ko dati kung magkamag-anak sila ni Mojacko, parehas ko silang gusto ^-^) 11. Gundam Wing (Ito yung unang cartoons na napanood ko na may robot something, patok ito noong highschool ako.) 12. Flame of Recca (parang ghost fighter, may kapangyarihan din sila, like fire, water, air and earth)




1. Beast War (parang transformer siya, pero kapag nagtransform sila more on animals.) 2. Vision of Escaflowne (halos parang gundam wing din, may mga mobile suit din) 3. Saber Marionette (mga marionette na may feelings, like ko dito si Lime at Otaro) 4. Fushigi Yuugi (Love story ni Miyaka at Tamahome) 5. Slum Dunk (basket ball pero anime style, lab ko dito si Sakuragi) 6. Monster Rancher (laro siya sa computer, na napunta sa reality.)  7. Lupin (makisig na magnanakaw, with Goemon, Jiggin at Fujiko) 8. Fullmetal Alchemist (hinahanap nilang magkapatid ang Philosopher Stone, upang mabuhay nila ang kanilang ina.) 9. Yuugi Oh ( Card games ang concept, with a background of Egyptian myth) 10. Cowboy Bebops (mga bayaran, upang pumatay or magnakaw or bumawi ng ninakaw) 11. Card Captor Sakura ( marami siyang card na pede pagpilian, habang nasa labanan siya.)


       

Biyernes, Hulyo 8, 2011

Kahit maputi na ang buhok....

            Kanina bago ako tumawid sa Edsa. Nakakita ako ng mag-asawang lolo’t-lola. Kapwa inaakay ang isa’t-isa sa pagtawid. Natuwa akong tingnan sila, na kahit parehas ng mahina ang kanilang tuhod, at malabo ang mga mata, kapwa tinutulungan ang isa’t-isa. Napaka-gentleman ni lolo, hindi tipikal ang makakita ka ng ganitong senaryo araw-araw. Yun iba, nababaduyan, nakokornihan. Pero ako, natutuwa at masaya para sa kanila, ang sweet kasi nila kahit matanda na sila at hindi nawawala ang lambingan... yiiiiiiiiii.. (kilig)

            Napapakanta tuloy akong bigla... Nagtatanong lang sa iyo ako pa kaya'y ibigin mo... Kahit maputi na ang buhok ko....  Kung ako'y aabot ng ganitong edad at kapiling ko pa rin ang aking mahal... ngayon palang gagawin ko na ang sulat ko para sa kanya... (walang kokontra okay.... moment ko toh... (kilig)...

Mahal ko,
Sa sinumpaang pangako,
Na habang buhay magsasama,
Di ka kaya magsawa,
Sa paghawak sa kulubot kong mga kamay,
Tulad ng ginagawa mo noong bago palang tayo.
At palaging sinasabi,
"Ang sarap hawakan ng kamay mo, Mahal"

   

Di ka rin ba, magsasawa na akayin ako,
Kahit, parehas ng mahina ang ating mga tuhod.
Kagaya, ng pag-akay mo sa akin noon.
Habang masayang nilalakad ang daan.


Ipipitas mo pa ba ako ng mga paborito kong bulaklak,
Doon sa hardin nina Aling Rosa.
Naalala ko noon,
Halos lagi mong tinetyempuhan na wala siya,
Para may makuha ka lang na rosas.
Can't afford ka kasi noon.
Pero okay lang, basta galing sa iyo.


Haharanahin mo pa kaya ako,
Kahit mahina na ang aking pandinig.
Gusto ko, awitan mo ako ng paborito kong musika.
Yung themesong natin sa Kasal.
Naiyak ako noon ng kinanta mo ito,
habang ako'y naglalakad sa altar. T-T


Makukuha mo pa kaya akong yakapin,
Tulad ng pagyakap mo sa akin noon.
Kahit pa hindi na ako kasing bango,
Tulad ng aking kabataan.
Di bale, lagi kong gagamitin ang pabango,
na gustong-gusto mo. ^-^


Magagawa mo pa kaya akong halikan,
Kahit na matanda na tayo.
Kahit na parehas na tayong nakapustiso.


At sa huli,
Sana hindi ka magsawang samahan ako,
hanggang sa pagdadapit hapon ng ating buhay.
Masaya ako, at ikaw ang aking nakasama,
Ang aking, kaibigan, kapareha at katuwang.
Mahal ko, I LOVE YOU!....

Miyerkules, Hulyo 6, 2011

ALAALA NG NAKALIPAS prt. 5 (bakasyong... wala.....)

     Simula ulit ng panibagong araw para sa ating dalawa. Masaya na ako palagi, at laging may kilig moment. Palagi mo din ako sinusundo sa room ko tuwing uwian, touch ako sa mga effort mo. Inggit nga ang mga klasmeyt ko na babae, kasi ang gwapo mo daw. Sabi ko siya ang masuwerte sa akin... joke ^-^V, at hindi ka lang gwapo kundi, ubod ng sweet at mabait as in.

     Minsan, dumayo ako sa klasroom niyo. Grabe ang layo niyo sa amin, pero okay lang, makikita naman kita. Todo pakilala ka sa akin ng mga klasmeyt at friend mo sa room, isama na din natin ang adviser at mga subject teacher mo. Kaya tuloy, tuwing makakasalubong ko sila sa skul. Lagi nila akong binabati at sinasabi kung ano ang mga pinaggagawa mo. Ako tuloy ang nahihiya, pero carry lang kasi love kita... mmmmm... ^-^.

    Six months na tayo, naalala ko niregaluhan mo ako ng stuffed toy na aso, tuwang-tuwa ako dahil effort ka ulit, bumili ng gift para sa akin. Samantalang ako card lang ang binigay ko sa'yo, pero appreciate mo pa din. Kasabay ng monthsary natin ang Christmas party sa skul, kaya maaga tayong pinauwi ng mga teacher natin. Niyaya kitang magsimba, para makasama pa kita ng matagal.... (kilig). Sa simbahan todo ang pray ko, ang tagal ko nakaluhod at nakapikit. Siyempre hingi ako ng guidance at good health sa buong miyembro ng pamilya, at lastly magtagal kami ng first love ko.

    Pagkatapos magsimba, parang ayaw ko pang umuwi. Tinanong mo ako kung uuwi na ba tayo, sabi ko wag muna. Kaya tumambay tayo dun sa may palaruan. Kasama siyempre ang mga kaibigan mo at kaibigan ko. Parang mga bata ang mga kaibigan natin, tuwang-tuwa na naglalaro sa park. Tayo naman magkatabi sa isang upuan, at panay ang kuwentuhan. Ang sweet ng moment na iyon, parang gusto ko itigil ang pag-ikot ng mundo (kilig).

    Noong Christmas, batian at letter lang ang nangyari. Di pa kasi alam ng mga parents natin, ang tungkol sa relasyon natin. Natatakot tayong pareho na sabihin sa mga parents natin, ang totoong status natin. Kaya sa skul lang tayo madalas sweet, kapag nasa atin na tayo, sibil lang tayo. Pero okay lang, basta may time tayo na mag-usap. Pero tingin ko alam na ng parents ko na tayo na, madalas kasi akong tinutukso ni papa, tuwing dadaan ka at kung may iaabot ka sa bahay namin. Ganun din ang pamilya mo, naisip ko tuloy sekreto pa ba talaga ang relasyon natin(heheheheh).

    Mabilis lumipas ang mga araw, at bakasyon na. Biglaan ang pag-uwi namin sa probinsya, ayaw ko sana sumama, pero pinilit ako ni Papa. Ngayon lang kasi siya makakauwi after 20 years, dalawang linggo din kami doon. Ma-mimiss kita masyado, alam mo naman... ikaw ang Dr. Jones ng puso ko... yiiiii (kilig). Ayoko din mangitim, baka kasi maging pangit ako sa paningin mo (hmp..). Sa dalawang linggong pananatili ko doon, lagi kang pumapasok sa isip ko. Buti na lang nandyan ang mga pinsan ko para libangin ako. Pagkatapos ng dalawang linggo, balik Maynila na kami. Ikaw naman ang wala, umuwi kayong pamilya sa Bulacan. Nalungkot ako, excited pa naman ako na makita kita (hmp..). Pero tingin ko okay na rin, kasi masyado akong maitim. Nahihiya ako na makita mo na ganito ang kulay ko.  Kaya nagtago ako ng isang linggo para  pumusyaw ako kahit papaano. Epektib naman siya!.. ^-^ Puro love letter lang tayo nag-cocomunicate, di ba nga.... di naman nila alam.


 Itutuloy...................

Martes, Hulyo 5, 2011

26 THINGS THE PERFECT GUY WOULD YOU..............

26 things the perfect guy would you……

1. Know how to make you smile when you are down.
2. Try to secretly smell your hair BUT you always notice.
3. Stick up for you but still be respectful of your independence.
4. Give you the remote control during the game.
5. Come up behind you, put his arms around you, squeeze you tightly against his chest, and whisper softly into your ear
6. Play with your hair.
7. His hands will always find yours.
8. Be cute when he really wants something.
9. Offer you plenty of massages.
10. Dance with you even if he feels like a dork.
11. Never run out of love.
12. Be funny, but knows when to be serious.
13. Realize he’s being funny when he needs to be serious.
14. Be patient when you take forever to get ready.
15. React so cutely when you hit him and it actually hurts.
16. Smile alot.
17. Plan a romantic date full of cheesy things he wouldn’t normally do just b/c he knows it means alot to you.
18. Appreciate you.
19. Help others out.
20. Drive 5 hours just to see you for 1.
21. Always give you a peck on the cheek when you depart from each   other’s company- even when friends are watching.
22. Sing even if he can’t
23. Have a creative sense of humor.
24. Stare at you.
25. Call for no reason
26. Quit smoking, chewing, drinking, or drugs just b/c he loves you enough

    Bigla tuloy akong napaisip.... may lalaki pa kayang nag-eexist na pwedeng makuha ang lahat ng qualification na ito (hindi ko ito listahan... napulot ko lang ito sa net...kaya wag mag-violent reaction.. okie).

    Hmmmmm..... siguro napakaswerte ng babaeng yon. Pero gaya ng sabi nila .... Walang perpektong nilalang dito sa mundo. Lahat tayo ay may tinatagong maganda at pangit na pag-uugali. At ska di naman pinagtatagpo ang parehas maganda at gwapo, pangit at pangit. Haler!... swerte naman nila kung parehas gwapo at maganda ang partner...(roll-eyes)...

    Minsan nakakatuwang tingnan ang mga magdyuwa or mag-asawa, na hindi man perfect sa physical features, perfect naman sa pagmamahal... yiiiiiiiiiiiiiiiiiiii.... (mei ganon...^-^)

Linggo, Hulyo 3, 2011

ALAALA NG NAKALIPAS... prt 4 (Pag-ibig na nagbalik..)

     Isang araw nagdesisyon ako na kailangan kong mag-move on, nagpagupit ako ng buhok, iyong gupit na hindi ko pa nasusubukan. Nagpa-bob cut ako uso na rin yun dati, pero mas uso ito ngayon(ganun yata talaga ang mga babae, kapag broken hearted, bigla-biglang nagpapagupit at kung ano anong make-over ang ginagawa). Kinulit ko ang aking ama na ibili ako ng rubber shoes, yun parang basketball shoes ang dating. So, ang kinalabasan, mukha akong TIBO sa ayos ko... (yan kasi ang madalas na porma ng mga tibo sa skul namin dati.)

      Isang pagbabago ang ginawa ko sa sarili ko para lang makausad ako, alam ko na napansin mo ang pagbabago ko, at hindi lang ikaw ang nakapansin sa akin, pati na din mga kaklase ko ay nagulat. Di nila akalain na puporma ako ng ganun. Gusto ko kasing ipakita na matapang ako, ayaw kong magmukha akong kaawaawa sa paningin ng lahat. Nagulat ako ng sabihin ng kaibigan mo na; "Bakit ka daw nagpagupit ng buhok?". Di ko alam kung matutuwa ako ng sabihin iyon ng kaibigan mo. Tuloy nagkaroon ng kuwestiyon sa aking utak... bakit ka affected sa pagpapagupit ko? Kung tutuusin, dapat wala ka ng pakialam sa akin. Pero bakit ngayon kung maka-asta ka ay parang kuwestyonable ang aking pagpapagupit...haitz...

      Isang buwan ang lumipas, exam na ulet para sa 2nd grading period. Habang nag-eexam bigla akong kinabahan, di ko alam kung bakit. Pakiramdam ko may mangyayari ngayong araw na ito. Pero madali ko din binalewala ang lahat, mas inuna ko ang exam. Kinagabihan nakatanggap ako ng mensahe galing sa iyo. Sinabi mo na magkita tayo bukas pagkatapos ng exam. Magkahalong kaba at saya ang aking naramdaman, dahil ngayon lang ulit pagkatapos ng isang buwan, muli tayong magkakausap. Pero kahit ganun ayoko pa din, mag-expect dahil nga di ba, una cool-off lang tapos naging break. Ano pang aasahan ko, wala na di ba, pero pumayag pa din naman akong makipagkita. Gusto ko lang ay yung maayos na paghihiwalay, ayoko ng halos wala tayong kibuan.

     Kinabukasan, pagkatapos ng exam natanaw kita mula sa klasroom namin. Inaantay mo ako sa puno ng acacia. Kinabahan na ako, di ko mapigil mabilis na pagtibok ng aking puso, isa lang ang masasabi ko. Mahal pa talaga kita.... kaso di ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa iyo. Baka ito na ang una at huli nating pag-uusap. Mabilis kong tinungo ang lugar kung saan ka nakatayo kanina, pero wala ka na dun. Pakiramdam ko pinaglalaruan mo lang ako, at gustong mapahiya ako sa mga kaibigan mo. Pero mali pala ako, lumipat ka lang ng pwesto para makapag-usap tayo ng maayos.

     Eto na! kaharap na kita at kinakabahan na ako ng sobra-sobra... bumibilis ang pintig ng puso ko. Pero hindi ko iyon pinahalata, naghihintay ako sa mga sasabihin mo. "Kamusta ka na" iyan ang mga salitang binitawan mo. Kinilig naman ako, dahil naiisip ko may concern ka pa rin talaga sa akin. "Okay naman ako."tipid kong sagot "Ikaw... kamusta?" pahabol kong tanong sa iyo, pero di ako nakatingin sa iyo. Nahihiya kasi ako, baka biglang may luha na pala sa mata ko, makita mo pa. "Okay lang din... kaso na-miss kita.." di ko alam kung magtatalon ba ako sa tuwa, o magsisigaw sa aking narinig. Pero mas pinili ko ang kumalma at ngumiti ng kahit konti.

    Gusto ko ng matapos ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi, ang bawat salitang bibitiwan mo lalong nagpapabilis sa tibok ng aking puso. "Sorry pala sa lahat ng nangyari." panimula mo, tumingin ako sa iyo at ganun ka din "Gusto ko sana na ayusin natin ang lahat. Magsimula ulit tayo at kalimutan kung ano man ang hindi natin napagkasunduan". Di ko alam kung ano ang isasagot ko, hindi ko ito inaasahan. Ang tanging nakatatak sa aking isipan ay... ayusin ang paghihiwalay natin. Hindi ang ayusin pa ang nasirang relasyon.

    Matagal bago ako nakasagot, tiningnan pa kita kung seryoso ka sa iyong sinabi. Sa tingin ko seryoso ka nga, tiningnan mo ako at inaantay ang aking sagot. Isang malalim na buntong-hininga ang aking binitawan, at sinabi: "Sige... ayusin natin ang lahat." Nakita ko na sumilay ang mga ngiti sa iyong labi, masaya ka at masaya din ako. Akala ko sa ganun lang matatapos ang lahat, maaari pa palang maayos...

Itutuloy...............................

Sabado, Hulyo 2, 2011

MALIGAYANG IKA-438th ARAW NG PASIG....

MARTSA NG PASIG
 
Mahal namin ang lungsod Pasig
Pook ng aming tahanan
Bantayog ng kadakilaan
At kagandahang asal

Na handog din ng puhunan
Dugo at buhay inialay
Sa panig ng Katipunan
Ng panahong himagsikan

Pagmasdan ang ating paligid
Kayganda ng lungsod Pasig
At ganap na ating pag-asa
Pag-unlad at ginhawa

Kami ngayon ay nagpupugay
At sama-samang umaawit
tunay na ligaya natin
Dangal nitong lungsod Pasig

Pagmasdan ang ating paligid
Kayganda ng lungsod Pasig
At ganap na ating pag-asa
pag-unlad at ginhawa

Kami ngayon ay nagpupugay
At sama-samang umaawit
Tunay na ligaya natin
Dangal nitong lungsog Pasig.....

 
      MALIGAYANG ARAW NG PASIG (438TH Years na!)


     Sinimulan ko muna ang pagbati ko sa aking mahal na bayan... yan ang PASIG!...(with matching lyrics ng Martsa ng Pasig. Na madalas kinakanta ng mga estudyante sa iba't-ibang lupalop ng Pasig)  Laking Pasig ang inyong lingkod. Dito ako binuo ng aking magulang (ika nga made in Pasig ako.. hehehehe), isinilang ng aking ina, pinalaki at nagkaisip (Lab lyf, skul days, Bulakbol moment.. etc..). Kung papapiliin ako ng lugar... sa Pasig pa din ako titira. Lalo pa't ginagawa ng maayos na siyudad ang Pasig....

     Ang kaso.... sesegwey lang ako ng konti, dahil Araw ng Pasig ngayon.... isinara ang mga major kalye, kaninang umaga. Problemado ako, kasi papasok pa ako sa trabaho. Ang paalam ko sa boss ko ay malalate lang ako, dahil sa pag-aakala ko na hindi ako maiipit sa traffic. Haitz.... mali pala ako... naubos ko na ang isang Big Gulp (Pineapple Orange Juice) na binili ko sa 7-11 bago ako sumakay ng dyip. Natuyo na rin ang mahaba kong buhok at nahulas na ang make-up na pinaghirapan kong ilagay sa mukha ko.

    Tagaktak ang pawis ng mga pasahero sa sinakyan kong dyip, isama na din natin si manong drayber na kanina pa, nagmumura at dumadada, dahil sa kung anu-anong rota na ang aming dinaanan. At bawat daan ay lintik sa haba ng trapik. Sinubukan ko din maglaro ng games sa aking cellphone, para kahit papaano ay maaalis ang nararamdaman kong inis at bagot. Ikaw ba naman ang umupo ng higit 2 oras sa dyip.. sumakit na ang pwet ko at pakiramdam ko... na-stock lahat ng buto ko.

    Sa huli... hindi lang ako late.. kundi half-day na!... Bakit pa kasi, di na ko nasanay... Na tuwing Araw ng Pasig ay laging ganito ang eksena. Traffic at walang masakyan... Pero dahil Araw ng Pasig.. sige hindi muna ako maghihisterikal.. hihihihihi
(nakiamot lang ako ng picture sa dati kong skul...xenxa... hehehehe)