Biyernes, Hunyo 24, 2011

UGALING ASO!.....

     Iyan ang sigaw ng isang opismeyt ko sa isa ko pang opismeyt.... In-fairness naman sa kanya na catch niya ang attention ko... napilitang lumabas ng aking mukha na nakatago sa monitor ng kompyuter. Gusto kong tanungin ang mga nasa paligid ko kung ano ang nangyari... at kung bakit siya sumigaw ng ganun.Gusto kong paganahin ang pagiging echosera ko minsan, pero sa huli nangibabaw ang pagiging mapagmasid ko. Bigla tuloy akong napaisip kung ugaling aso ba talaga yung opismeyt ko? Na kung tutuusin mabait at magaling naman sa trabaho. Di ko tuloy mapigilan na ikumpara siya sa aso para lang malaman ko kung totoo yung sinigaw ng isa ko pang opismeyt. Inisa-isa ko ang common na ugali ng aso at ang ugali ng opismeyt ko...
       
                   
OPISMEYT
ASO

1. Friendly
    Palakaibigan siya at lahat yata ng tao sa opisina ay close niya. In short Ms. Friendship siya….

1. Friendly
sabi nga nila man's bestfriend ang mga aso. Kaya natural ang mga aso na maging friendly. Pero minsan may aso na hindi friendly lalo na kung hindi niya kilala ang humahawak sa kanya.

2. Malihim / Echosera (parang ako.. hehehe)
    May mga oras na malihim siya, at hindi mo mapipilit kahit gamitan mo na ng dahas… pero minsan naman echosera siya lalo na kung gusto niyang alamin ang lablyf mo.. hehehehehhe....

 2. Digging
      Mostly ng aso aymahilig maghukay, ngunit ito ay may maraming dahilan. Halimbawa, may gusto siyang itagong buto o laruan. Normal nilang ugali iyon, kung minsan naman ay gusto nilang magkalat lang… para mapansin mo…

3. Maingay (pero meron siyang husky voice… )
    Di naman palagi, kasi kung tuloy-tuloy siyang mag-iingay mauubusan siya ng boses hehehehehe.....

3. Barking
    Normal na ugali ng aso ang kumahol. Lalo na kung may parating na panganib, humihingi ng tulong, sa mga hindi kilalang tao, nagpapasikat sa kapwa aso o sa kanyang amo. May mga aso din na malakas tumahol at meron naman hindi.

4. Matulungin
    In fairness naman sa kanya, everytime may hinihingi ako regarding work, naibibigay naman niya kaagad. At ready siynag tumulong trabaho man o personal na bagay… (naks! Puring-puri kita dito.. mamya libre mo ako ha… heheheheheh)

4. Helpful
    Ang mga aso ay likas na matulungin, especially sa kanilang tagapag-alaga. Kahit na ang susuungin nila ay sobrang mapanganib, kaya nilang ialay ang kanilang buhay para sa taong nag-aruga sa kanila... (nakakalung kot naman... naiiyak ako sa mga ganitong eksena sa pelikula T-T)

5. Aggressive
    Sabi ng mga ka-grupo niya, aggressive daw siya... Sa nakikita ko  naman, mukhang hindi. Pero ginigiit talaga nilang aggressive siya... Kaya sabi ko nalang.. Sige na nga aggressive na siya... sa ibang bagay siguro.. hehehehee ^-^V

5. Aggression
    Ang mga aso na lumaki sa kalye at walang tamang pag-aalaga ay may behavior na ganito. Mayroon din mga aso na kahit na may tagapag-alaga ay malufet ang pagka-aggressive....At hindi pinakikinggan ang tagapag-alaga....

6. Palaban
    Masasabi kong palaban siya, ikaw ba naman ang laking Batangas.. Ala Eh!.. tiyak kong marami siyang baon na balisong... hehehehe.. Di ko sinasabing takaw away siya... pero pag-alam niyang nasa tama siya.. itatayo niya ang kanyang paninindigan.. lalo na sa umaapi sa kanya.... ^^

6. Biting
    Mahilig mangagat ang mga aso, lalo na kapag may nakasalubong ka na asong ulol.. tiyak ko hindi lang habol ang gagawin sa iyo.. kundi matinding kagat na hindi mo pa nararanasan sa tanang buhay mo. ... Usually ito ang kanilang pandepensa sa mga gustong manakit sa kanila.. o di kaya naman.. ay daan nila upang maglambing…

 
     Pagkatapos kong ilista ito... bigla akong natawa... dahil kahit pala ikumpara ko siya sa aso ay iba pa rin siya dito. Dahil ang alam ko nilikha tayo ng Diyos na mas mataas sa mga nilalang niyang mga hayop. Kung meron mang pagkakapareho.... ay dahil ito ay namanang ugali ng mga aso sa atin. Tayo ang nagiging halimbawa ng mga hayop, dahil sa tingin ko naman alam nila na mas mataas tayo sa kanila. Tuloy di ko maiisip kung bakit isinigaw niya ang salitang iyon... Na kung ako naman ang sinabihan noon... maaaring sabihin ko siya ng "KUNG AKO'Y UGALING ASO... Malamang Ikaw nama'y UGALING BABOY"... Isang baboy na kung makagawa ng ingay ay animo'y kakatayin na siya para gawing lechon sa araw na iyon... siya tuloy ang nais kong ikumpara sa aso o sa iba pang hayop... dahil sa kanyang ugali na pinakita.....at tiyak ko na kapag ikinumpara ko siya doon, possibleng manalo ang mga alaga kong aso at baboy kaysa sa kanya... Hindi ko nais kampihan ang aking opismeyt dahil sa kaibigan ko ito, pero sa pagkakataon na iyon.. hindi ko makita ang ibig niyang ipahiwatig sa mga sinabi niya... tsk tsk tsk.... nakakaawa....
keep smiling ....^-^

3 komento:

  1. pag sinabihan mo ang isang tao na ugaling aso negative ang dating nun.. kaya for sure, masama at matindi ang galit nun officemate mo dun sa isa nyong officemate.

    wag ka lang echosera dyan baka madamay ka pa. LOL

    TumugonBurahin
  2. @suplado... hahahahah.... tama ka diyan... kaya ako'y napagawa na lang ng sulatin.... at nanatiling tahimik... lol... :D

    TumugonBurahin
  3. Ito ang mga katangian ng mga Pinoy na nakuha natin sa mga banyagang na dating sumakop sa Pilipinas. At hanggang ngayon ay mahirap na natin maiwan iwan hanggang sa kasalukuyan ang pagiging "Ugaling Aso" sa palagay ko lang in English only my Opinion.

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa