Lumipas ang taon at araw.... tumigil na rin tayo sa paglalaro at wala na rin maingay sa kalsada.... Isang araw kinausap mo ako, at sinabi mo na tulungan kita. Nagulat ako kasi ako pa ang hiningian mo ng tulong. Sabi ko "kahit ano bestfriend..... basta kaya ko", nakangiti pa ako ng mga oras na iyon. Sabi mo: "tulungan mo naman ako kay April". Si April ang malapit kong kaibigan na babae. Nagulat ako... at napaisip kung tutulungan ba kita. Ayoko sana, kaso "OKAY" ang lumabas sa aking bibig. Tinulungan kita sa kaibigan ko... in short naging tulay ako sa inyong dalawa. Di naglaon, naging kayo na ni April.... kitang-kita sa mga mata mo ang saya, noong araw na sinagot ka niya. Lumipas ang ilang linggo, lumapit ka ulit sa akin at sinabing wala na kayo. Nagulat ako, at tinanong kung "BAKIT?". Sinabi mo na hindi payag ang magulang niya sa relasyon niyo. Malungkot at masaya ang naging reaksyon ko, alam ko na unang girlfriend mo siya at masaya ako kung saan ka masaya. Ngunit ito rin ang unang nalungkot ang puso mo dahil sa pag-ibig, kaya malungkot din ako para sa'yo. Di ko nga maintindihan ang sarili ko... kung bakit nakikisimpatiya ako sa'yo. Samantalang ako din nama'y nasaktan sa pagsabi mo na mahal mo ang kaibigan ko. Lumipas ang ilang buwan.... masaya ako at nakarecover ka na...hindi ko na nakikita ang lungkot sa mga mata.... ganon yata siguro kapag saglit lang ang dumaan na pag-ibig (ika nga PUPPY LOVE). Dumating ang pasukan, parehas tayong freshmen sa parehas na eskwelahan... sabi ko nga okay ito atleast may kakilala na ako at hindi ako matatakot. Pero kahit parehas tayo ng pinapasukan, hindi naman kita kaklase... masyadong malayo ang building mo sa building ko. Pero okay na din dahil kasabay kitang umuwi palagi ^-^ (dahil iisa lang ang service natin, at ang tatay mo ang driver ^-^). Ngunit isang araw di mo ako pinansin.... inisip ko baka abala ka lang o baka nakahanap ka na ng bagong kaibigan sa school. Gusto kitang kausapin ang kaso baka magalit ka sa akin at di mo sagutin ang mga tanong ko. Pero isang gabi habang ako'y gumagawa ng takdang aralin ko sa sala... lumapit ang aking kapatid, sabay abot ng isang sulat. Kabado akong binuksan ang sulat, una kong binasa kung sino ang nagsulat, laking gulat ko dahil pangalan mo ang nabasa ko.. ^-^.Di ko alam kung matatawa ako o maiiyak.... sa laman ng iyong sulat... gusto mo pala akong ligawan. Ngayon ko lang naisip na kaya mo siguro ako iniiwasan... dahil di mo masabi ang nararamdaman mo sa akin.... Halos isang buwan mo din akong sinuyo noon, araw - araw may sulat kang binibigay sa akin.... at habang binabasa ko iyon para akong kiti-kiti na kinikilig sa aking kinauupuan...gumagawa din ako sulat para sa iyo.... noong mga oras na iyon....grabe ang saya na nadarama ko (grabe dahil sobra sobra siya ^-^). Isang araw sabi ko sa sarili ko... dapat matigil na ito.... kaya hinarap kita noong araw na iyon... ika- 17 ng Hunyo... Tanda ko pa ang araw hanggang ngayon (dahil siguro ikaw ang una kong mahal... kaya di ko din iyon nakalimutan) iyon ang araw na sinagot kita. Nakita ko sa mata mo ang saya at ganun din naman ako. Wala akong mapagsidlan ng saya ng mga panahon na iyon.
Itutuloy...........
Itutuloy...........
cute yung kwento nyo... parang nagsusumixteen lang ako pag binabasa ko. hahaha. dyuk!
TumugonBurahinPS. mas maganda kung wag mong buuin sa isang paragraph lang ang kabuuan ng iyong kwento.. para kasing nakakahingal basahin! LOL (critic? haha..)
@suplado... tenk u!... hahahahhaa... sige next issue di ko na gagawing paragraph... hehehheheheh.... text style naman.. .lol
TumugonBurahin