"Ako kailan ba ako naging mahalaga sa iyo?"
Yan ang tanong ng babae sa lalaking kaharap niya. Aksidenteng narinig ko ang mga salitang ito, habang ako'y naglalakad sa Edsa. Hindi nakapagsalita si lalaki, pilit hinahagap ang sagot sa kawalan. Pagkatapos ng isang lingon sa kanila, nagtuloy tuloy na ako sa aking paglalakad. Tatawa akong napaisip sa binitawang salita ng babae, pero maya-maya pa ay lumalim na ang pag-iisip ko. Narinig ko na rin ang salitang ito, sa aking mahal na ina. Ito yung binitawan niyang salita sa amin, pero maski ako noong araw na iyon ay hindi nakapagsalita. Walang anumang salita ang kumawala sa aking mga labi. Sa sobrang desperado, tumulo ang luha sa aking mga mata, marahil hindi ko mahagilap ang sagot. Pero sa huli ang utak ko ang nagbigay ng sagot, na bawat mahal natin sa buhay ay may halaga sa atin. Nasa sa atin kung paano natin ipararamdam sa kanila ang halaga nila, at nasa sa atin din kung paano ang gagawin nating pagkilos para maramdaman nila na mahalaga sila sa atin.
"Mahalaga ka sa akin, gaya ng pagpapahalaga mo sa amin sa ating pamilya. Higit pa sa salita o bagay ang gusto kong gawin para ipadama na mahalaga ka sa akin Nanay..." ang tanging sagot ng aking utak...
Pero gaya nga ng sabi ng isang DJ sa kanyang istasyon. Hangga't may pagkakataon na masabi mo sa taong mahalaga sa iyo ang nararamdaman mo, gawin mo na!... Bakit mo pa aantayin ang bukas? o ang mga susunod pang araw, kung kaya mo namang sabihin ngayon. May punto siya dun, kailan mo pa nga sasabihin kung kelan huli na ang lahat, kung kelan wala na o kung kelan malayo na siya. Pero gaya ng sabi nila.... kanya-kanyang pag-iisip ang bawat tao. Nasa sa kanila kung nais nilang magsalita o hindi... Kaya sa huli desisyon pa din nila ang masusunod.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa