Linggo, Hunyo 26, 2011

ALAALA NG NAKALIPAS......

Naalala ko noon, yung araw na pumasok ako sa kinder. Tahimik lang ako, hindi ako masyadong pala kaibigan, lalo na sa mga kaklase kong lalaki. Ang seating arrangement namin noon, nakahiwalay ang lalaki sa babae. Halos hindi ko nga tanda ang pangalan ng mga kaklase kong lalaki. Isang araw, may liwanag na tumatama sa aking mukha, akala ko di siya sadya na tamaan ako ng liwanag. Pero sabi ng katabi ko sa akin "tingnan mo oh, sinisilaw ka niya" sabay turo kung saan ka nakapwesto. Tiningnan kita noon at tumingin ka rin at sabay kaway na may ngiti sa labi. Isang matalim na tingin lang ang aking itinugon. Iyon ang araw na nakilala kita sa mukha, pero dahil di ako interesado sa'yo madali ko iyonng nakalimutan. Lumipas ang mga araw, nagpatuloy ako sa aking pag-aaral. Dumating ang araw ng fiesta, kailangan sumali ng mga estudyate sa parada, requirement ito ng eskwelahan na pinasukan ko. Napili ako ng aking guro na maging Ms. Kinder noong mga panahon na iyon. Sa totoo lang ayaw ko talagang sumali sa mga ganung aktibidades, dahil di naman iyon kailangan sa pag-aaral. Heto na at dumating ang aking konsorte, gaya nga ng sabi ko kanina pag di ko gusto ang isang tao, nakakalimutan ko ang itsura nito. Tiningnan ko ang lalaking ito, tahimik naman siya. Para nga siyang tuod dahil ayaw niya akong lingunin tuwing kakausapin ko siya. Hanggang sa matapos ang parada di ko masyadong natingnan ang kanyang mukha, maski noong nasa bahay na kami ng aming principal di pa rin niya ako tinitingnan. Sa isip ko baka nahihiya lang siya sa akin. Pagka-graduate ko sa pre-school lumipat na din kami ng bahay. Panibagong pakikisama sa kapit-bahay ang aking inalala, panibagong pagpapakilala sa mga magiging kalaro. Kahit papaano may mga naging kaibigan kaagad ako sa bagong lugar. Hanggang ang isang kaibigan ay naging sampu o higit pa. Masasabi ko na isa ka sa naging close ko na lalaki, kumbaga ikaw ang bestfriend ko na lalaki. Isang araw nagbigay ka ng sulat, laman noon ay ang pagtatapat mo. Nagulat ako dahil sa mura nating edad ay naihayag mo ang nadarama mo para sa akin. Tinugon ko ang iyong sulat at sinabi, "sa mga ganitong edad, hindi dapat iyan ang inuuna natin. Kapag malaki na ako saka ka nalang magtapat ulit. Nalaman iyon ng mga kalaro natin at simula noon palagi tayong tinutukso. Pero para sa akin wala lang iyon," maraming babae ang iyong hinangaan noon. Okay lang yun kasi gwapo ka naman. Isang araw pinapunta kami ng iyong nanay sa bahay niyo dahil may okasyon. Maliit pero maayos ang inyong bahay at sa hindi sinasadya nakita ko ang larawan na pamilyar sa akin. Pamilyar dahil ako ang nasa larawan katabi ang isang lalaki.... binalikan ko sa aking alaala yung araw ng parada... kaya ka pala pamilyar sa akin... ikaw pala ang aking konsorte noon na hindi kumikilos at hindi nagsasalita. Natawa nalang ako sa aking sarili ng malaman ko iyon. Kinuha iyon ng nanay mo at pinakita sa akin... at nagkwento. Masaya ako ng araw na iyon....

Itutuloy.......
                         

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa