Martes, Hunyo 28, 2011

ALAALA NG NAKALIPAS - part three (Sugatang Puso)....

     Pakiramdam ko, makulay ang paligid ko araw-araw. Ganun yata kapag unang pag-ibig at mas lalong makulay ikaw na aking Childhood Sweetheart ang aking kapareha. Natatandaan ko niregaluhan mo ako ng simpleng pang-display na may nakalagay na rosas at may nakasulat na "I LOVE YOU". Sobrang kilig ang naramdaman ko noon... kasi first time ko makatanggap ng regalo mula sa mahal ko. Kahit simple lang iyon, maganda pa rin siya sa paningin ko.

    Nakakatawa nga eh... kasi araw-araw kong dala sa bag ang regalo mo at hindi ako nagsasawang bitbitin iyon. Isang araw biglang umulan ng malakas at binaha ang school, nagpasya ang eskwelahan na pauwiin na tayo. Na-touch ako nung nalaman kong hinahanap mo pala ako sa buong campus, at magkasabay natin hinintay ang pagdating ng iyong tatay. Noon din araw na iyon ang araw na inakbayan mo ako. Para akong nakuryente noon... ganun pala ang feeling kapag inakbayan ka ng taong mahal mo... may kilig... SOBRANG KILIG!^-^V

    Noong sumunod na monthsary natin niregaluhan mo ako ng tatlong pirasong singsing na nakahulma ang pangalan ko. Pinagawa mo iyon kay manong na nagtitinda sa labas ng campus, natuwa ako dahil nag-effort ka na ipagawa ako singsing na yari sa gold plated na alambre. Araw-araw suot ko yung singsing, kaso naiwala ko yung isa...... kaya dalawa nalang natira. Pero atleast may natira pa din. ^-^V . Isang araw mayroon tayong di pagkakaunawaan, iyon ang unang malaking away natin... inaamin ko nagselos ako noon. Nakita ko kasi na inabutan ka ng bulaklak ng isang magandang babae. Nakaramdam ako ng insecurities, kasi alam kong mas maganda siya sa akin.

   Di kita kinibo noon... at nagalit ka sa hindi ko pag-imik... kinimkim ko ung nararamdaman ko. Hanggang sa naiyak ako ng wala sa lugar. Kahit may klase tumutulo ang luha ko, ewan ko ba di ko mapigilan ang mga mata ko noong araw na iyon. Pilit akong kinakakausap ng aking mga kaibigan at sinasabihan na wag umiyak. Kaso di talaga mapigilan ang mga luha... tuloy tuloy pa rin ang pagbagsak nito.

   Noong una akala ko away lang na matatapos din, kaso sabi mo sa mga kaibigan mo na "BREAK NA TAYO". Wala akong idea na ganun na pala ang desisyon mo, nalaman ko  na lang sa mga kaibigan mo . Ang sakit-sakit noon, para akong sinampal ng dalawang beses. Kung alam mo lang ikaw ang una kong pag-ibig at break-up.

   Sa gabi kasabay kita sa uwian, siyempre tatay mo ang service natin. Kahit gusto kong umiwas noon di ko magawa, paano naman kasi ako uuwi. Di mo na rin ako kinikibo noon, minsan biniro tayo ng tatay mo na mag-usap naman daw tayo. Pero ngumiti lang tayo pareho, at di rin kapwa nagsalita. Gabi-gabi iniiyak ko ang sakit na nararamdaman ko, karamay ko ang unan at kumot para maibsan ang nararamdaman ng sugatan kong puso. Kahit mahirap, araw-araw ginagawa kong okay ang lahat, ngumingiti ako kahit sa loob ko ay umiiyak ang puso ko.

   Di ko nga alam kung paano ko nalampasan ang mga araw na hindi na tayo nag-uusap. Pakiramdam ko, tumigil na ang lahat... kung makikita mo lang ako, hindi na halos ako sumasagot sa klase. Madalas ay tulala at nakatingin sa kawalan ang drama ko. Minsan nagkasalubong tayo sa campus, pero ni isang ngiti di mo ako binigyan. Mabuti pa ang mga kaibigan mo... kulang nalang magbitbit ng plakard para lang tawagin ako. Ang hirap pala ng ganito, araw-araw umaasa ako na lalapitan mo ako at sasabihin na "Mahal pa rin kita"


Itutuloy.......................

1 komento:

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa