Miyerkules, Disyembre 7, 2011

Pamaskong handog... mula sa puso...

MERRY CHRISTMAS PO!

Bati namin sa mga taong makakasalubong namin at sabay abot ng konting regalo. Perstaym ko makapunta sa Quezon City Circle. Kaya naman di ko pinalampas ang pagkakataon at imbitasyon sa akin, ng mga butihin kong kaibigan. Bukod sa perstaym ko makapunta ng QC, perstaym ko rin na sumama sa ganitong adhikain (ang mamigay ng konting handog para sa mga bata at matanda na makakasalubong namin). Sa totoo lang masarap pala sa pakiramdam na bukal sa loob ang pagtulong. Ang makita na may ngiti sa labi ang bawat abutan mo ng nakayanan mong regalo. Sapat na iyon upang gumaan ang pakiramdam at sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi. Kalakip ng pasasalamat at ngiti, wari'y nawala lahat ang aming pagod. Balewala ang tatlong kilometrong lakaran, salamat sa aking mga Chatpeepo sa magandang bonding moment (Essapayoyo, Jayrulez, Madz, MJ, PaQ, Kuya Kuli at Sir Joey).



(maganda pala sa QC circle..... ang daming magdyowa... ^-^)

(tuloy lang ang lakad... pasasaan ba at may mabibigyan din tayo ng ating regalo... ^-^)

(Ms. Madz, Essa ang Lider ^-^, Kuya Jkul na wari'y mei hinahanap, at PaQ no reaction.. ehe ^-^)

(Pagkatapos mamigay ng regalo, heto kami't dumaan sa tunnel. Ano ba tawag dun? Quezon City tunnel?)
(from left to right: Jayrulez, Shyvixen, Essapayoyo, Madz, Kuya Jkul, PaQ and Bagotilyo)

(At pagkatapos ng mahabang lakarin, mahabang kainan at inuman naman tayo. Salamat sa hinawing kanin, binatong hipon at tahong.. ehe ^-^. Nabusog ako ng bongga. Siyanga pala humabol pala si Sir Joey sa aming munting salo-salo. ^-^)


     Muli po akong nagpapasalamat sa isang araw na puno ng pakikipagsapalaran, pakikipagkapwa at kasiyahan. Bukas ang aking munting pintuan sa muling pagbuo ng ganitong adhikain, at malugod kong ibibigay ang aking tulong. Hanggang sa muli mga kapamilya, kapuso at kapamilya! ^_^



P.S paumanhin kung ngayon lang nakagawa ng post... ehe... ^-^

Biyernes, Nobyembre 18, 2011

Loading and Unloading....



Araw-araw ang eksena ko ay ang makipaghabulan sa dyip o di kaya naman ay pumila ng pagkahaba-haba sa dyip station, na parang blockbuster sa sinehan.

Sa araw-araw na pagsakay ko ng dyip, iba't-ibang tao ang makakatabi mo. Meron matanda, may bata, bakla, tomboy, mag-dyowa, mga pda, etc... 

Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit sa araw-araw na pagsakay ng mga pasaherong ito, na halos araw-araw ko rin nakakasabay. Nakakalimutan nila kung saan ang tamang babaan o sakayan. Araw-araw naman silang nasakay ng dyip... pero... araw-araw din silang pumapara at sumasakay sa alanganing lugar. 

Nalulungkot lang ako, dahil sa isang simpleng batas lang na LOADING at UNLOADING ay hirap na hirap tayong matuto at sumunod. Hindi ko nga alam kung di nila naiintindihan ang ibig sabihin ng salitang iyon o sadyang binabalewala lang nila ito.

Kaya ako madalas kong isigaw sa driver..... MANONG SA BABAAN LANG PO...



Huwebes, Nobyembre 10, 2011

Kinikilig din ako.... weh!

 Heto na naman ako, kinikilig at hindi mawari ang nararamdaman. Gusto kong matuwa, ngunit paulit-ulit bumabalik ang mga nangyari noong nagdaang mga araw. Hindi ka naman multo, pero heto ka ngayon muli’y nagpaparamdam. Pigil na ang puso ko simula ng araw na ika’y nawala. Ngunit kahit anong pigil ko sa puso kong pumipiglas. Kusa itong kumawala sa mahigpit nitong pagkakakadena. Marahil, napawi na ang sakit at ang pait, sa mga simpleng salita na “Kamusta ka na?” at “Ako rin na miss kita.”...kaylan ko muli itong maririnig sa iyo...... kung pwede lang.... sana araw-araw....

Hay... ako na ang kinikilig ngayon.... pagbigyan na... after 10 years ko ulet ito mararamdamdaman.... lels! 

Miyerkules, Nobyembre 2, 2011

Ako Nga!

Pitumput - pitong tupa.... pitumput - pitong tupa.. pitumput - pitong tupa.... enaf! nabubulol na ako.

Pitong buwan na pala akong nagsusulat dito sa blogosperyo... wala lang may masabi lang. Noong una, sikretong malufet itong blog ko. Ayaw ko isa publiko. Hanggang napilit ako ng isang kaibigan sa kabilang dimension (hindi multo.. loko), frend ko sa net. Ilabas ko daw, para mabasa. Ang sa akin naman, wala naman mapupulot dito. Kundi ka-emohan ko, at kung ano-ano pa. Sabi niya, kahit na. Hanggang inilabas ko na nga, at heto na nga ako ngayon. Sumusulat pa rin... kahit minsan wala ng maisulat... ehe...

Pitong buwan na akong sumusulat (paulet-ulet noh), pero ngayon ko lang ikakalat ang masangsang kong anyo (tama ba.. amoy ata ang dapat). Para naman kahit papaano, ay may malaman din kayo tungkol sa akin. Pinag-isipan ko itong mabuti... kung sure na ako sa taktika ko na ito. Sa isip ko wala namang masama. Try lang natin, kapag may pumalag. Istafet na... ehe!

Heto yung isang buong araw kong ginugol. Upang ilista yung mga bagay na tungkol sa akin. Yung opinyon ng iba at kwento ng magulang ko sa akin. Ang lahat ng ito ay mababasa nyo maya-maya lang. Pagpasensyahan, rambol-rambol ito. Kung ano ang unang pumasok sa isip ko, yun ang inililista ko. Uunahin ko na ang paghingi ng pasensya, kung may mga bagay kayong mababasa na hindi akma sa inyong mata.

Ako nga ito!



Ø  Ipinanganak ako noong Oktubre 2, 1984.
Ø  Meron akong birthmark na hugis mapa ng Pilipinas sa kanang binti.
Ø  Dalawa lang kaming magkapatid. Panganay ako.
Ø  Anemic  ako. Sa katawan kong ito. Kulang pa pala ako sa dugo. Lels!
Ø  Muntik na akong isilang kahit 8 months palang ako sa tiyan. Sabi ng nanay ko.
Ø  Takot ako sa ipis, tipaklong, gagamba at iba’t-ibang insekto, except paro-paro.
Ø  Hindi ako takot sa multo. Mas takot ako sa mga kriminal na gumagala-gala.
Ø  Second honor ako  noong kinder at first honor noong nursery.
Ø  Sumali ako ng Ms. Kinder at Ms. Nursery… sa awa ng Dios… parehas 1st runner up ako. Kulang ako sa bentang ticket eh.
Ø  Nasubsob ang mukha ko sa kalsada at nagkaroon ng malaking sugat. Kagandahan, dahil malapit na ang Ms. Kinder parade.
Ø  Kinder ako ng makareceive ako ng first love letter. (hong landi lang.. :D)
Ø  Nursery nag- start na  ma-torture ang brain cells ko. Pina-memorize sa akin ng magaling kong titser ang isang yellow paper at back to back na speech.
Ø  Section 1 ako from grade 1 to grade 4… (di ako matalino.. naligaw lang ako sa section na iyan.lels!)
Ø  Demoted ako from section 1 to section 2 noong grade 5 to grade 6… (sabi sa inyo ligaw na damo lang ako sa section 1 :D)
Ø  Grade Six ako ng magkaroon ako ng 1 day boyfriend. (hong landi talaga :D)
Ø  Elementary days ng ipinagsigawan ng klasmeyt ko na magaling daw ako magdrawing. Gusto ko siyang dagukan ng mga oras na iyon.
Ø  Grade 2 ng ma-Lost and Found! Ang bag ko.
Ø  Miyembro ako noong Grade 2 ng Folk Dance Troope. Umayaw din ako, dahil sa nahuhuli ako sa klase.
Ø  Fashionista. Araw-araw ay iba-iba ang aking headband.
Ø  Hindi ako mahilig sa recitation. Mas gusto ko ang written exam.
Ø  Hate ko ang Math subject.
Ø  Science and Art ang favorite subject ko. Isama na rin natin ang recess.
Ø  Grade 1 to 6 ay may tricycle service ako.
Ø  Grade 6, first time ko sumama sa isang field trip. Cavite at Tagaytay ata iyon.
Ø  Daddy’s girl ako.
Ø  Mas marami akong friend na lalaki kaysa sa babae. Boyish daw ako sabi nila.
Ø  Sa buong taon ng elementary 10 lang ang masasabi kong close friend ko.
Ø  Di ako mahilig sa “picture-picture” noong elementary ako.
Ø  85% ang grade ko sa NEAT exam.
Ø  Umiyak ako noong first menstruation period ko. Di ko rin alam kung bakit.
Ø  RIZAL HIGH SCHOOL MAIN ako nag-hayskul (Main kasi maraming branch ang Rizal High noon)
Ø  First year high school ako ng magkaroon ng serious o puppy love boyfriend (sabi ko lang un), siya yung nagbigay ng loveletter sa akin noong kinder.
Ø  High school ako ng madiscover na may talent pala ako sa singing.
Ø  Heart broken. Pers taym ko maramdaman un. Isang linggo akong umiyak.
Ø  Figurine ang natanggap ko sa unang monthsary namin. May nakasulat na I Love You.(ayiiiiiii.....)
Ø  1st year & 3rd High School pang evening class ako. At may tricycle service din.
Ø  3rd year high school first time ko mag-cutting classes.
Ø  Crushes. Buong high school year 6 lang ang naging crush ko. Hindi rin ako mahilig magsabi ng crush sa mga dabarkads ko. Kaya hanggang ngayon sekretong malupet ko iyon.
Ø  First holding hands ko noong 2nd year high school.
Ø  First kiss ko noong 3rd year high school. (hong landi landi talaga)
Ø  Eskapo. 15 years old ako ng nagtry ako maglayas. Pero isang araw lang yun. Bumalik din ako sa haus namin pagkatapos ng realization.
Ø  Red 69 at 72. Grade ko sa Math at Science noong 3rd year high school. Ang sakit sa mata tingnan. Partida final grades ko yan.
Ø  Summer class. Dahil bagsak ako sa Science. Kailangan kong pumasok ng make up class sa panahon ng bakasyon.
Ø  Back subject. Habang nag-aaral ng regular subject sa 4th year. Sa hapon ay may back subject ako sa Math. Tatlong titser ang dumaan sa akin.
Ø  Miyembro ako ng  Rondalla club at tumutugtog ng Octavina at Banduria. Nag-aral din ng konting gitara.
Ø   High school ng magka interest ako dito. 4th year ako ng makatanggap ako ng gitara. Regalo sa akin ni Mudra. Para hindi na ako magbulakbol.
Ø  Tres Marias ang pangalan ng bandang itinayo namin. Tatlo kaming babae. Pero di rin nagtagal ang grupo.
Ø  Mahilig ako sa anime, manga, at culture ng Japan.
Ø  NSAT. Bagsak ako sa exam na ito. Okie lang di naman require na ipasa ito.
Ø  Class officer. Ayaw ko nito. Pero madalas akong mapunta sa PRO at Vice President. No choice binoto ako. 

Ooops! Hanggang diyan nalang muna. Itutuloy ko sa susunod na sinipag ako. Ehe!.. Hanggang sa muli!..





Huwebes, Oktubre 27, 2011

Kayumangging Pangarap...





Kay tagal mo ng nawala….. Babalik ka rin… Babalik ka rin…
Kay tagal mo ng nawala….. Babalik ka rin… Babalik ka rin…

Pamilyar na liriko ng isang awitin. Sa umpisa, hindi ko man maintindihan ang ibig iparating. Darating ang araw na ito’y kusang mamumutawi. Ipapaalam sa buong mundo ang kahulugan nito. Hindi man ngayon, o sa susunod na taon. Basta ang alam ko. Patungo sa tagumpay na pagbabago.

Saan ka man naroroon ngayon, Saudi, Japan o Hongkong
Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik ka rin
Ano mang layo ang narrating, Singapore, Australia, Europe o Amerika.
Babalik at babalik ka rin.

Sa pagtupi ko sa aking eroplanong papel. Paliliparin kasabay ng hangin ang mga pangarap. Amerika ba o Europa. Bakit hindi sa Gitnang Silangan o Asia . Kung saan mang lugar. Kayumangging kulay ang ibig makasama. Malamig ba o mainit. Nyebe o buhangin. Kahit saan, basta ang eroplanong papel ay malayang ililipad ng hangin.

Kagaya ng malapot na dugo na dumadaloy sa aking ugat. Pamilya ang siyang aking buhay. Kagaya ng iyong  paghinga. Pamilya ang nagsisilbing malinis mong hangin. Katulad ng araw sa silangan. Pamilya ang magpapainit sa nanlalamig mong pagkatao. Katulad ng bituin sa gabi. Pamilya ang tanglaw mo sa madilim na daanin.  Pagsisikap, pagtitiyaga, at pagtitiis. Lahat ito’y kalakip ng isang sangkap. Ang pangarap, na ibig matupad. Ang pangako na siyang binitiwan. Para sa ikakaligaya ng iyong dugo, hangin, araw at bituin.

Kaytagal mo ng nawala, babalik ka rin… babalik ka rin…
Kaytagal mo ng nawala, babalik ka rin… babalik ka rin…

Sa paglipad ng eroplanong papel. Bituin sa kalangitan, nawa’y maabot. Kagaya ng pag-abot sa isang pangarap. Gaano man katagal o kabilis. Gaano man kahirap o kadali. Huwag tumigil sa pag-abot. Dalawang kamay itaas, hanggang makuha ito.

Tangan ang bituin sa palad. Pangarap ay unti-unting magaganap. Dilaw  at pulang maskara aking isusuot. Simbolo ng kasiyahan at katapangan. Maskarang hiram na may ngiti sa labi. Ikukubli ang takot, luha at pangamba. Palalakasin ang loob sa maskarang nakasuot. Tapang ay mabubuo at pagsubok na hindi uurungan.

Paa’y hahakbang. Paatras o pasulong. Unti-unti’y ang maliit na hakbang ay naging mabilis at patakbo. Takot ay pinalis, pangamba’y ibinaon. Bayan ng puti, singkit at itim. Malapit ng matanaw. Malapit ng matapakan. Isang lingon sa pinanggalingan. Isang kaway para sa pangarap.


Sa piling iyong pinagmulan, sa iyong nakaraan.
Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik ka rin…
Anumang layo ang narating, iyong maalala…
Ang dati mong kasama, babalik at babalik ka rin….

Katulad ng eroplanong papel sa himpapawid. Ako’y muling magbabalik. Katulad ng araw sa dapit hapon, na muling sisikat sa susunod na araw. Dala ang bagong araw para sa pagbabago. Para sa sarili at para sa taong parte ng pangarap.  Kasabay nito’y itataas ng kayumangging kamay, asul, pula, puti at dilaw at iwawagayway ng buong puso.  Tatayo sa inyong harapan at magpapatotoo sa tangan na pagbabago at kaunlarang natamo.

Kaytagal mo ng nawala, babalik ka rin… babalik ka rin…
Kaytagal mo ng nawala, babalik ka rin.. babalik ka rin…

Babalik ka rin… Babalik ka rin…

The end…. Click….

Ang sulating ito ay suporta sa PEBA 2011



Lunes, Oktubre 17, 2011

Pers taym... sa Marathon :D


Oktubre 16, 2011 5:45 ng umaga. Kasabay ng pagputok ng baril, ay ang pagtakbo ng maraming pares ng paa. Takbo, takbo, takbo… pilit kong tinatakbo ang unang kilometro ng marathon. Isa ako sa nakibahagi sa Mardi Gras 2011 fun run. Masaya, dahil ang mga kasabayan kong nakitakbo ay pawang mga naka-costume, gaya ng title nito. 

Hanak ng… unang kilometro palang hinihingal na ako. Whew! Ganito yata kapag walang warm-up. Sa totoo lang pers taym kong sumali sa marathon. At talagang eksayted ako. Nagising pa ako ng maaga para dito, effort talaga as in. Nalungkot lang ako, kasi sa company namin lima lang kaming tumakbo para sa 5K. Lahat sila ay 3K. Tama 5K ang tinakbo ko, mayabang eh. Pakitang gilas ika nga. Sabi ko kasi, kaya kong lakarin ang 3K, sisiw lang sa akin. Kaya nagparehistro ako sa 5K. Mali pala ako, hanak ng… iba pala ang daan doon sa The Fort. Akyat-baba ang daan. Sa madaling salita, nahirapan talaga ako. Sobrang pahirap talaga ang paakyat na daan. Pero iyon yata talaga ang takbo ng marathon. Masusubok talaga ang endurance at resistance mo dito. Tatlong kilometro na, gusto ko ng tumigil. Gusto ko ng sumuko, takbo-lakad na ang gawa ko. Lungkot na naman, nagsisi. Dapat pala 3K nalang ang tinakbo ko. Para kasama ko ang lahat ng opismeyt ko. Pero hanga naman ako sa mga mas malaki pa sa katawan ko, as in carry nila ang tumakbo ng 10K. So, naisip ko, kaya ko rin tapusin ang 5K. Kung sila nga kaya nila, eh di kaya ko rin.  Heto na, apat na kilometro na. Tigil muna  sa nagbibigay ng Pocari Sweat. Hinga konti. Takbo ulit. Malapit na ako sa finish line, heto at tagaktak ang pawis ko. Sa wakas nagawa ko, natapos ko ang 5K run. Ang oras ko…. 47mins and 25 seconds, hindi na masama sa unang subok. Pinilit ko talaga na hindi ako umabot sa isang oras at pakiramdam ko nalusaw ang one-forth ng taba ko , sa ginawa kong pagtakbo.

After ng marathon, uwian na. Bagsak ako kaagad pagkarating sa bahay. Borlogs na ang lola. Ang sarap sa pakiramdam. Sa susunod na buwan, gusto ko ulit magmarathon. 5K ulit ang susubukan ko. At susubukan i-break ang record ko.  

Team Pioneer 3K and 5K 

Di ko alam kung maliligo siya o maglilinis.... Isa sa mga 3K runners.. machooooo... :p

Huwebes, Oktubre 13, 2011

Laruan mula sa papel....

Bata palang ako, kinahiligan ko na ang pagbuo ng iba’t-ibang hugis mula sa papel. Noong nasa kinder garden palang ako. Nagkaroon kami ng oras para sa ganitong aktibidades ang origami. Para sa akin, ang mga panahon na iyon ay masaya. Ang pagbuo ng bagay mula sa papel ay hindi lang dagdag kaalaman, kundi ang maibahagi mo ang iyong imahinasyon sa pamamagitan ng sining. Ito ang nagmistula kong laruan, mula noon, hanggang ngayon.

Natutunan kong mahalin ang mga nilalang na may buhay. At tanggapin sila ng buong puso. Kagaya ni bantay at muning. Mga nilalang na siyang nagpapasaya sa atin, sa panahon na tayo’y malungkot. Nagpapakalma sa panahon ng galit. At nagpapawala ng pagod mula sa buong araw na trabaho. Ito ang aking mga alaga…

Sa pagtuntong ng elementarya, nagkaroon ng bagong uso. Dumating ang tinatawag na paper doll. Kung saan ang manikang papel ay binibihisan ng iba’t-ibang kulay at istilo ng damit. Ngunit, dumating ang puntong nagsawa ako dito at gumawa ng sarili kong manikang papel. Sariling ideya ang pagdisensyo ng damit, pati na rin ang kulay. Na siyang aking gamit sa kasalukuyan, ang pagpili ng damit na aking isusuot o ang sinasabi nilang fashion.



Sa pagtuntong ko sa hayskul. Natutunan kung paano ang isang tinedyer ay nagkakaroon ng kuryusidad sa mundo. Ang batang pag-ibig ay nagsimulang nabuo. Kasabay ng pagkatuto kong gumawa ng rosas na papel. Ang pag-usbong ng munting pag-ibig sa puso, ay kagaya ng unti-unti kong pagbuo sa bubot na rosas. Ang siyang naging inspirasyon sa pag-aaral at pagsisimulang mangarap.



Pangarap na siyang aking ninais mula pagkabata. Kasabay ng pagtupi sa eroplanong papel. Aking aabutin ang mga bituin sa kalawakan. Kumikislap, umaandap. Sadyang napakasarap sa pakiramdam ang maabot mo ang iyong pangarap. Na walang pagdududa at pag-aalinlangan. 



Pag-aalinlangan na siyang aking dala mula sa kahon dito sa aking isipan. Ang kawalang kumpiyansa sa aking sarili, ang siyang nagpipilit na ako’y huwag lumabas sa maliit na espasyo aking ginagalawan. Ngunit, ako’y lakas loob na lalabas. At handa ng makasilay ng liwanag. Madama ang init ng pagbabago mula sa aking pagkatao, pag-iisip at puso. Ito’y aking ipinasasalamat sa mga taong malapit at espesyal sa akin. Silang nagbukas ng aking kahon.




Sa aking pagmulat mula sa liwanag. Natutunan ko ang espesyal na pakiramdam, para sa espesyal na tao. Ang pakiramdam na tinatawag na pag-ibig. Sinimulan kong buuin ang pusong papel. Ang siya naman aking alay, para sa aking mahal. Puno ng pag-ibig, tamis, pighati at lungkot. 


Dumating ang mga panahon, ako’y sumuko na sa buhay. Ngunit, lahat ng ito’y aking nalagpasan. Kagaya ng aking bangkang papel. Pilit sumasabay sa agos ng tubig. Kung saan may pagkakataon na tayo’y lumulubog. At heto ako handang magtupi ng panibagong papel, isang bangkang papel ang muling sasabay sa agos. Hindi ako titigil na magtupi ng laruang papel hangga’t  ang buhay ay patuloy na umaagos.



Noong kami’y nasa retreat house upang mag soul searching. Nagkaroon kaming ibahagi ang aming mga damdamin sa isa’t – isa. At isa sa mga ginawa ko ay ang i-share ang kwento ng isang Bangka. Pumalaot ito sa isang dagat. Ngunit hindi alam ng mangingisda na may paparating na unos. Sagwan dito, sagwan doon. Sa kabila ng kanyang pagsagwan, nasira ang kanang parte ng Bangka. Ngunit hindi pa rin natinag ang mangingisda. Pinagpatuloy niya ang pagsagwan. Muli ay nasira ang kaliwang parte ng kanyang Bangka. Ngayon, sa pagkasira ng magkabilang gilid ng Bangka, paniguradong siya’y lulubog na. Ngunit, hindi ito nangyari. Alam nyo kung bakit…… 

Pagkat mayroon siyang katulong sa oras ng kagipitan. Handang tumulong. Handang isakripisyo ang lahat para sa kaligtasan mo......

Ang entry na ito ay lahok para sa Saranggola Blog Awards 3 


Lunes, Setyembre 26, 2011

Munting hiling sa aking kaarawan....

Haru!!!

Nitong mga nakalipas na linggo, medyo sinisipag akong magsulat (kabaliktaran ito). Ang daming tumatakbo sa utak ko na pwedeng isulat. Pero hanggang draft lang sila, at ayokong ipost. Wala lang, wala kasi ako sa mood. Pangalawa buziness din ako sa paggawa ng pera. Dahil sa sobrang abala ko, nakalimutan ko na nalalapit na ang aking kaarawan. Oo, tama ka. May birthday din ako noh! Pero hindi ko sasabihin kung kelan, maghihibernate kasi ako sa araw na iyon (lol).

Minsan naiisip ko, madadagdagan na naman ang edad ko at tatanda. Haitz... feeling ko bawat taon dumadami ang wrinkles ko.. choz! Pero ganun pa man, exciting ang bawat taon ko. Paiba-iba ang feeling, parang weather-weather lang. Minsan masaya, minsan malungkot at kung minsan may pait. Kaya, taon-taon marami akong bagay na natutunan. Hindi lang sa sarili ko, pati na rin sa ibang tao.



At dahil diyan, ito ang simpleng request ko sa iyo. Di naman ako naghahangad ng anumang regalo mula sa iyo.  Ang gusto ko lang naman ay Picture Greet sa kaarawan ko (xenxa gaya-gaya lang :p). Maari kayong mag-email sa akin sa shyvixen.stillthinking@gmail.com hanggang October 2, 2011. Hihintayin ko ang pagbati mo!

Arigato Gozaimasu!

Lunes, Setyembre 12, 2011

Disney is coming to town!

It was year 1990, the generation where the Disney love story is entering in the lime light for me, and I became a huge fan of Disney Princesses. I was a girl then with earnest sweetness of heart believe of "Happily ever after" and "Prince Charming". That everyone deserves a true love and hapiness. I am also immersive believer of their... good quote...

 

"Have faith in your dreams, and someday, your rainbow will come smiling through. No matter how your heart is grieving, if you keep on believing, the dream that you wish will come true" **(from the movie Cinderella).


I almost cry when, Simba's father (Mufasa) died in The Lion King Movie. I realized in these movie that you should not be greedy in the power. That accepts what you have and be yourself. That you should have no worries (Hakuna Matata), cause God will help us and the good will always prevail.

"Everything you see exists together in a delicate balance. As king, you need to understand that balance and respect all the creatures, from the crawling ant, to the leaping antelope" (from The Lion King Movie)



The big help that Disney characters gave me, is the inspiration they shared. I learn to draw and paint and become art lover. Each day as I watched these Disney movies it makes me want to explore more and move in my own pace. So, I study drawing techniques and color theory, and how to use specially oil, acrylics, watercolors, gouache, charcoal, pastels, pencil and that sort of thing. Even up to this moment I'm on going process and I know in my heart there is always room for improvement, and there is always something new to learn like the Disney Princesses quote follow your heart and it will become true... and express your deepest feeling and thoughts from it.

(I Draw this, when I was in high school)


Disney movies are known also, in their Original Soundtrack and how classical they were made. Most popular Disney Princess movies back in these years perhaps, make their little audiences fell in love with these beautiful recognize images with a faint tang of nostalgia. Some seller of this unfading movies still use this cover, which I think is one of the best they have, because the blue coloring is beautiful and lovely princesses appears to be more real. I feel that it captures the feel of the movie beautifully and is a spiffy poster to boot.
(My favorite Disney Songs)

I remember when I was in grade school. I kept singing the song of Beauty and the Beast (sung by Celine Dion), A Whole New World (sung by Brand Kane and Lea Salonga), Colors of the wind (sung by Vanessa Williams) and Reflection (sung by Christina Aguillera). Until now, I have a collection of Disney songs in my MP3, listening randomly in time I miss my childhood days.


Mickey Mouse and his band of friends, Minnie Mouse, Donald Duck and Goofy will be performing in a music mash-up of mega proportions  as Disney Live! comes to Manila and Cebu City for the first time with its newest stage show Mickey’s Music Festival.  Concert goers will hear greatest hits from the blockbuster movies, AladdinThe Little Mermaid, and Disney/Pixar’s Toy Story remixed to rock, pop, reggae, hip-hop, jazz and country, among other jams.  Produced by Feld Entertainment, Disney Live! Mickey’s Music Festival brings the biggest concert experience to hit live family entertainment. This show is presented in the Philippines by Vivre Fort Entertainment Inc., Guess Kids and Fox International Channels.  

 “One song can touch millions of people around the world and Disney has been at the beat of this concept for years by making music a main ingredient of storytelling,” said Producer and CEO of Feld Entertainment Kenneth Feld.  “In Disney Live! Mickey’s Music Festival we are celebrating with the Disney characters to a soundtrack of the latest sounds and chart-topping hits. We want our guests to walk away with lasting memories and singing these unforgettable melodies long after they leave the show.” 

Disney Live! Mickey’s Music Festival, featuring an all star line-up of more than 25 Disney characters,   begins with audiences watching a state-of-the-art video projection of the frenzy backstage which spills onto the stage as Mickey welcomes guests to his concert tour.  Soon thereafter, they will be transported to a new world of hip hop beats, dizzying acrobatics, flying carpets and magical transformations with Aladdin, Jasmine and Genie.  Underwater is where the crowd will meet up with Ariel, Sebastian and their nautical pals to groove to the reggae rhythm. And, family and friends will stomp to the beat as Woody, Buzz and Jessie teach them how to boogie rodeo-style.  Anyone can be a member of the band as giant-sized balloons fall from the ceiling in one scene and then in the next, Disney characters are dancing in the aisles.   

“We’ve created an environment where audience members will be able to connect with the Disney stars,” said Alana Feld, Producer and Executive Vice President of Feld Entertainment. “Within each concert moment are elements of personal interaction and they will be harmonizing, dancing, laughing and having an outrageously good time with the characters right there in their city.”
Disney Live! Mickey’s Music Festival was built with a global audience in mind and a goal of being as universal as its featured music.  The father-daughter production team, Kenneth Feld and Alana Feld, has hand selected award-winning creative talents whose credits span from working with Madonna to winning a Latin Grammy®  Award to designing hundreds of costumes for Disney theme park shows:

·Director/Choreographer Fred Tallaksen is the award-winning choreographer of Madonna’s “Sorry” video and the finale of her Confessions World Tour.  In 2008, he earned a Latin Grammy® in the Best Video category for Juanes’s “Me Enamora.” Tallaksen was also skating choreographer for “Austin Powers III-Goldmember”

·Writer Jeremy Desmon’s credits include The Girl in the Frame, If You Give A Mouse A Cookie & Other Storybooks and Curious George Live! He received the 2007 Kleban Award for excellence in Musical Theatre Bookwriting, and is also a recipient of the Dramatists Guild's Jonathan Larson Fellowship.

·Scenic Designer Rick Papineau is the vice president of Scenic Elements at Feld Entertainment and is credited for leading the creation of life-like versions of the characters from Disney/Pixar’s Cars that move on ice for Disney On Ice presents Worlds of Fantasy.

·Costume Designer Cynthia Nordstrom designed costumes for more than 15 original dance shows in Downtown Disney from 1996 until 1999 and is credited for designing costumes for Disney On Ice presents Worlds of Fantasy.

·Lighting Designer Sam Doty is eager to work on his second Disney Live! show after Disney Live! Mickey’s Rockin’ Road Show put him in the spotlight.

·Music Director Stan Beard has arranged and written the musical score for numerous domestic and international Disney On Ice productions; has worked in the recording studio with such luminaries as Barbra Streisand and Frank Sinatra.




Disney Live! Mickey’s Music Festival is set to be staged this year at the Waterfront Cebu City Hotel from September 23-25 and at the Smart Araneta Coliseum from October 5-9. For Manila shows, tickets are exclusively available at Ticketnet (911-5555) located in SM Department stores and at the Smart Araneta Coliseum. For Cebu shows, tickets can be purchased at SM Tickets (032-231-3876) located in SM Cinemas, Waterfront Cebu City Hotel (032-232-6888) and at Ayala Center Cebu. For more details, visit www.disneylive.com.ph or call Vivre Fort Entertainment at (02) 470 6956.

Disney Live! Mickey’s Music Festival is also brought to you by Smart Araneta Coliseum, Waterfront Cebu City Hotel, Citibank, ABS-CBN, ABS-CBN Regional Group, Araneta Center, Gateway Cineplex 10, Alimall Cineplex 4, SM Cinemas, SM City Cebu, Discovery Suites, Renowed Sound and Various Production, MYX, Manila Bulletin, Businessworld, Sunstar, Cebu Daily News, Crossover 105.1, Power FM Cebu, Love Radio 97.9, Y101 Cebu, Alcordo Advertising, Greenworld LED Solutions and Manila Concert Scene. This event is for the benefit of Senyas Kamay Pilipinas.  



Magic is in ourselves... so keep on dreaming... and believing...that's what Disney represent to kids and to all kids at heart.

Sabado, Agosto 27, 2011

Stanley Chi "Suplados" Party

"Paingles-ingles ka pa... Sipain kita diyan!"

    Isa sa mga suplado tips si Sir Stanley Chi sa kanyang librong "SUPLADO TIPS". Kagabi, naglaan siya ng isang pagtitipon para sa mga nagwagi sa kanyang kontest. Akala niyo isa ako sa mga nanalo... nagkakamali kayo. Nabigyan lang po ako ng pagkakataon, na makadalo sa pagtitipon na ito. Salamat sa aking butihing kaibigan, na siya talagan nanalo. Samakatwid, proxy ang lola niyo... hehehehe...

    Ginanap ang pagtitipon sa The Grillery @ Salcedo Village, Makati. Totyal! hahahaha. Pers taym ko makapunta sa ganitong pagtitipon. Kung saan ang makakasalamuha mo ang mga kapwa mo blogger. Sa pagsisimula ng programa, namigay si Stanley Chi ng mga Gift Certificate sa mga manood. At isa sa mga pinalad na makakuha ay ang magaling kong kapatid. Oh di ba! sabit lang yan sa akin, siya pa ang may GC (hahahahahahahaha....)
    Si kapatid at ang kanyang Unisilver GC

    Nakilala ko rin kagabi, at nakasama sa table ang nakakuha ng Unang Gantimpala, sa pakontes ni Suplado Stanley. Hindi ko inaasahan, at ako'y talagang natutuwa kay Sir Richard. Isang mapagkumbaba at masayahing tao, isama na rin natin ang kanyang mga kaibigan. Hindi naubos ang mga kakwelahan naming lima at ang pagsali nila sa mga games.
Sir Richard (1st prize winner) and Stanley Chi

   Isa sa mga panauhin niya ay si Justin Pinon "The Mental Assasin". Pers taym ko makakita ng isang mentalist, sa personal. Sa maniwala kayo at sa maniwala kayo (no choice kaya dapat kang maniwala...hahahahha), sobra akong namangha sa kanyang talento. Mapapanood niyo siya sa TV5 na Magic Bagsik.

Justin Pinon and my brother

     Ang ikalawang panauhin ay si Sir Oni Carcamo at si Mr. Parley. Isa siya sa mga pinakasikat na Ventriloquist sa Pilipinas. Ang dami kong tawa kay Mr. Parley siya na daw ang "pinakamalas sa buong mundo". Tuwang-tuwa ako sa mga bitaw ng jokes, at sa hawak nitong beer. Sa pagtatapos ng kanilang segmet. Mas lalo akong napahanga, dahil napagsabay ni Sir Oni ang kanyang boses at ang boses ni Mr. Parley... ASTIG!!!!!
Suplado rin pala si Mr. Parley sa Cam... hahahahhaha

    Bago magtapos ang pagtitipon, pinakilala na niya ang mga nanalo sa kanyang pakontes. Siyempre bilang proxy ng aking kaibigan, ako ang kumuha ng kanyang premyo. Namigay din si Stanley ng mga libro tulad ng, Chopstick komiks at ang kanyang "SUPLADO TIPS" book. 

The Suplados T-shirt (ito ang napanalunan ng aking kaibigan)

    Kahit madaling araw na natapos ang palabas, sulit naman. Masaya at nakakawala ng pagod. Bawat segment ay walang dull moments.... Hanggang sa susunod Sir Stanley.... Keep it up!!!!!



Maari kayong bumisita at pindutin ang link na ito... Stanley Chi



Biyernes, Agosto 19, 2011

Yehey!



Alas-tres ng hapon, ngayon araw na ito. Natanggap ko ang unang, t-shirt na inorder ko sa Blogger Shirt




   
   

Huwebes, Agosto 18, 2011

Isang Basong Pag-ibig (Ikalawang Kabanata)

         Isang buwan na halos ang lumipas, simula ng umalis ka. Walang message sa YM at FB. Araw-araw umaasa ako na sa pagbukas ko ng message box ko. Pangalan mo ang bubungad sa aking mga mata. Hay... ang hirap ng ganito... umaasa ako sa wala. Madalas nila akong niloloko... lagi daw akong sad. Ang banat ko naman... "I'm Sad Today, But Tomorrow I'll Be Fine" sabay tingin sa coffee mug na bigay mo. Naisipan ko tuloy, bumuo ng tula, para sa'yo. Upang kahit papaano ay mailabas ko ang hinaing ng puso ko.


One day, you came,
Without any prediction of your presence.
Standing in front of me,
Sharing your thought and deals in life.
Feel so at ease and comfortable to each other,
You capture my heart and soul so easily.

But one day,
You just left me behind
    and alone, wondering why.

I’m lonely here, at present...  
But tomorrow, I know I'll be fine
Just like a whirl wind 
You came around and mess with my heart
    and burst in 
    but held in my mind this will be healed.


     Epektib! nabawasan ng kaunti ang bigat ng puso ko. Pero pansamantala lang....



Isang Basong Pag-ibig Unang Kabanata

Sabado, Agosto 13, 2011

ISA KANG MALAKING LOSER!!!!

    
     Sa lahat ng ayoko... yung mga taong "EPAL". Siguro kulang ka sa pansin sa inyo. Kaya dito ka nagkakalat ng lagim mo. Nakakaawang nilalang, nagkakaganyan ka dahil walang pumapansin sa inyo. At ang malupet! ako pa ang pinili mo. Alam mo ayaw kitang patulan kasi, abnoy ang utak mo!... kapag pinatulan kita... abnoy na rin ako. At saka wag kang mangingialam ng buhay ng may buhay! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Wag kang umastang "CLOSE" tayo. Dahil hindi mangyayari yun, lalo pa sa ugali mong EWAN! Ikaw pa yata ang papatay sa akin, pag nagkataon. Hayup ka!

    Pasalamat ka, pinakikisamahan pa kita ng maayos. Dahil rin, sa pakiusap ng boss ko. Alin kung di dahil sa kanila...matira sa atin ang matibay.. at hindi ako ang babagsak... kundi IKAW!


Pasensya na kayo sa aking post. Kailangan kong ilathala ito, para mailabas ko ang galit ko. Sa sobrang galit ko kanina.... at hindi ko nailabas, nanginig ang buong katawan ko, di makahinga, at namamanhid ang katawan. Akala ko katapusan ko na. Pero, malakas pala ako kay bro, sa ngayon okay na ako....