Huwebes, Oktubre 13, 2011

Laruan mula sa papel....

Bata palang ako, kinahiligan ko na ang pagbuo ng iba’t-ibang hugis mula sa papel. Noong nasa kinder garden palang ako. Nagkaroon kami ng oras para sa ganitong aktibidades ang origami. Para sa akin, ang mga panahon na iyon ay masaya. Ang pagbuo ng bagay mula sa papel ay hindi lang dagdag kaalaman, kundi ang maibahagi mo ang iyong imahinasyon sa pamamagitan ng sining. Ito ang nagmistula kong laruan, mula noon, hanggang ngayon.

Natutunan kong mahalin ang mga nilalang na may buhay. At tanggapin sila ng buong puso. Kagaya ni bantay at muning. Mga nilalang na siyang nagpapasaya sa atin, sa panahon na tayo’y malungkot. Nagpapakalma sa panahon ng galit. At nagpapawala ng pagod mula sa buong araw na trabaho. Ito ang aking mga alaga…

Sa pagtuntong ng elementarya, nagkaroon ng bagong uso. Dumating ang tinatawag na paper doll. Kung saan ang manikang papel ay binibihisan ng iba’t-ibang kulay at istilo ng damit. Ngunit, dumating ang puntong nagsawa ako dito at gumawa ng sarili kong manikang papel. Sariling ideya ang pagdisensyo ng damit, pati na rin ang kulay. Na siyang aking gamit sa kasalukuyan, ang pagpili ng damit na aking isusuot o ang sinasabi nilang fashion.



Sa pagtuntong ko sa hayskul. Natutunan kung paano ang isang tinedyer ay nagkakaroon ng kuryusidad sa mundo. Ang batang pag-ibig ay nagsimulang nabuo. Kasabay ng pagkatuto kong gumawa ng rosas na papel. Ang pag-usbong ng munting pag-ibig sa puso, ay kagaya ng unti-unti kong pagbuo sa bubot na rosas. Ang siyang naging inspirasyon sa pag-aaral at pagsisimulang mangarap.



Pangarap na siyang aking ninais mula pagkabata. Kasabay ng pagtupi sa eroplanong papel. Aking aabutin ang mga bituin sa kalawakan. Kumikislap, umaandap. Sadyang napakasarap sa pakiramdam ang maabot mo ang iyong pangarap. Na walang pagdududa at pag-aalinlangan. 



Pag-aalinlangan na siyang aking dala mula sa kahon dito sa aking isipan. Ang kawalang kumpiyansa sa aking sarili, ang siyang nagpipilit na ako’y huwag lumabas sa maliit na espasyo aking ginagalawan. Ngunit, ako’y lakas loob na lalabas. At handa ng makasilay ng liwanag. Madama ang init ng pagbabago mula sa aking pagkatao, pag-iisip at puso. Ito’y aking ipinasasalamat sa mga taong malapit at espesyal sa akin. Silang nagbukas ng aking kahon.




Sa aking pagmulat mula sa liwanag. Natutunan ko ang espesyal na pakiramdam, para sa espesyal na tao. Ang pakiramdam na tinatawag na pag-ibig. Sinimulan kong buuin ang pusong papel. Ang siya naman aking alay, para sa aking mahal. Puno ng pag-ibig, tamis, pighati at lungkot. 


Dumating ang mga panahon, ako’y sumuko na sa buhay. Ngunit, lahat ng ito’y aking nalagpasan. Kagaya ng aking bangkang papel. Pilit sumasabay sa agos ng tubig. Kung saan may pagkakataon na tayo’y lumulubog. At heto ako handang magtupi ng panibagong papel, isang bangkang papel ang muling sasabay sa agos. Hindi ako titigil na magtupi ng laruang papel hangga’t  ang buhay ay patuloy na umaagos.



Noong kami’y nasa retreat house upang mag soul searching. Nagkaroon kaming ibahagi ang aming mga damdamin sa isa’t – isa. At isa sa mga ginawa ko ay ang i-share ang kwento ng isang Bangka. Pumalaot ito sa isang dagat. Ngunit hindi alam ng mangingisda na may paparating na unos. Sagwan dito, sagwan doon. Sa kabila ng kanyang pagsagwan, nasira ang kanang parte ng Bangka. Ngunit hindi pa rin natinag ang mangingisda. Pinagpatuloy niya ang pagsagwan. Muli ay nasira ang kaliwang parte ng kanyang Bangka. Ngayon, sa pagkasira ng magkabilang gilid ng Bangka, paniguradong siya’y lulubog na. Ngunit, hindi ito nangyari. Alam nyo kung bakit…… 

Pagkat mayroon siyang katulong sa oras ng kagipitan. Handang tumulong. Handang isakripisyo ang lahat para sa kaligtasan mo......

Ang entry na ito ay lahok para sa Saranggola Blog Awards 3 


6 (na) komento:

  1. kung ako ang tatanungin, panalo na ito..

    TumugonBurahin
  2. Sino ba naman ang hindi dumaan sa ganito.. ang magkaroon ng mga laruang gawa sa papel? :)

    Tama. Lahat ng pagsubok, merong ginhawang naghihintay. Lahat ng problema, merong solusyon.. Kelangan lang manalig. Kelangan lang magtiwala.. Merong nagbabantay at handang tumulong.. palagi. :)

    Goodluck dito, Shy! :D

    TumugonBurahin
  3. @JH Alms.. slamat sa pagbasa... naku.. nais ko lang ibahagi ang aking suporta para sa SBA.. kahit dehins manalo... okie lang ang mahalaga.... nakibahagi ako..:D

    @Timeyt....tama ka diyan.... kelangan lang ay manalig at magtiwala..:D salamat sa pagbasa....

    @tatess... salamat.. salamat....natutuwa ako at nagustuhan mo..:D

    TumugonBurahin
  4. Goodluck sa SBA entry mong ito...

    ang kya ko lng gawin ay bangkang papel... haha

    eh di ikaw n may mga alagang papel ikaw n magaling mg-origami. :)

    TumugonBurahin
  5. hu guys tanong ko lang po sino ang nakakaalam ng origami ng polo/Damit ang kakalabasan?

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa