Araw-araw ang eksena ko ay ang makipaghabulan sa dyip o di kaya naman ay pumila ng pagkahaba-haba sa dyip station, na parang blockbuster sa sinehan.
Sa araw-araw na pagsakay ko ng dyip, iba't-ibang tao ang makakatabi mo. Meron matanda, may bata, bakla, tomboy, mag-dyowa, mga pda, etc...
Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit sa araw-araw na pagsakay ng mga pasaherong ito, na halos araw-araw ko rin nakakasabay. Nakakalimutan nila kung saan ang tamang babaan o sakayan. Araw-araw naman silang nasakay ng dyip... pero... araw-araw din silang pumapara at sumasakay sa alanganing lugar.
Nalulungkot lang ako, dahil sa isang simpleng batas lang na LOADING at UNLOADING ay hirap na hirap tayong matuto at sumunod. Hindi ko nga alam kung di nila naiintindihan ang ibig sabihin ng salitang iyon o sadyang binabalewala lang nila ito.
Kaya ako madalas kong isigaw sa driver..... MANONG SA BABAAN LANG PO...
"Only in the Philippines" ika nga sabi nila, sa ayaw natin at sa gusto yun na ang naka ugalian ng mga nakakatanda sa atin at patuloy ito tatakilikin ng mga kabataan ang nakasanay nila nakikita sa mga matatanda.
TumugonBurahinwow isa k palang ulirang pilipino shy :)
TumugonBurahinmasyado taung mayaman sa demokrasya mula pa sa umpisa...mga maliliit na bagay ay di napuna.
TumugonBurahin