Lunes, Oktubre 17, 2011

Pers taym... sa Marathon :D


Oktubre 16, 2011 5:45 ng umaga. Kasabay ng pagputok ng baril, ay ang pagtakbo ng maraming pares ng paa. Takbo, takbo, takbo… pilit kong tinatakbo ang unang kilometro ng marathon. Isa ako sa nakibahagi sa Mardi Gras 2011 fun run. Masaya, dahil ang mga kasabayan kong nakitakbo ay pawang mga naka-costume, gaya ng title nito. 

Hanak ng… unang kilometro palang hinihingal na ako. Whew! Ganito yata kapag walang warm-up. Sa totoo lang pers taym kong sumali sa marathon. At talagang eksayted ako. Nagising pa ako ng maaga para dito, effort talaga as in. Nalungkot lang ako, kasi sa company namin lima lang kaming tumakbo para sa 5K. Lahat sila ay 3K. Tama 5K ang tinakbo ko, mayabang eh. Pakitang gilas ika nga. Sabi ko kasi, kaya kong lakarin ang 3K, sisiw lang sa akin. Kaya nagparehistro ako sa 5K. Mali pala ako, hanak ng… iba pala ang daan doon sa The Fort. Akyat-baba ang daan. Sa madaling salita, nahirapan talaga ako. Sobrang pahirap talaga ang paakyat na daan. Pero iyon yata talaga ang takbo ng marathon. Masusubok talaga ang endurance at resistance mo dito. Tatlong kilometro na, gusto ko ng tumigil. Gusto ko ng sumuko, takbo-lakad na ang gawa ko. Lungkot na naman, nagsisi. Dapat pala 3K nalang ang tinakbo ko. Para kasama ko ang lahat ng opismeyt ko. Pero hanga naman ako sa mga mas malaki pa sa katawan ko, as in carry nila ang tumakbo ng 10K. So, naisip ko, kaya ko rin tapusin ang 5K. Kung sila nga kaya nila, eh di kaya ko rin.  Heto na, apat na kilometro na. Tigil muna  sa nagbibigay ng Pocari Sweat. Hinga konti. Takbo ulit. Malapit na ako sa finish line, heto at tagaktak ang pawis ko. Sa wakas nagawa ko, natapos ko ang 5K run. Ang oras ko…. 47mins and 25 seconds, hindi na masama sa unang subok. Pinilit ko talaga na hindi ako umabot sa isang oras at pakiramdam ko nalusaw ang one-forth ng taba ko , sa ginawa kong pagtakbo.

After ng marathon, uwian na. Bagsak ako kaagad pagkarating sa bahay. Borlogs na ang lola. Ang sarap sa pakiramdam. Sa susunod na buwan, gusto ko ulit magmarathon. 5K ulit ang susubukan ko. At susubukan i-break ang record ko.  

Team Pioneer 3K and 5K 

Di ko alam kung maliligo siya o maglilinis.... Isa sa mga 3K runners.. machooooo... :p

3 komento:

  1. Congrats at naka sali ka sa ganyan.. Natawa ako sa pic second pic. Baka may ipinaglalaban sya.. hehe :)

    TumugonBurahin
  2. congrats.... sa tingin ko maliligo... ready na ksi eh.. hehehe

    nakikibisita lang po...:)

    TumugonBurahin
  3. @zen... ehe... tingin ko nga... pero di ko magets ang ipinaglalaban.. na-coconcious kasi ako.. ehe.. :D

    @athena.... yan din ang unang pumasok sa isipan ko.. siguro naubusan ng tubig kaya gnyan.. :D Salamat sa pagbisita..:D

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa