Alam mo ba kung ilang beses na akong lumuha sa iyo?
Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang lahat?
Fair naman akong lumaban,
Hind naman ako nanlamang ng kapwa.
Hindi rin ako naging selfish.
Pero bakit ako ang umiiyak?
Nasasaktan?
Ang akala ko, ako na ang panalo,
Namalikmata lang pala ako.
Nakita ko ang sarili ko,
Naiwan sa dulo, hindi makakilos, nakatanaw lang.
Gusto kong tumalikod at tumakbo ng mabilis
Palayo sa iyo, palayo sa sakit.
Hindi na kasi kaya ng puso ko,
Unti-unti na kasi itong bumibigay.
Baka pwede mo naman isalba?
Talian at hawakan kahit panandalian lang.
O kahit ako nalang ang humawak sa iyo.
Saka nalang ako bibitaw, kapag kaya ko na.
Kapag hindi ko na nararamdaman ang sakit...
PS. lol! di ako broken hearted... (nag-explain bigla.. GUILTY!) masyado lang naging madamdamin sa kwento ng aking kaibigan...
Sabado, Nobyembre 10, 2012
Linggo, Nobyembre 4, 2012
Di lang halata....(DOODLE)
Ohayo!!!!!!
Nagwawalis-walis lang ako ng mga alikabok at agiw dito sa aking tahanan. Medyo natagalan ang aking pagbabalik. Ilang linggo rin napuno ng sabaw ang aking umaalog-alog na utak. Dahil diyan hindi ako nakasali sa SBA 2012. Anyways...... heto na ulit ako, sabaw pa rin ang utak. Pero may mga bagay akong pinagkaabalahan, nitong mga nakalipas na araw.
Feel na feel kong mag-aksaya ng ballpen ink noong mga panahon na sabaw ako. First time kong gagawin ang pagpost ng aking gawa, dahil wala na akong maisip ilagay. Heto at makikita na rin ng madlang pipol (umaasa lang.. hahahahahha..) ang aking obra maestra (Charot!).
At dahil inggitera lang ako, gumawa rin ako ng doodle. So far, okay naman ang kinalabasan....
JA MATA!

BATO-BATO PIK
DO THE DOODLE
EMOSYON
MUSIKA
CRYING OUT LOUD
(inabot ako ng tatlong araw sa pag-photoshop gamit ang pen tool)
Huwebes, Setyembre 20, 2012
Boy Band.... Boy Band...
♪♫ The sun goes down ♪♫
♫♪ The stars come out ♫♪
♪♫ And all that counts ♪♫
♫♪ Is here and now ♫♪
♪♫ My universe will never be the same ♪♫
♫♪ I'm glad you came ♫♪
Madalas ko itong naririnig sa radyo. Hindi ko nga halos kilala kung sino ang kumanta nito. Pero nung Biyernes tinanong ako ng boss ko...
"Aattend ka ba ng concert?",
"Sige Sir! Kaninong concert?"
"The Wanted?"
"The Wanted? Sino yun????" as in marami talagang kuwestyon mark. Eh, sorry naman, hindi ko naman talaga sila kilala. Pero pumayag na rin ako dahil sa...
> VVIP ang id namin. Di ko alam kung anong pinagkaiba niya sa VIP. Ang diperensya lang naman nasa side stage kami, na pwedeng makalapit sa mga kumakanta.
> Di pa ako nakakapasok ng NBC Tent kaya sumama ako. Tamang ignorante lang.
> Sponsored event kailangan ng pektyur para sa documentation.
> Ngayon nalang ulit ako makakapanood ng concert na foreigner ang kakanta... at boyband pa.
> Sayang ang OT... dagdag din sa sweldo yun.. LOL.
Habang nandun ako, heto ang napansin ko...
> Puro mga teenager ang mga nanood. Medyo ackward para sa akin. Wala na kasing teen sa edad ko.
> Habang tinitingnan ko yung VVIP ID nakita ko yung presyo ng ticket nila. Gusto kong sumigaw ng Holy Cow! pwede na akong bumili ng isang Samsung Galaxy Y Duos. Paano naatim ng mga kabataan na ito na waldasin sa isang concert ang pera nila. Napa - HAY.... nalang ako.
> Naluma ang gadget ko sa mga gamit nila. Iphone... Ipad... Iphone... Ipad...
> Wala akong ibang narinig sa mga kabataan na ito kundi ... "Oh My God!" alam kaya nila ang ibig sabihin noon?
> Pakiramdam ko biglang guguho yung Tent, sa sobrang tilian ng mga teenagers.
> Yung dalawa kong kasama, kumota na sa hawak kamay at halik sa boy group. Naloka ako, nagfeeling teenager din sila. (heheheh.. tamang bitter lang)
> Guwapo pala sila. Muntik na rin akong magfeeling teenager.
Natapos ang concert na okay naman ang lahat. Medyo natulilig lang ang tenga ko sa sobrang tilian. Bigla ko lang na realize, ganito rin naman ako noon o baka mas malala pa nga.....:p

Huwebes, Setyembre 6, 2012
Lunod.......
Nagsimula na akong malunod sa isang lugar na hindi ako
pamilyar. Kung saan walang sinuman ang makaririnig ng aking sigaw. Gusto kong
kumawala… gusto kong putulin ang bakal na nakaposas sa aking mga kamay.
Pakiusap alisin niyo ako rito…. Pakiusap….Natatakot na ako dito… Pakiusap…
Alam mo ba ang pakiramdam na halos wala ka ng maramdaman.
Hindi lang katawan mo ang manhid… pati na rin ang utak. Kelan ko lang naman ito
naramdaman…
Gabi yun… pero hindi ko matandaan ang eksaktong oras.
Alam ko na masaya pa ako ng mga oras na iyon. Kasama ko siya, magkahawak kami
ng kamay. Paminsan-minsa’y nagtatawanan pa kami sa biruan na hindi naman nakakatawa.
Bigla bigla nalang… may mga lumapit sa amin. Apat sila…
alam kong apat sila. Pero hindi namin sila kilala. Hinawakan ako ng isa sa
kamay, pero pumalag ako. Ipinagtanggol niya ako… sa simula’y tulakan lang…
palitan ng salita. Maya-maya pa’y nagpapalitan na sila ng suntok at tadyak.
Wala akong magawa, Hawak-hawak ako ng isang kasama nila. Namanhid na ang
katawan ko sa pagmamakaawa sa kanila.
Akala ko’y tumigil na sila. Napuno ang paligid ng
maraming tawanan. Nabibingi na ako, gusto ko na silang takasan. Isang malakas
na tunog… nagmula sa isang matigas at malamig na bakal. Kitang-kita ko kung
paano… nagsimula ng umagos ang pulang likido sa sahig.
Malamig… biglang lumamig ang paligid. Walang boses
ang ibig lumabas sa aking bibig. Tanging mata ko lang ang nangungusap.
Yakap-yakap na kita. Di ba iyon ang gusto mo, ang lagi mo kong yakap. Pwede mo
na akong yakapin kahit kelan. Pakiusap…
Unti-unti na akong nalulunod…. Pakiusap… Alisin niyo ako
rito… Pakiusap….
Miyerkules, Hunyo 6, 2012
KM3: TINIG (Bulag, Pipi at Bingi)
Minsan ng naging utal ang aking dila. Minsan ko na rin tinakasan ang
aninong nagpabalot sa malamig kong mundo at minsan ko na rin binalewala ang
tinig na sumisigaw sa kaibuturan ng aking pagkatao.
Masasabi kong mahusay kumilatis ang aking mga mata. Dumi ng iba’y kayang
husgahan ng mapanglait kong titig. Daig ko pa ang isang bulag, pagka’t saksi
ako sa isang kataksilan na noon ko pa alam. Kitang-kita na aking mga mata kung
paano lurayin at pagsinungalingan ang aking bansa’t mamamayan. Hindi lang ako
ang saksi, kundi lahat kami. Ngunit kapwa kami’y bulag. Dahil sa takot na
masumbatan at mahusgahan. Heto ang aking
tinig… bulag sa katotohanan.
Sa kabila ng aking pagkabulag, tangan ko ang pagiging matatas sa
pananalita. Kahit sinong karatig bansa’y naninibugho sa aking kagalingan.
Ibinabandera ang sarili sa mga dayuhan, pumapalakpak sa aking galing. Ngunit sa
likod ng boses na mapagbunyi, ay nagtatago ang bibig na may kandado ngunit
walang susi. Walang boses, walang salita. Pilit na pinipigilan letrang ibig isuka’t
ilabas. Heto ang aking tinig… pipi sa
katotohanan.
Kung ang pagkabulag at pagkapipi ang aking kapintasan. May hihigit pa ba
sa husay kong makinig. Aaminin ko sa loob ng isang araw, halos di ko na
mabilang ang mga kwento, balita at tsismis ang aking narinig. Ganun pa man,
gaya ng mga nauna kong pagkukulang. Sarado ang aking tenga, walang malinaw na
nadidinig. Masahol pa sa taong nagtetengang-kawali sa totoong daing ng bansa. Heto ang aking tinig…. Bingi sa katotohanan.
Tinig ng aking isipan…
Sa isang sulok ng aking isipan. May tinig na ibig lumabas. Ngunit, paano
ko ito maipapahayag. Sa lahat ng bagay ako ay kulang. Bulag, pipi at bingi sa
katotohanan ng bansang kinatutuntungan. Maswerte ang mga bulag, sa mata’y
pinagkaitan ngunit malayang maibabahagi ang saloobin mula sa kanyang bibig.
Masuwerte ang pipi, walang salita man ay mamutawi, ngunit malayang makikita at
maririnig ang katotohanan. Masuwerte ang bingi, salat man sa tinig na ibig
marinig, balanse na makikita at maipapahayag ang damdaming puno ng pagkalinga. Walang
pagdadamot, walang pagtalikod sa mundong balot ng kamalayang malaya.
Martes, Mayo 22, 2012
Code name: Phoenix (Ikalawang yugto)
Codename: Phoenix (Unang Yugto)
Magkahalong ingay ang naririnig mula sa aking kinatutuntungan. Mataas... mahangin... animo'y idinuduyan ako sa ulap. Isang malalim na buntong-hininga ang aking binitawan. Mabigat ang aking mga paa na bumaba sa aking inaapakan.

Labag sa isip ko at katawan ang aking gagawin. Pero sinong magsasabi na ito'y masama. Hindi ko man gawin, wala rin naman akong magagawa. Hindi ko sila pwedeng kalabanin.
Pwede pala ito, ang hangin ang nagsisilbing anestisia ko. Wala akong maramdaman na takot kahit isang kurot man lang. Tama siguro ang napili kong pwesto.
Maya-maya pa ay inayos na niya ang kanyang mga gamit. Parang balewala lang sa kanya ang humawak ng mataas na kalibre ng baril. Sino bang mag-aakala na ang isang tulad niya ay hindi man lang natakot humawak nito. Isang bagay na malamig, matigas at nakakamatay.
Iniumang na niya ang baril kung saan man. Ang target niya..... isang kilalang tao sa gobyerno. Wala siyang kahit ano mang idea tungkol sa pagkatao nito. Ang tangi niyang alam ay ang pangalan at titulo nito. Hindi na niya kailangan ng detalye. Dahil ang trabaho niya...... linisin ang lipunan. Ilan na nga ba ang napatay niya. Halos hindi niya na rin mabilang ang mga ito?
Kailan nga ba siyang natutong humawak ng armas? Hindi niya na halos matandaan. Basta ang alam niya lahat ng ito ay kailangan niyang gawin dahil sa isang malaking utang..... na kailangan niyang bayaran.
Kumilos na ang kanyang mga kamay. Pagkatapos isang mahinang putok ang pumailanlang. Bumulagta sa sahig ang kanyang target. Hindi na niya tiningnan ang pagkakagulo ng mga tao. Maayos niyang sinilid ang kanyang gamit sa bag at umalis sa lugar.
Tapos na ang kanyang trabaho. Maghihintay ulit siya ng panibagong tawag at saka muling kikilos. ...
Itutuloy.....................

Biyernes, Marso 9, 2012
Walang titulo (Ikalawa)
Kailan lang nakita ko ang mga ngiti sa iyong labi. Hindi ko alam na ika’y may dinaramdam pala. Buong akala ko ika’y masaya. Walang bitbiting mabigat sa puso. Bakit kailangan mong ikubli? Ang bigat sa iyong puso ng isang matamis na ngiti. Pakiramdam ko’y nakasuot ka ng isang maskara tuwing tayo’y magkakaharap. Hindi na ikaw yung tulad ng dati. Wala na ‘yong mga ngiti na kay saya. Mga matang puno ng ligaya.
Hanggang kailan mo dadalhin ang pasanin sa iyong puso? Hanggang kailan mo ibabaon sa iyong isipan ang mga araw na nakalipas. Hanggang kailan ko makikita ang hinanakit sa iyong mga mata, at pait sa iyong mga ngiti. Ngunit paano mo nga naman magagawa ang mga ito. Kung ang mismong nagpapalakas sa iyo. Ang siyang nagsisilbing lason na kumikitil sa iyong isipan at sistema. Nagpapahina sa iyong pagkatao at damdamin. Paano ka aahon? Kung ang taong dapat hihila sa iyo, ay siyang nagdidiin sa iyo palubog. Paano ka sasandal? Kung ang mismong pundasyon ay 'sing rupok ng segunda manong kahoy.
Hindi ako eksperto o doktor. Alam kong wala akong kakayahan na ibalik ang nabasag mong pagkatao. Pero kaya kong mag-ambag ng tulong. Hindi ng pinansiyal. Kundi suporta kung paano ka tatayo at lalakad muli. Hahawakan iyong mga kamay at dahan-dahang uusad. Hindi hahayaang ika'y matumba. Isang hakbang... dalawa... tatlo... ngiti mo'y muli kong masisilayan.
Kasabay ng aking suporta. Aking hihilingin sa TAAS na ika'y bigyan ng lakas ng katawan at tibay ng kalooban. Upang magpatuloy na mabuhay, na may ngiti sa labi. Kalimutan ang nakaraan at isipin ang bukas. Hindi lang ako ang nag-aabang sa iyong mga ngiti. Nariyan silang lahat. Naghihintay at umaasang isang araw makita kang masaya.
Codename: Phoenix
Maganda ang araw ko ngayon. Buti pinayagan akong magday-off. Naisipan kong bumili ng kape, sa isang sikat na kapehan. Masyadong marami ang tao ng mga oras na iyon.
"Venti Cafe Mocha, extra hot"
Habang inaantay ko ang aking inorder na kape. Agad kong napansin ang isang babae na nakaupo sa sulok. Nagbabasa ito ng libro. Kahit sa malayo, tanaw ko ang maamo niyang mukha.
"One Venti Cafe Mocha for Mar!"
Agad akong tumayo at kinuha ang aking kape. Muli akong tumingin sa lugar kung saan siya nakaupo. Andoon pa rin siya.
"Lalapitan ko ba siya? Baka naman dedmahin lang niya ako?" nagkaroon ako ng pag-aalinlangan bigla. Kilala ako sa pagiging palikero. Magaling maghakot ng mga babae. Ngunit sa babaeng ito. Mukhang mag-iiba ang takbo ng aking buhay pag-ibig.
"Hi! Pwedeng makishare?" naglakas loob na akong lapitan siya. May pagka-bingi yata ang babaeng ito. Mukhang hindi narinig ang aking sinabi.
"Miss, pwede bang makishare? Wala na kasing available seats." tumigil ito sa pagbabasa at tumingin sa akin. Para akong na gayuma sa kanyang mga titig.
"Anong problema mo?" matabang ang naging salita niya sa akin.
"Ha.... Ah... Eh..... tanong ko lang kung pwedeng maki-share ng table?" hindi ko na inantay ang kanyang sagot. Agad kong hinila ang upuan sa tapat niya. Muli siyang bumalik sa kanyang pagbabasa.
Pakiramdam ko'y mabagal ang oras ng panahong iyon. May kaharap nga akong babae, ngunit hindi man lang tinablan ng aking karisma. Maingay naman ang paligid, ngunit sa aming dalawa. Tila kay tahimik at may kung anong magbabadya.
"Mahilig ka palang magbasa ng libro?" wala siyang tugon.
"Ako rin mahilig magbasa ng libro. Lalo na noong nag-aaral ako." pagpapatuloy ko. Kahit hindi siya makinig. Kahit ako lang ang dumaldal. Mahirap ng mapanisan ng laway.
"Paborito ko rin ang mga pocketbook. Kapag wala na akong choice basahin." tumawa ako ng mahina. Akalain mo iyon, ako mismo ang tumatawa sa pinagsasabi ko. "Kay---------"
"Masyado kang maingay. Alam mo ba iyon?" nagulat ako. Hindi man siya nakatingin, alam kong nairita siya sa akin. "Hindi ba pwedeng manahimik ka."
"Hahahahaha... ano kasi... iniisip ko baka interesado kang makinig sa kwento ko." anak ng pitong tupa. Masyado naman seryoso itong babaeng ito.
"Ano sa tingin mo ang magiging kaintere-interesado sa iyo? Bukod sa maingay ka, bigla-bigla kang nakikiupo na hindi pa sumasagot kung pwede ka ngang makihati sa table." Wapak! isang sampal sa akin iyon. Masyado nga siguro akong naging kampante at nag-assume na okay lang sa kanya.
Isinara niya ang librong binabasa. Kinuha ang kapeng kanyang iniinom at saka ako iniwan sa lamesa. Hihingi sana ako ng sorry. Kaso baka lalong magwala. Wag na nga lang. Sayang maganda pa naman siya. Ang kaso mukhang ipinaglihi yata kay Hitler ang babaeng iyon.
Mabilis kong inubos ang malapit ng lumamig na kape. At saka ko iniwan ang lugar....
Itutuloy

Martes, Pebrero 28, 2012
Walang titulo.....
Kung pilit binabalikan ang nakalipas,
Ang salitang bukas at pag-usad ay walang halaga.
Tanikalang nakaikot sa iyong puso,
Sarili’y nilulunod sa dagat ng pait at pighati.
Pilit kinakaya, pilit dinadampot,
Pagkataong sinira ng pagkakataon.
Umiiyak, sumisigaw sa tinig na walang tunog,
Itataas ang kamay, kasabay ang pagluha.
Madilim na kahapon,
Sing lamig ng gabing walang buwan.
Pagkatao animo’y patay na buhay.
Hanggang kailan sisihin, daramdamin
Pangyayaring bumulag, nagpamanhid
Sa iyong puso.
Sana’y dumating ang araw
Basag mong pagkatao,
Isa-isahing damputin
Muling buuin at muling ididikit.
Darating ang araw,
Pilat ng kahapon, hihilumin ng panahon.
Muling masisilayan ngiti sa iyong mga labi.
Martes, Enero 31, 2012
Pakikipagbuno....
Maingat ang aking naging kilos. Dahan-dahan lang ika nga, upang hindi ako mahalata. Panay ang tingin ko sa kanya. Sinisipat kung siya ri'y nakikiramdam. Mukhang naman siyang abala. Magaling! magagawa ko ang aking pinaplano. Kung kanina'y maingat ako, naging mabilis ang naging kilos ko.
Una kong hinawakan ang kanyang kamay. Putcha! malakas pala ang isang ito. Totoong malakas siya, bahagya niya akong naitulak palayo sa kanya. Ngunit hindi ako nagpapigil. Muli akong bumalik at mas binilisan ang kilos. Hinagap ng aking kanang kamay ang pakay. Ngunit pinigilan ito ng kanyang mga kamay. Haitz! habang nakikipagbuno, nag-iisip ako ng isang malupit na diskarte. Mukhang hindi uubra kung kamay ko lamang ang aking gagamitin. Wala na akong maisip na iba pang-diskarte. Isang malakas na pagdagan ang aking ginawa. Yes! Hindi na niya nagawang makakilos.
Pakiramdam ko nasa isang Wrestling Mania ako. Naririnig ko ang mga taong nagbibilang.. 1.... 2..... naknamputcha! Pumalag bigla, diniinan ko pa lalo ang pagkakadagan sa kanya. Tipong hindi na makakagalaw. Biglang nalipat naman sa isang UFC FIGHT ang eksena, TAP-OUT na ang kalaban. Tatayo na sana ako para magtatalon sa tuwa. Ngunit mabilis kong kinuha ang aking pakay. Nakalagay ito sa kanyang kanang bulsa.
Sa wakas! Sabay tawa ng ubod lakas.... "NAKUHA KO RIN!". Pagkatapos muli kong nilingon ang aking kalaban at sinabing "Tatay sa susunod kasi, ibigay mo na sa akin ang remote ng hindi ka nasasaktan... " at sabay kaming tumawa.... Hindi na nakapalag ang tatay sa anak.

Sabado, Enero 28, 2012
Ako nga! (Part Two!)
OHAYO GOZAIMASU!
Hajimemashite... Watashi wa Shyvixen desu.....
Istafet!.... Enuf!.... Halt!.... tengeneng katarantaduhan ito. Ang hirap mag-isip ng maisusulat. Parang na el-nino yata ang mga braincells ko. Tuyong-tuyong wala kahit isang moist na natira.. haitz.... (>.<)
Sa kadahilanang wala na akong maisulat...at ayokong matapos ang buwan ng Enero na wala akong blog.... Itutuloy ko na lang ang trivia tungkol sa akin... Ang pumalag..... eh di pumalag kayo... care ko sa inyo.... well well well... ang daming well... heto na ang karugtong ng aking trivia...
1. Hindi ako katangkaran na tao, ang height ko 5'3.
2. Pop/Rock, Alternative at Country music ang trip kong musika.
3. Miyembro dati ng Legion of Mary (Pasig Division).. dating mabait pero ngayon.... mabait pa rin kapag tulog.
4. Sumali at napabilang sa isang maliit na grupong Teatro. Mahusay daw akong umarte parang pang Indi films lang. "H'wag po!!.... Hwag po!!!.." lels
5. Crossword, Sudoku at Hanap Salita ang paborito kong libangan, lalo na kapag nagbabantay ako ng tindahan namin.
6. Fiesta Carnival ang lagi naming pinupuntahan tuwing weekend (iyon lang naman kasi ang popular noon).
7. Mahilig akong mangolekta noon ng stationary paper. Patok sa akin yun mga may korean at japanese language, kahit dehins ko na iintindihan.
8. Sinuhulan ko ng cake ang teacher ko sa back subject para ipasa ako. Tsk tsk tsk... marunong na akong mamulitiko noon.
9. Sumubok akong gumamit ng Diary. Yung may kandado at susi. Sa kadahilanang ako'y nangangambang mabasa ng iba, nag-imbento ako ng alphabet na ako lang ang nakakaintindi.
10. Pagtulog ang isa sa masarap na gawin.
11. Hindi ako palakaibigan na tao (di ko alam kung noon o ngayon).
12. Nag-audition ako sa Pinoy Idol at Pagcor OPM . Ang resulta...... lahat lagpak :p
13. Many to mention ang madalas kong sagot sa Autograph noon.
14. Perstaym kong manalo sa isang pagguhit noong kolehiyo ako. Pinaghanda ako ng nanay ng manok at spaghetti.
15. Hindi ako naglalagay ng kalamansi sa pancit.
16. Hindi ako kumakain ng amplaya. Talbos ng kamote pwede pa (anemic kasi ako.)
17. Hilig kong tumambay sa POWERBOOK, NATIONAL BOOKSTORE at BOOKSALE. Para sa libreng pagbabasa.
18. Nakatapos ako ng maikling kwento noong hayskul. Pero ngayon hindi ko na siya makita.
19. Madalas akong may libreng pagkain sa canteen. Salamat sa mga umaaligid na suitors.... hehehehehe
20. Volleyball ang favorite kong sports.
21. Mahilig akong manood ng mga tv series.
22. Madalas akong bumili ng lapis sa National bookstore... Wala lang trip ko lang
23. Mabagal akong kumain. Alam yan ng mga nakakakilala sa akin.
24. Isa sa mga peborit kong tambayan sa loob ng bahay ay ang C.R. Anong meron sa cr.. di ko rin alam.
25. Kung mabagal akong kumain, matagal naman akong maligo. (Madalas natutulog ako sa loob ng CR)
26. Mahilig ako sa ANIME/MANGA (crush ko nga si KENSHIN ng samurai X. ^u^)
27. Mahilig ako sa tinapay. Lalo na yung bagong lutong tinapay. ^-^ yum yum yum
28. Sinubukan ko dati na maglaslas ng pulso. Pero natigilan ako, naisip ko masakit kasi (ako na ang emo...).
29. Mahilig ako sa mga heels at make-up.
30. Marketing ang kinuha kong kurso sa halip na Architect. Mahal daw kasi ang Architect sabi ng sponsor ko (nanay ko). Kaya iyan nalang.
Okie.. olrayt... okie... olrayt... hanggang dito nalang muna mga kapanalig.... Medyo naubusan ako ng trivia sa sarili ko. JA MATA!!!! ^-^
ARIGATO!!!

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)