Martes, Enero 31, 2012

Pakikipagbuno....

Maingat ang aking naging kilos. Dahan-dahan lang ika nga, upang hindi ako mahalata. Panay ang tingin ko sa kanya. Sinisipat kung siya ri'y nakikiramdam. Mukhang naman siyang abala. Magaling! magagawa ko ang aking pinaplano. Kung kanina'y maingat ako, naging mabilis ang naging kilos ko.

Una kong hinawakan ang kanyang kamay. Putcha! malakas pala ang isang ito. Totoong malakas siya, bahagya niya akong naitulak palayo sa kanya.  Ngunit hindi ako nagpapigil. Muli akong bumalik at mas binilisan ang kilos. Hinagap ng aking kanang kamay ang pakay. Ngunit pinigilan ito ng kanyang mga kamay. Haitz! habang nakikipagbuno, nag-iisip ako ng isang malupit na diskarte. Mukhang hindi uubra kung kamay ko lamang ang aking gagamitin. Wala na akong maisip na iba pang-diskarte. Isang malakas na pagdagan ang aking ginawa. Yes! Hindi na niya nagawang makakilos.

Pakiramdam ko nasa isang Wrestling Mania ako. Naririnig ko ang mga taong nagbibilang.. 1.... 2..... naknamputcha! Pumalag bigla, diniinan ko pa lalo ang pagkakadagan sa kanya. Tipong hindi na makakagalaw. Biglang nalipat naman sa isang UFC FIGHT ang eksena, TAP-OUT na ang kalaban. Tatayo na sana ako para magtatalon sa tuwa. Ngunit mabilis kong kinuha ang aking pakay. Nakalagay ito sa kanyang kanang bulsa.

Sa wakas! Sabay tawa ng ubod lakas.... "NAKUHA KO RIN!". Pagkatapos muli kong nilingon ang aking kalaban at sinabing "Tatay sa susunod kasi, ibigay mo na sa akin ang remote ng hindi ka nasasaktan... " at sabay kaming tumawa.... Hindi na nakapalag ang tatay sa anak.

2 komento:

  1. Dapat sa bahay tig-iisa ng tv.

    Kahit sa kusina, sa cr, sa garahe, kahit sa paso, dapat may TV.

    Lol. Para walang bakbakan

    TumugonBurahin
  2. hahahahah... tama ka diyan kuya j... sa susunod bibili na ako ng maraming tv... TNT!

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa