Kailan lang nakita ko ang mga ngiti sa iyong labi. Hindi ko alam na ika’y may dinaramdam pala. Buong akala ko ika’y masaya. Walang bitbiting mabigat sa puso. Bakit kailangan mong ikubli? Ang bigat sa iyong puso ng isang matamis na ngiti. Pakiramdam ko’y nakasuot ka ng isang maskara tuwing tayo’y magkakaharap. Hindi na ikaw yung tulad ng dati. Wala na ‘yong mga ngiti na kay saya. Mga matang puno ng ligaya.
Hanggang kailan mo dadalhin ang pasanin sa iyong puso? Hanggang kailan mo ibabaon sa iyong isipan ang mga araw na nakalipas. Hanggang kailan ko makikita ang hinanakit sa iyong mga mata, at pait sa iyong mga ngiti. Ngunit paano mo nga naman magagawa ang mga ito. Kung ang mismong nagpapalakas sa iyo. Ang siyang nagsisilbing lason na kumikitil sa iyong isipan at sistema. Nagpapahina sa iyong pagkatao at damdamin. Paano ka aahon? Kung ang taong dapat hihila sa iyo, ay siyang nagdidiin sa iyo palubog. Paano ka sasandal? Kung ang mismong pundasyon ay 'sing rupok ng segunda manong kahoy.
Hindi ako eksperto o doktor. Alam kong wala akong kakayahan na ibalik ang nabasag mong pagkatao. Pero kaya kong mag-ambag ng tulong. Hindi ng pinansiyal. Kundi suporta kung paano ka tatayo at lalakad muli. Hahawakan iyong mga kamay at dahan-dahang uusad. Hindi hahayaang ika'y matumba. Isang hakbang... dalawa... tatlo... ngiti mo'y muli kong masisilayan.
Kasabay ng aking suporta. Aking hihilingin sa TAAS na ika'y bigyan ng lakas ng katawan at tibay ng kalooban. Upang magpatuloy na mabuhay, na may ngiti sa labi. Kalimutan ang nakaraan at isipin ang bukas. Hindi lang ako ang nag-aabang sa iyong mga ngiti. Nariyan silang lahat. Naghihintay at umaasang isang araw makita kang masaya.
makata ka karen :)
TumugonBurahinreading it aloud there are some words that phonetically disrupts the overall tone... but what do i know about words, right? and in any case, what makes literature exciting is, though it is reduced into formulas and guidelines, never an exact science.
TumugonBurahinwrite on. :)
parang "the three year itch" yung unang talata, naumay na siguro...
TumugonBurahinnakisawsaw lang po, salamat at magandang araw :)
Wow, mahusay na Tagalog na piyesa
TumugonBurahinswerte nung pinatutungkulan nito.. may "kaibigan" siyang katulad nung nagsulat nito.. hehe
TumugonBurahin