Alam mo ba kung ilang beses na akong lumuha sa iyo?
Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang lahat?
Fair naman akong lumaban,
Hind naman ako nanlamang ng kapwa.
Hindi rin ako naging selfish.
Pero bakit ako ang umiiyak?
Nasasaktan?
Ang akala ko, ako na ang panalo,
Namalikmata lang pala ako.
Nakita ko ang sarili ko,
Naiwan sa dulo, hindi makakilos, nakatanaw lang.
Gusto kong tumalikod at tumakbo ng mabilis
Palayo sa iyo, palayo sa sakit.
Hindi na kasi kaya ng puso ko,
Unti-unti na kasi itong bumibigay.
Baka pwede mo naman isalba?
Talian at hawakan kahit panandalian lang.
O kahit ako nalang ang humawak sa iyo.
Saka nalang ako bibitaw, kapag kaya ko na.
Kapag hindi ko na nararamdaman ang sakit...
PS. lol! di ako broken hearted... (nag-explain bigla.. GUILTY!) masyado lang naging madamdamin sa kwento ng aking kaibigan...
ahahaha biglang may paliwanag sa dulo pagkatapos kong malunod. Hayaan mo't aking isasampay ang akalang ikaw nga ang nasa kwento nang matuyo ng hangin at tangayin sa kung saan. At mapalitan ng paniwalang kwento ito ng iyong kaibigan hahaha
TumugonBurahindati masyado mo ako sinaktan at binigyan ng sama ng loob, ngayon naghilong na aking sugat at muling bumangon para balikan ka, pag ako ang gumanti sisiguraduhin ko na dapang dapa ka at tatapakan pa kita sapagkat sa bawat kasalanan na ginawa mo sa akin ay may katumbas na halaga na iyong pagbabayaran. minsan sana isipin mo kung ano mga ginawa mo dati kaya ganyan ang sinapit mo ngayon, pagbabago at kapatawaran na lang upang maisalba ang lahat.
TumugonBurahinshotgun-in mo sa mukha, adre.. hehehe
TumugonBurahinDati may nasulat ka sa blog mo ang pamagat ay Lunod, ngayon naman ay Salba, ano ang susunod... Tsugi?! Ang akin naman ay... Churva! Bwahahaha!
TumugonBurahinngayon ko lang nabasa 'to . hindi ka nga broken hearted.
TumugonBurahinand yoralayer. wahahaha