Miyerkules, Hunyo 6, 2012

KM3: TINIG (Bulag, Pipi at Bingi)




Minsan ng naging utal ang aking dila. Minsan ko na rin tinakasan ang aninong nagpabalot sa malamig kong mundo at minsan ko na rin binalewala ang tinig na sumisigaw sa kaibuturan ng aking pagkatao.

Masasabi kong mahusay kumilatis ang aking mga mata. Dumi ng iba’y kayang husgahan ng mapanglait kong titig. Daig ko pa ang isang bulag, pagka’t saksi ako sa isang kataksilan na noon ko pa alam. Kitang-kita na aking mga mata kung paano lurayin at pagsinungalingan ang aking bansa’t mamamayan. Hindi lang ako ang saksi, kundi lahat kami. Ngunit kapwa kami’y bulag. Dahil sa takot na masumbatan at mahusgahan. Heto ang aking tinig… bulag sa katotohanan.

Sa kabila ng aking pagkabulag, tangan ko ang pagiging matatas sa pananalita. Kahit sinong karatig bansa’y naninibugho sa aking kagalingan. Ibinabandera ang sarili sa mga dayuhan, pumapalakpak sa aking galing. Ngunit sa likod ng boses na mapagbunyi, ay nagtatago ang bibig na may kandado ngunit walang susi. Walang boses, walang salita. Pilit na pinipigilan letrang ibig isuka’t ilabas. Heto ang aking tinig… pipi sa katotohanan.

Kung ang pagkabulag at pagkapipi ang aking kapintasan. May hihigit pa ba sa husay kong makinig. Aaminin ko sa loob ng isang araw, halos di ko na mabilang ang mga kwento, balita at tsismis ang aking narinig. Ganun pa man, gaya ng mga nauna kong pagkukulang. Sarado ang aking tenga, walang malinaw na nadidinig. Masahol pa sa taong nagtetengang-kawali sa totoong daing ng bansa. Heto ang aking tinig…. Bingi sa katotohanan.

Tinig ng aking isipan…

Sa isang sulok ng aking isipan. May tinig na ibig lumabas. Ngunit, paano ko ito maipapahayag. Sa lahat ng bagay ako ay kulang. Bulag, pipi at bingi sa katotohanan ng bansang kinatutuntungan. Maswerte ang mga bulag, sa mata’y pinagkaitan ngunit malayang maibabahagi ang saloobin mula sa kanyang bibig. Masuwerte ang pipi, walang salita man ay mamutawi, ngunit malayang makikita at maririnig ang katotohanan. Masuwerte ang bingi, salat man sa tinig na ibig marinig, balanse na makikita at maipapahayag ang damdaming puno ng pagkalinga. Walang pagdadamot, walang pagtalikod sa mundong balot ng kamalayang malaya.
  

15 komento:

  1. napadaan lang po...at binasa ang iyong entry..napakaganda po...

    Goodluck

    TumugonBurahin
  2. huling-huli eh.. galing, adre.. at opkors, good luck.. alam kong lahat tayo naglaan ng oras para sa patimpalak ni jkul, bilang suporta na rin..

    TumugonBurahin
  3. ikaw na gina :)

    lufeeet!

    TumugonBurahin
  4. hello, nakiraan lang at nakibasa. ang iksi ngunit malaman at may grace ang iyong akda. ^^

    good luck sa patimpalak, shyvixen and regards. :)

    TumugonBurahin
  5. @maharuth... salamat po sa pagdaan. Mahusay din ang iyong likha... goodluck sa atin.. :D

    @ Sir JH tama kayo diyan.. APir!

    @ limarx salamat..

    @ Jay... hahahhaha.. vice ganda ikaw ba yan.. :D

    @ sasaliw... salamat sa pagdalaw... goodluck din sa iyong akda.. :D

    TumugonBurahin
  6. minsan mas maituturing pa na mapalad ang may kapansanan, tulad ng iyong mga nabanggit. sila kasi hindi na nakikita ang pangit na kaganapan hindi lang dito sa kundi ng buong sanlibutan. Sila hindi na nakapamiminsala pa.

    ang ganda ng iyong kwento. gudlak po dito :)

    TumugonBurahin
  7. Nasabi ko na sayo ang gusto kong ipahiwatig tungkol sa akdang ito. Mahusay ang paghabi ng kwento, Binigyan ng ibat ibang anggulo ang kahulagan ng tinig. Magaling!

    TumugonBurahin
  8. isa kang propesyunal karen ..

    ikaw na!!!

    :)

    TumugonBurahin
  9. Habang patuloy akong nagbabasa sa mga lahok sa KM3 parang lalong lumalawak ang ang aking kaalaman at pang unawa. Hanoraw?! kongrats in advance Shyvixen :D

    TumugonBurahin
  10. Kahit malalim, naiintindihan ko pa rin. Bless you, Madam.

    TumugonBurahin
  11. kakaiba naman ito....ang husay! good luck po...

    TumugonBurahin
  12. ang galing! ang husay niyo po... gustong-gusto ko ang ideya at punto ninyo! bet ko toh! goodluck po :)

    TumugonBurahin
  13. Nagdudumilat ang katotohanan ng pagiging bulag, pipi at bingi natin bilang mamamayan. Kayang kaya natin maging dilat dahil tayo'y ipinanganak na nandiyan ang pandama. Pandama, na pwedeng magamit upang paunti-unti'y gagaling tayo sa pagiging bulag, pipi at bingi sa katotohanan. Maghuhumiyaw ang pag-alpas ng tinig para sa Pilipino kung ating nanaisin.

    Kung magkagayon, tayo'y hahakbang na muli.

    Maraming salamat sa pakikilahok sa KM3: TINIG

    TumugonBurahin
  14. oi ayus din ang pagkagawa,,, gudluck sa iyo :)

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa