Sabado, Agosto 27, 2011

Stanley Chi "Suplados" Party

"Paingles-ingles ka pa... Sipain kita diyan!"

    Isa sa mga suplado tips si Sir Stanley Chi sa kanyang librong "SUPLADO TIPS". Kagabi, naglaan siya ng isang pagtitipon para sa mga nagwagi sa kanyang kontest. Akala niyo isa ako sa mga nanalo... nagkakamali kayo. Nabigyan lang po ako ng pagkakataon, na makadalo sa pagtitipon na ito. Salamat sa aking butihing kaibigan, na siya talagan nanalo. Samakatwid, proxy ang lola niyo... hehehehe...

    Ginanap ang pagtitipon sa The Grillery @ Salcedo Village, Makati. Totyal! hahahaha. Pers taym ko makapunta sa ganitong pagtitipon. Kung saan ang makakasalamuha mo ang mga kapwa mo blogger. Sa pagsisimula ng programa, namigay si Stanley Chi ng mga Gift Certificate sa mga manood. At isa sa mga pinalad na makakuha ay ang magaling kong kapatid. Oh di ba! sabit lang yan sa akin, siya pa ang may GC (hahahahahahahaha....)
    Si kapatid at ang kanyang Unisilver GC

    Nakilala ko rin kagabi, at nakasama sa table ang nakakuha ng Unang Gantimpala, sa pakontes ni Suplado Stanley. Hindi ko inaasahan, at ako'y talagang natutuwa kay Sir Richard. Isang mapagkumbaba at masayahing tao, isama na rin natin ang kanyang mga kaibigan. Hindi naubos ang mga kakwelahan naming lima at ang pagsali nila sa mga games.
Sir Richard (1st prize winner) and Stanley Chi

   Isa sa mga panauhin niya ay si Justin Pinon "The Mental Assasin". Pers taym ko makakita ng isang mentalist, sa personal. Sa maniwala kayo at sa maniwala kayo (no choice kaya dapat kang maniwala...hahahahha), sobra akong namangha sa kanyang talento. Mapapanood niyo siya sa TV5 na Magic Bagsik.

Justin Pinon and my brother

     Ang ikalawang panauhin ay si Sir Oni Carcamo at si Mr. Parley. Isa siya sa mga pinakasikat na Ventriloquist sa Pilipinas. Ang dami kong tawa kay Mr. Parley siya na daw ang "pinakamalas sa buong mundo". Tuwang-tuwa ako sa mga bitaw ng jokes, at sa hawak nitong beer. Sa pagtatapos ng kanilang segmet. Mas lalo akong napahanga, dahil napagsabay ni Sir Oni ang kanyang boses at ang boses ni Mr. Parley... ASTIG!!!!!
Suplado rin pala si Mr. Parley sa Cam... hahahahhaha

    Bago magtapos ang pagtitipon, pinakilala na niya ang mga nanalo sa kanyang pakontes. Siyempre bilang proxy ng aking kaibigan, ako ang kumuha ng kanyang premyo. Namigay din si Stanley ng mga libro tulad ng, Chopstick komiks at ang kanyang "SUPLADO TIPS" book. 

The Suplados T-shirt (ito ang napanalunan ng aking kaibigan)

    Kahit madaling araw na natapos ang palabas, sulit naman. Masaya at nakakawala ng pagod. Bawat segment ay walang dull moments.... Hanggang sa susunod Sir Stanley.... Keep it up!!!!!



Maari kayong bumisita at pindutin ang link na ito... Stanley Chi



9 (na) komento:

  1. si Sir Stanley Chi! Gusto ko sya makita sa personal. Nung last week pumunta kami sa Trinoma, Book signing si Sir Lourd de Veyra. Nagpabook sign kami. Grabeeeeeee! ang saya, hanggang ngayon di parin ako maka move on. Gusto ko talaga mameet pa yung ibang writers. Bihira lang yun.

    TumugonBurahin
  2. @monik... sana nga maulet hahahahaha... alam ko by september magpapatipon ulet siya ng mga blogger.... will wait tapos inform kita.. :D

    TumugonBurahin
  3. Wow. Ang cute nung shirt. I want one. Dapat pala si Kuya Carlo ng Supladong Office Boy ang invited dito. LOL.

    TumugonBurahin
  4. parang nakita ko yung libro na yan sa national bookstore. di pa ko nakakapunta sa mga book launching pero sana isang araw, mag pa book launch si eros atalia. pero sana rin, maimbitahan ako para di OP. hehe!

    TumugonBurahin
  5. @yow... uu nga dapat si SOB ang invited dito..hehehehehe

    @sir duking... san national bukstore sir... nagcheck ako dito sa amin wala.. sold out na...ay di ba mei book fair ngayon September.... kitakits duon.. :D

    TumugonBurahin
  6. Nice post. hope to see you in other blogger events!

    TumugonBurahin
  7. bago lang ba ako dito? hehehe. uhmmm nagsama sama kayong mga sikat na blogger. naks. congrats pala ^_^

    TumugonBurahin
  8. di ko sila kilala eh..ikaw lang ang kilala ko! hehehe dahil madalas ka sa bahay ko...salamat!

    TumugonBurahin
  9. Ang galing, ng join ako sa GF mo join ka naman sa akin palagi na lang ako dito sa blog mo dadalaaw.

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa