Martes, Agosto 2, 2011

PROTEGE

pro·té·gé  (prt-zh, prt-zh) n.
One whose welfare, training, or career is promoted by an influential person.

    Kahapon, habang ako'y papauwi at nakasakay sa bus. Napukaw ang atensyon ko, sa isang komersyal sa telebisyon. Audition, para sa isang talent search sa TV, ang title ay PROTEGE. Biglang may ilaw na nag-pop sa ibabaw ng ulo ko. Ibig kong sumali, subukan lang, wala naman age limit. Pwede kahit uugod-ugod na o yung gumagapang na sanggol, basta marunong kumanta. 

   Eto sekreto lang natin ito, wag mo ipagsasabi kahit kanino. Hindi ko ito, pinagsasabi  kasi nakakahiya, at ayaw ko ng maraming tanong kapag nalaman mo ito. Dati akong sumali sa isang singing contest, dahil sa kagustuhan kong ma-eksperyens, kung ano ang feeling ng nasa audition room. At dahil makapal ang mukha ko, sumali ako. Ang dahilan ko, "wala lang trip ko lang" ^^. Alam ko, gusto mong malaman kung saan ako nag-audition. Tingnan mo nalang ang picture sa baba.

(Oo, alam ko nakakahiyang aminin, pero sumali talaga ako diyan. Kaso sa hinaba-haba ng pila ko na naikot ko na ang buong SMX Convention. Hindi ako pinalad na makuha, okay lang "better luck next tym". Kaso nanghihinayang ako sa mga sumali na magagaling pero hindi napili. Hindi ko rin alam kung bakit?)

     Kelan lang din, sumali ulet ako.. (di na nadala, trying hard..ehehehe) OPM song naman ang kakatahin. Kasi i-bubuild up nila ang OPM song na nananamlay na. Kabado ako, lalo pa ang judge ay ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa. Sa awa ng Diyos, natapos ang audition, na hindi ako umaasa na makukuha. Bakit? Kasi mas marami pang magagaling sa akin (pasensya na wala akong pic, noong audition number ko. Pagkatapos ng audition, tinapon ko na sa basurahan. Ayaw ko ng may remembrance, bumibigat lang ang puso ko... charot!)

     Napag-isip isip ko tuloy. Kung gusto mo talagang sumali sa mga ganyan, dapat handa ka. Hindi lang, basta mo lang naisipan mag-audition, kahit wala ka pang inaral na kanta.  Base sa karanasan ko, mayron akong Apat(4) na points.

1. Song choice - pagpili ng kanta. Importante ito. Dahil dito malalaman ang kalidad ang boses mo. Hindi ka, pwedeng pumili ng kanta, dahil winning piece mo ito sa videoke (tipong laging 100 ang score mo at tuwang-tuwa ka naman). Dapat yung bagay sa boses mo, kabisado mo at kaya mong kantahin. Baka mamya, bibirit ka ng mataas at pagdating sa dulo'y napiyok ka... sablay ka agad noon. Kailangan kabisado mo rin ang lyrics ng kanta, ligwak ka kapag nakalimutan mo ang kanta mo.

2. Dress to impress - pagpili ng isusuot. Hindi porke't sasali ka ng singing contest, eh kelangan mo ng mag-gown. Hindi ka aattend ng Sta. Cruzan, singing contest ang sasalihan mo. Kailangan ang isusuot mo ay naayon sa personality mo, at kung ano ang gusto mong itatak sa utak ng mga judges (e.g. pop icon, rock star, rnb, balladeer, etc). Halimbawa, mahilig ka sa mga lab song, yun ang forte mo. Pwede kang, magdress (para sa babae) at long sleeve (para sa lalaki). Di kaya naman, rock song ang kanta mo, pero nakatodo dress at necktie ka pa sagwa di ba. Kaya nga dress to impress, kasama yan sa criteria na tinitingnan ng mga hurado. Kung paano mo dalhin ang sarili mo sa harap ng cam. Wag mo ng itanong kung ano ang suot ko, sa mga audition ko. Baka mabwisit ka lang.. hehehehehe

3. Stay calm - kumalma, ito ang madalas dilemma ng mga participant. Kapag nandoon na sila, madalas nangingibabaw ang kaba. Masuwerte ang mga tao, na hindi nakakaramdam nito lalo na sa competition. Kaya siguro, madalas akong di makuha, dahil hindi ko masunod ang ganitong rule. Ang kaba ko ay lampas na sa ulo ko, lalo na kapag kaharap ko na ang mga judges. Haitz.... halatado pa naman sa aking boses ang nginig. Lagi mo lang isipin na KAYA MO TO!. Yung iba, may naglalagay ng piso sa sapatos, para mawala ang kaba (di ko alam kung epektib yun, pero pede mong subukan).

4. Practice makes perfect - magpraktis! Wag masyadong kampante at bumilib sa sarili mo. Tao lang tayo, di tayo perpekto (unless pangalan mo ay Perpekto..aitz!). Minsan may mga ganitong eksena, di na magpapraktis, kasi alam na ang kanta. Pero pag-nandun na sa eksena, hala! kung hindi nakalimutan ang lyrics. Sintunado at nahuhuli naman sa minus one. Tandaan, lahat ng mga magagaling umawit, nagpapraktis yan. Mapa-Regine V., Sarah G., Charice P. at iba pa. Nag-eensayo yan, para dun palang sa rehearsal, maaari na nilang itama o baguhin ang mga mali nilang nota.

    Sa huli, di man ako makuha. Okay lang sa akin, ang mahalaga sumubok ako. At hinarap ang kahinaan ko, hindi man ako magtagumpay sa pagkanta. Alam ko sa ibang bagay ay may nakalaan na plake at tagumpay para sa akin.


4 (na) komento:

  1. Dear Shyvixen,

    I wish you more success in this field. What else, hmmm... as for me I like keeping remembrance...of all stuff related to this unforgettable moments of my life..

    Keep goin...

    Love...Gracia

    TumugonBurahin
  2. Best of luck! Tama lang yan. Basta may talent dapat i-share. Kung ako lang yan... Ewan. LOL.

    Dati na-try ko na mag-audition... kinanta ko National Anthem. Haha!

    TumugonBurahin
  3. @gracia... Tenks for ur wonderful message...
    @taga-bundok... hahahaha... anong nangyari sa audition mo... Makabayan na makabayan ang kanta mo ha... :D

    TumugonBurahin
  4. True. There's no harm in trying kaya subok lang ng subok. Ako nga bilib sa marurunong kumanta at magaganda boses eh. Haha. Lahat ineengganya ko sumali sa ganyan kasi sayang ang talent. Kesa ang marinig mong pinapakanta sa tv eh si Kim Chui, Marian Rivera o si Bea Alonzo. Eh di yung marunong na talaga at maganda boses. Hahaha. Good luck sa Protege. God bless. :D Give it yer best shot.

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa