"Kung pwede lang kitang paliitin, at ipasok sa bulsa ko. Gagawin ko yun, makasama lang kita doon." ang sarap pakinggan sa tenga, ang mga binitawan niyang salita. Sana nga may kapangyarihan ako, na mangyari ang mga bagay na iyon. Di kaya naman, biglang may lumitaw na genie at isa iyon sa hihilingin ko. Ang kaso, malabo pa sa tubig kanal, na matupad iyon.
Paalis na siya noon, pupunta siya sa kapit-bahay nating bansa. Upang magtrabaho doon, bilang waiter. Iyon ang sabi niya sa akin. Noong sinabi niya na mangingibang bansa siya. Okay lang sa akin, kasi iniisip ko baka matagalan pa iyon at mabago pa ang lahat. Pero masyado pala akong, naging kampante. Sa sobrang bilis ng pangyayari, wala ng oras para kumilos.
Ang bigat sa pakiramdam, ng magpaalam na tayo sa isa't-isa. "Huwag kang malungkot, may Facebook naman at YM." Bakit siya? Parang di ko makita ang lungkot sa kanya. Di kaya, tinatakpan lang iyon ng kanyang mga ngiti. Gusto ko pa siyang makasama at makakwentuhan ng matagal. Gusto kong ipunin ang mga moment na iyon. Para kahit papaano, mapunan noon ang pangungulila ko sa kanya.
"May ibibigay nga pala ako." alangan akong iabot sa iyo ang aking munting pabaon. "Sabi mo kasi, gusto mo niyan."
" Uy, talagang ito ang binigay mo ha." simpleng ngiti at tango lang ang naging tugon ko. "Alam mo ba kung bakit baso ang hiniling ko sa'yo?"
"Bakit?"
"Mahilig kasi akong magkape sa umaga. Atleast, ikaw ang una kong maaalala tuwing umaga." sabay kindat niya sa akin.
"Ganun?" tipid kong sagot. Pero ang totoo, kinikilig ako. Kilig na may kahalong lungkot. Hay... pwede ba yon, na sabay kong maramdaman ang kilig at lungkot.
Ang tunay na pag-ibig ay di nasusukat lamang sa isang baso sapagkat ang pag-ibig ay di isang bagay o wala man anong bagay ang makatatapat dito, ito'y di nakikita ngunit nararamdaman, kung baso lang ang pagbabasehan ito'y hindi isang pag-ibig kundi kababawan ng pag-iisip. Q: How will you know if that person really loves you? A: If that person cares for you and accept who you are and what you are.
TumugonBurahinaww. magkikita rin kayo ulit. saka tama, may ym at fb naman :D
TumugonBurahin@anonymous: tama ka dian ang pag-ibig ay di nasusukat sa kahit anong bagay....salamat sa pagbasa.
TumugonBurahin@kuya mots: uu nga naman mei ym at fb nmn.. ehehehehe...tenshu kuya sa pagdalaw...
aaawww ano to ate shy totoong buhay ba ito?
TumugonBurahin@monik... fiction lang yan... hahahahahah...
TumugonBurahin