Biyernes, Pebrero 22, 2013

Coffee, Bus, Opis



May mga araw na magkasabay tinatamad ang utak at kamay. Walang maisip na isulat, dahil walang ideya.  Mahirap pigain ang utak lalo na kung walang mapiga. Kung sakaling dumating ang ideya, kamay naman ang tinatamad. Kahit na hilahin mong pilit, hindi ito titipa.

Ukinam! Wala na naman akong maisulat. Blanko, lutang, sabaw.  Kahit sinisipag ang mga daliri sa pagtipa. Wala naman mailabas ang utak. Mahirap magpanggap na manunulat ka. Paano wala naman ideyang umiikot sa isip ko. Kung meron man, kulang naman ito.

Coffee Shop

Naranasan ko  yung tipong nasa kalagitnaan ka ng pag-inom ng kape. Bigla ilalabas ang bolpen, sabay hagap sa tissue at susulat. Isa, dalawang pangungusap… Huwaw! Parang kwots na iyon. Pero ang babaw lang. Inom ulet ng kape. Lagok pa ulet. Wala talaga. Teka, taympers muna, kelangan ko ng break. Iyong tissue na sinulatan ko, wala na. Basta pagbalik ko wala na. Di ko alam kung nilipad ng malakas na aircon ng coffee shop o may kumuha. Walastek talaga!

Okay balik ulit sa pag-inom ng kape. Maya-maya may ideya ulet. Hagap ulet ng tissue, okay na ito. May masisimulan na ako. Pero hanggang simula lang. Wala pang wakas.

Bus

Sasakay sa bus, hahanap ng hindi mainit na pwesto. Takot kasi  sa araw. Sayang ang papaya soap na ginagamit kung matatamaan lang ng araw ang balat. Muni-muni muna habang umaandar ang bus, habang patuloy sa pagsakay at pagbaba ang mga pasahero. Maraming tinig ang maririnig, komento ni ganito, tsismis ng dalawang ulupong na magkatabi, at kung anu-ano  pa. Bigla may ideyang papasok, lakas makapagbigay ng ideya ang mga pasaherong ito. Hindi uubra ang bolpen at papel, magiging kinalahid ng manok ang sulat ko. Ititipa ko nalang sa aking selepono, presto! May maisusulat na naman ako.

Opisina

Bubuksan ang kompyuter, titingnan kung may mga mensaheng dumating sa elektronikong liham. Maya-maya itake ng pagkatulala. Lumipad kung saan, palibhasa’y maaga pa. Wala pa ang mga boss. Pwede pang pumetiks. Sinalpak ang earphone sa magkabilang tenga. Maigi ito, hindi ako mababaliw sa katahimikan. Rock song ang trip. Umagang-umaga nga naman. Sabay susulat sa isang memo pad. Kahit ano… basta tuloy-tuloy lang ang sulat. Tumigil ako, lumingon sa paligid… marami na palang tao. Hindi ko namalayan. 




4 (na) komento:

  1. namiss kong magbasa ng mga sulatin mo KAren! hahaha

    nalulungkot lang ako at wala kang entry sa bNP . Isa ka sa mga mababagsik kong kilala.

    relate na relate ako dun halinhinang pagkatamad ng kamay at utak. mga ayaw makipagcooperate. hahaha :)

    TumugonBurahin
  2. ganyan talaga kapag inatake ng katamarensis kamayenensis... hahahaha... gaano ba ako kabagsik? parang terror titser lang ba? har har har... ako rin naman ay nalulungkot sa hindi ko pagkasali ang dami ko ng namiss na pakontes.. Babawi ako!... hahahahah :P

    TumugonBurahin
  3. Ah, sadyang ganyan talaga. Kung minsan, ang isang manunulat ay tinatakasan ng musa niya, marahil upang magpahinga. Oo, may karapatan din ang musa na magpahinga :-)

    TumugonBurahin
  4. tama ka diyan kuya Nor....sana sa muli kong pagbabalik ay muli na akong sipagin.. ehe..

    salamat sa pagdalaw. :P

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa