Hindi ko alam kung anong meron sa fireworks, pero lagi akong may memorable experience sa kanila. Minsan pangit, minsan maganda.
-------------------------
February 20--
“Tara gala tayo.” yaya mo sa akin. Sabado naman
kaya naisip ko na sumama na rin.
“Saan tayo?” tanong ko.
“Mall of Asia. Balita ko, magkakaroon ng magandang
fireworks doon.” Nakangiti mong sabi sa akin.
“Mall of Asia?” napaisip akong bigla pero pumayag rin naman ako. Sabagay hindi pa naman ako nakakapunta
doon.
Alas-sais….
Masakit na ang mga paa ko sa kalalakad. Ganito pala
kalaki ang MOA at sobrang dami ng tao. Ilang minuto pa ang lumipas,
bigla mong hinawakan ang aking kamay. Ikinagulat ko iyon, napatingin ako sa
iyo, pero ikaw ay hindi.
“Tingnan mo… magsisimula na.” agad akong napatingin sa
langit. Bigla itong nagliwanag, iba’t-ibang kulay. Kay gandang tingnan, para
akong bata na natulala sa aking nakita. Bakit ganito ang pakiramdam ko, may masaya,
may kilig.
Kung ang lahat ng liwanag na ito ay wishing stars. Maaari
siguro akong humiling. Kung pwedeng wag matapos ang sandaling hawak niya ang
aking kamay.
(hiram mula kay Mr. Google)
hindi ko rin alam kung ano meron sa mga fireworks.. para itong mga good omen na may darating na magandang kung anu-ano.. wala lang.. hehehe
TumugonBurahinmmm... dahil may good omen na parating.. tiyak mei bad omen yan.. salamat sa pagdalaw kuya! :D
TumugonBurahinyiiieee .. pag-ibig oh :p
TumugonBurahinyun talaga yung emotion na gustong ipahatid ng fireworks. spark. fire. bright lights, amazement, surprise, and stillness ng oras at sandali. :D
TumugonBurahin