Sabado, Agosto 27, 2011

Stanley Chi "Suplados" Party

"Paingles-ingles ka pa... Sipain kita diyan!"

    Isa sa mga suplado tips si Sir Stanley Chi sa kanyang librong "SUPLADO TIPS". Kagabi, naglaan siya ng isang pagtitipon para sa mga nagwagi sa kanyang kontest. Akala niyo isa ako sa mga nanalo... nagkakamali kayo. Nabigyan lang po ako ng pagkakataon, na makadalo sa pagtitipon na ito. Salamat sa aking butihing kaibigan, na siya talagan nanalo. Samakatwid, proxy ang lola niyo... hehehehe...

    Ginanap ang pagtitipon sa The Grillery @ Salcedo Village, Makati. Totyal! hahahaha. Pers taym ko makapunta sa ganitong pagtitipon. Kung saan ang makakasalamuha mo ang mga kapwa mo blogger. Sa pagsisimula ng programa, namigay si Stanley Chi ng mga Gift Certificate sa mga manood. At isa sa mga pinalad na makakuha ay ang magaling kong kapatid. Oh di ba! sabit lang yan sa akin, siya pa ang may GC (hahahahahahahaha....)
    Si kapatid at ang kanyang Unisilver GC

    Nakilala ko rin kagabi, at nakasama sa table ang nakakuha ng Unang Gantimpala, sa pakontes ni Suplado Stanley. Hindi ko inaasahan, at ako'y talagang natutuwa kay Sir Richard. Isang mapagkumbaba at masayahing tao, isama na rin natin ang kanyang mga kaibigan. Hindi naubos ang mga kakwelahan naming lima at ang pagsali nila sa mga games.
Sir Richard (1st prize winner) and Stanley Chi

   Isa sa mga panauhin niya ay si Justin Pinon "The Mental Assasin". Pers taym ko makakita ng isang mentalist, sa personal. Sa maniwala kayo at sa maniwala kayo (no choice kaya dapat kang maniwala...hahahahha), sobra akong namangha sa kanyang talento. Mapapanood niyo siya sa TV5 na Magic Bagsik.

Justin Pinon and my brother

     Ang ikalawang panauhin ay si Sir Oni Carcamo at si Mr. Parley. Isa siya sa mga pinakasikat na Ventriloquist sa Pilipinas. Ang dami kong tawa kay Mr. Parley siya na daw ang "pinakamalas sa buong mundo". Tuwang-tuwa ako sa mga bitaw ng jokes, at sa hawak nitong beer. Sa pagtatapos ng kanilang segmet. Mas lalo akong napahanga, dahil napagsabay ni Sir Oni ang kanyang boses at ang boses ni Mr. Parley... ASTIG!!!!!
Suplado rin pala si Mr. Parley sa Cam... hahahahhaha

    Bago magtapos ang pagtitipon, pinakilala na niya ang mga nanalo sa kanyang pakontes. Siyempre bilang proxy ng aking kaibigan, ako ang kumuha ng kanyang premyo. Namigay din si Stanley ng mga libro tulad ng, Chopstick komiks at ang kanyang "SUPLADO TIPS" book. 

The Suplados T-shirt (ito ang napanalunan ng aking kaibigan)

    Kahit madaling araw na natapos ang palabas, sulit naman. Masaya at nakakawala ng pagod. Bawat segment ay walang dull moments.... Hanggang sa susunod Sir Stanley.... Keep it up!!!!!



Maari kayong bumisita at pindutin ang link na ito... Stanley Chi



Biyernes, Agosto 19, 2011

Yehey!



Alas-tres ng hapon, ngayon araw na ito. Natanggap ko ang unang, t-shirt na inorder ko sa Blogger Shirt




   
   

Huwebes, Agosto 18, 2011

Isang Basong Pag-ibig (Ikalawang Kabanata)

         Isang buwan na halos ang lumipas, simula ng umalis ka. Walang message sa YM at FB. Araw-araw umaasa ako na sa pagbukas ko ng message box ko. Pangalan mo ang bubungad sa aking mga mata. Hay... ang hirap ng ganito... umaasa ako sa wala. Madalas nila akong niloloko... lagi daw akong sad. Ang banat ko naman... "I'm Sad Today, But Tomorrow I'll Be Fine" sabay tingin sa coffee mug na bigay mo. Naisipan ko tuloy, bumuo ng tula, para sa'yo. Upang kahit papaano ay mailabas ko ang hinaing ng puso ko.


One day, you came,
Without any prediction of your presence.
Standing in front of me,
Sharing your thought and deals in life.
Feel so at ease and comfortable to each other,
You capture my heart and soul so easily.

But one day,
You just left me behind
    and alone, wondering why.

I’m lonely here, at present...  
But tomorrow, I know I'll be fine
Just like a whirl wind 
You came around and mess with my heart
    and burst in 
    but held in my mind this will be healed.


     Epektib! nabawasan ng kaunti ang bigat ng puso ko. Pero pansamantala lang....



Isang Basong Pag-ibig Unang Kabanata

Sabado, Agosto 13, 2011

ISA KANG MALAKING LOSER!!!!

    
     Sa lahat ng ayoko... yung mga taong "EPAL". Siguro kulang ka sa pansin sa inyo. Kaya dito ka nagkakalat ng lagim mo. Nakakaawang nilalang, nagkakaganyan ka dahil walang pumapansin sa inyo. At ang malupet! ako pa ang pinili mo. Alam mo ayaw kitang patulan kasi, abnoy ang utak mo!... kapag pinatulan kita... abnoy na rin ako. At saka wag kang mangingialam ng buhay ng may buhay! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Wag kang umastang "CLOSE" tayo. Dahil hindi mangyayari yun, lalo pa sa ugali mong EWAN! Ikaw pa yata ang papatay sa akin, pag nagkataon. Hayup ka!

    Pasalamat ka, pinakikisamahan pa kita ng maayos. Dahil rin, sa pakiusap ng boss ko. Alin kung di dahil sa kanila...matira sa atin ang matibay.. at hindi ako ang babagsak... kundi IKAW!


Pasensya na kayo sa aking post. Kailangan kong ilathala ito, para mailabas ko ang galit ko. Sa sobrang galit ko kanina.... at hindi ko nailabas, nanginig ang buong katawan ko, di makahinga, at namamanhid ang katawan. Akala ko katapusan ko na. Pero, malakas pala ako kay bro, sa ngayon okay na ako....

Biyernes, Agosto 12, 2011

Isang Basong Pag-ibig

Unang Kabanata

     "Kung pwede lang kitang paliitin, at ipasok sa bulsa ko. Gagawin ko yun, makasama lang kita doon." ang sarap pakinggan sa tenga, ang mga binitawan niyang salita. Sana nga may kapangyarihan ako, na mangyari ang mga bagay na iyon. Di kaya naman, biglang may lumitaw na genie at isa iyon sa hihilingin ko. Ang kaso, malabo pa sa tubig kanal, na matupad iyon.

    Paalis na siya noon, pupunta siya sa kapit-bahay nating bansa. Upang magtrabaho doon, bilang waiter. Iyon ang sabi niya sa akin. Noong sinabi niya na mangingibang bansa siya. Okay lang sa akin, kasi iniisip ko baka matagalan pa iyon at mabago pa ang lahat. Pero masyado pala akong, naging kampante. Sa sobrang bilis ng pangyayari, wala ng oras para kumilos.

   Ang bigat sa pakiramdam, ng magpaalam na tayo sa isa't-isa. "Huwag kang malungkot, may Facebook naman at YM." Bakit siya? Parang di ko makita ang lungkot sa kanya. Di kaya, tinatakpan lang iyon ng kanyang mga ngiti. Gusto ko pa siyang makasama at makakwentuhan ng matagal. Gusto kong ipunin ang mga moment na iyon. Para kahit papaano, mapunan noon ang pangungulila ko  sa kanya.

    "May ibibigay nga pala ako." alangan akong iabot sa iyo ang aking munting pabaon. "Sabi mo kasi, gusto mo niyan."

    " Uy, talagang ito ang binigay mo ha." simpleng ngiti at tango lang ang naging tugon ko. "Alam mo ba kung bakit baso ang hiniling ko sa'yo?"

   "Bakit?"

   "Mahilig kasi akong magkape sa umaga. Atleast, ikaw ang una kong maaalala tuwing umaga." sabay kindat niya sa akin.

   "Ganun?" tipid kong sagot. Pero ang totoo, kinikilig ako. Kilig na may kahalong lungkot. Hay... pwede ba yon, na sabay kong maramdaman ang kilig at lungkot.

 


    

    

Huwebes, Agosto 11, 2011

FOR YOU......

Here I am
Sitting in silence
My mind is empty
For a moment
I didn’t know where to begin.

I started to tell everything to HIM
From  the time I was created,
to time I learned everything,
to the time I achieved my goals
And up to the moment I committed sin.

I now began to shed tears
because I keep asking
Why I feel this emptiness
Why I’m still searching for contentment
Am I here for enlightenment and restoration?

Outloud I will rejoice that I accept Jesus as my Saviour
Set foot  into my heart and sealed with your love
Safeguard us your children  from harm
Yes, trully unbelievable wisdom
My life was changed and so other's  too.
A great experienced to reclaimed.

Martes, Agosto 2, 2011

PROTEGE

pro·té·gé  (prt-zh, prt-zh) n.
One whose welfare, training, or career is promoted by an influential person.

    Kahapon, habang ako'y papauwi at nakasakay sa bus. Napukaw ang atensyon ko, sa isang komersyal sa telebisyon. Audition, para sa isang talent search sa TV, ang title ay PROTEGE. Biglang may ilaw na nag-pop sa ibabaw ng ulo ko. Ibig kong sumali, subukan lang, wala naman age limit. Pwede kahit uugod-ugod na o yung gumagapang na sanggol, basta marunong kumanta. 

   Eto sekreto lang natin ito, wag mo ipagsasabi kahit kanino. Hindi ko ito, pinagsasabi  kasi nakakahiya, at ayaw ko ng maraming tanong kapag nalaman mo ito. Dati akong sumali sa isang singing contest, dahil sa kagustuhan kong ma-eksperyens, kung ano ang feeling ng nasa audition room. At dahil makapal ang mukha ko, sumali ako. Ang dahilan ko, "wala lang trip ko lang" ^^. Alam ko, gusto mong malaman kung saan ako nag-audition. Tingnan mo nalang ang picture sa baba.

(Oo, alam ko nakakahiyang aminin, pero sumali talaga ako diyan. Kaso sa hinaba-haba ng pila ko na naikot ko na ang buong SMX Convention. Hindi ako pinalad na makuha, okay lang "better luck next tym". Kaso nanghihinayang ako sa mga sumali na magagaling pero hindi napili. Hindi ko rin alam kung bakit?)

     Kelan lang din, sumali ulet ako.. (di na nadala, trying hard..ehehehe) OPM song naman ang kakatahin. Kasi i-bubuild up nila ang OPM song na nananamlay na. Kabado ako, lalo pa ang judge ay ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa. Sa awa ng Diyos, natapos ang audition, na hindi ako umaasa na makukuha. Bakit? Kasi mas marami pang magagaling sa akin (pasensya na wala akong pic, noong audition number ko. Pagkatapos ng audition, tinapon ko na sa basurahan. Ayaw ko ng may remembrance, bumibigat lang ang puso ko... charot!)

     Napag-isip isip ko tuloy. Kung gusto mo talagang sumali sa mga ganyan, dapat handa ka. Hindi lang, basta mo lang naisipan mag-audition, kahit wala ka pang inaral na kanta.  Base sa karanasan ko, mayron akong Apat(4) na points.

1. Song choice - pagpili ng kanta. Importante ito. Dahil dito malalaman ang kalidad ang boses mo. Hindi ka, pwedeng pumili ng kanta, dahil winning piece mo ito sa videoke (tipong laging 100 ang score mo at tuwang-tuwa ka naman). Dapat yung bagay sa boses mo, kabisado mo at kaya mong kantahin. Baka mamya, bibirit ka ng mataas at pagdating sa dulo'y napiyok ka... sablay ka agad noon. Kailangan kabisado mo rin ang lyrics ng kanta, ligwak ka kapag nakalimutan mo ang kanta mo.

2. Dress to impress - pagpili ng isusuot. Hindi porke't sasali ka ng singing contest, eh kelangan mo ng mag-gown. Hindi ka aattend ng Sta. Cruzan, singing contest ang sasalihan mo. Kailangan ang isusuot mo ay naayon sa personality mo, at kung ano ang gusto mong itatak sa utak ng mga judges (e.g. pop icon, rock star, rnb, balladeer, etc). Halimbawa, mahilig ka sa mga lab song, yun ang forte mo. Pwede kang, magdress (para sa babae) at long sleeve (para sa lalaki). Di kaya naman, rock song ang kanta mo, pero nakatodo dress at necktie ka pa sagwa di ba. Kaya nga dress to impress, kasama yan sa criteria na tinitingnan ng mga hurado. Kung paano mo dalhin ang sarili mo sa harap ng cam. Wag mo ng itanong kung ano ang suot ko, sa mga audition ko. Baka mabwisit ka lang.. hehehehehe

3. Stay calm - kumalma, ito ang madalas dilemma ng mga participant. Kapag nandoon na sila, madalas nangingibabaw ang kaba. Masuwerte ang mga tao, na hindi nakakaramdam nito lalo na sa competition. Kaya siguro, madalas akong di makuha, dahil hindi ko masunod ang ganitong rule. Ang kaba ko ay lampas na sa ulo ko, lalo na kapag kaharap ko na ang mga judges. Haitz.... halatado pa naman sa aking boses ang nginig. Lagi mo lang isipin na KAYA MO TO!. Yung iba, may naglalagay ng piso sa sapatos, para mawala ang kaba (di ko alam kung epektib yun, pero pede mong subukan).

4. Practice makes perfect - magpraktis! Wag masyadong kampante at bumilib sa sarili mo. Tao lang tayo, di tayo perpekto (unless pangalan mo ay Perpekto..aitz!). Minsan may mga ganitong eksena, di na magpapraktis, kasi alam na ang kanta. Pero pag-nandun na sa eksena, hala! kung hindi nakalimutan ang lyrics. Sintunado at nahuhuli naman sa minus one. Tandaan, lahat ng mga magagaling umawit, nagpapraktis yan. Mapa-Regine V., Sarah G., Charice P. at iba pa. Nag-eensayo yan, para dun palang sa rehearsal, maaari na nilang itama o baguhin ang mga mali nilang nota.

    Sa huli, di man ako makuha. Okay lang sa akin, ang mahalaga sumubok ako. At hinarap ang kahinaan ko, hindi man ako magtagumpay sa pagkanta. Alam ko sa ibang bagay ay may nakalaan na plake at tagumpay para sa akin.