Muli na namang nagpaalam si Haring araw at hindi ko namalayan ang kanyang paglubog. Masyado na palang napatagal ang aking pagkakaupo sa lumang tumba-tumba. Ilang paglubog na ba ang dumaan? Pero nanatili pa rin akong nakaupo, nakatanaw at nag-iisip. Wala pa rin namang nagbago, nanatiling payak ang paligid at normal ang takbo ng mga araw. Maraming haka-haka, guni-guni at imahinasyon ang tumakbo sa kakapiranggot kong isipan. Hinayaan ko lang ang mga iyon at wala pa akong planong buksan ang kinalawang na kandado ng aking utak.
Isang araw. Isang oras. Isang minuto. Isang segudo. Lahat ay nagkasundo, binalya ang pintuang nakasarado, Malakas. Marahas at doon ay wala akong laban. Sa isang iglap sila'y nakalabas, sa isang kisap silay nagkalat sa aking sahig. Mga matang may pagtatanong, inis, lungkot at saya. Ang iba'y narinig ko pang nagmura, nangutya at nangaral.
Kusang kumilos ang aking mga kamay, unti-unti sila'y aking pinulot at binuo. Lahat ng mga imahinasyon at halusinasyon ay muli kong binuhay at inilatag sa gusot na papel. Hindi ko namalayan, nagsisimula na ulit akong tumipa. Binuo ang mga titik at ginawang salita, at ang mga salita'y naging pangungusap na nagtapos sa isang kwento.
PS. sobrang namiss ko ang pagsusulat... ehe.. :P
Biyernes, Agosto 2, 2013
Katawang Lupa
Mga etiketa:
fiction,
personal moment..,
thoughts of mine
Lunes, Pebrero 25, 2013
SEASON of FIREWORKS
Hindi ko alam kung anong meron sa fireworks, pero lagi akong may memorable experience sa kanila. Minsan pangit, minsan maganda.
-------------------------
February 20--
“Tara gala tayo.” yaya mo sa akin. Sabado naman
kaya naisip ko na sumama na rin.
“Saan tayo?” tanong ko.
“Mall of Asia. Balita ko, magkakaroon ng magandang
fireworks doon.” Nakangiti mong sabi sa akin.
“Mall of Asia?” napaisip akong bigla pero pumayag rin naman ako. Sabagay hindi pa naman ako nakakapunta
doon.
Alas-sais….
Masakit na ang mga paa ko sa kalalakad. Ganito pala
kalaki ang MOA at sobrang dami ng tao. Ilang minuto pa ang lumipas,
bigla mong hinawakan ang aking kamay. Ikinagulat ko iyon, napatingin ako sa
iyo, pero ikaw ay hindi.
“Tingnan mo… magsisimula na.” agad akong napatingin sa
langit. Bigla itong nagliwanag, iba’t-ibang kulay. Kay gandang tingnan, para
akong bata na natulala sa aking nakita. Bakit ganito ang pakiramdam ko, may masaya,
may kilig.
Kung ang lahat ng liwanag na ito ay wishing stars. Maaari
siguro akong humiling. Kung pwedeng wag matapos ang sandaling hawak niya ang
aking kamay.
(hiram mula kay Mr. Google)
Biyernes, Pebrero 22, 2013
Coffee, Bus, Opis
May mga araw na magkasabay tinatamad ang utak at kamay.
Walang maisip na isulat, dahil walang ideya. Mahirap pigain ang utak lalo na kung walang
mapiga. Kung sakaling dumating ang ideya, kamay naman ang tinatamad. Kahit na
hilahin mong pilit, hindi ito titipa.
Ukinam! Wala na naman akong maisulat. Blanko, lutang,
sabaw. Kahit sinisipag ang mga daliri sa
pagtipa. Wala naman mailabas ang utak. Mahirap magpanggap na manunulat ka.
Paano wala naman ideyang umiikot sa isip ko. Kung meron man, kulang naman ito.
Coffee Shop
Naranasan ko yung
tipong nasa kalagitnaan ka ng pag-inom ng kape. Bigla ilalabas ang bolpen,
sabay hagap sa tissue at susulat. Isa, dalawang pangungusap… Huwaw! Parang
kwots na iyon. Pero ang babaw lang. Inom ulet ng kape. Lagok pa ulet. Wala
talaga. Teka, taympers muna, kelangan ko ng break. Iyong tissue na sinulatan
ko, wala na. Basta pagbalik ko wala na. Di ko alam kung nilipad ng malakas na
aircon ng coffee shop o may kumuha. Walastek talaga!
Okay balik ulit sa pag-inom ng kape.
Maya-maya may ideya ulet. Hagap ulet ng tissue, okay na ito. May masisimulan na
ako. Pero hanggang simula lang. Wala pang wakas.
Bus
Sasakay sa bus, hahanap ng hindi mainit na pwesto. Takot
kasi sa araw. Sayang ang papaya soap na ginagamit kung matatamaan lang ng araw ang balat. Muni-muni muna habang umaandar ang bus, habang patuloy sa pagsakay
at pagbaba ang mga pasahero. Maraming tinig ang maririnig, komento ni ganito,
tsismis ng dalawang ulupong na magkatabi, at kung anu-ano pa. Bigla may ideyang papasok, lakas
makapagbigay ng ideya ang mga pasaherong ito. Hindi uubra ang bolpen at papel,
magiging kinalahid ng manok ang sulat ko. Ititipa ko nalang sa aking selepono,
presto! May maisusulat na naman ako.
Opisina
Bubuksan ang kompyuter, titingnan kung may mga mensaheng
dumating sa elektronikong liham. Maya-maya itake ng pagkatulala. Lumipad kung
saan, palibhasa’y maaga pa. Wala pa ang mga boss. Pwede pang pumetiks. Sinalpak
ang earphone sa magkabilang tenga. Maigi ito, hindi ako mababaliw sa
katahimikan. Rock song ang trip. Umagang-umaga nga naman. Sabay susulat sa
isang memo pad. Kahit ano… basta tuloy-tuloy lang ang sulat. Tumigil ako, lumingon sa paligid…
marami na palang tao. Hindi ko namalayan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)