Huwebes, Setyembre 6, 2012

Lunod.......



Nagsimula na akong malunod sa isang lugar na hindi ako pamilyar. Kung saan walang sinuman ang makaririnig ng aking sigaw. Gusto kong kumawala… gusto kong putulin ang bakal na nakaposas sa aking mga kamay. Pakiusap alisin niyo ako rito…. Pakiusap….Natatakot na ako dito… Pakiusap…

Alam mo ba ang pakiramdam na halos wala ka ng maramdaman. Hindi lang katawan mo ang manhid… pati na rin ang utak. Kelan ko lang naman ito naramdaman…

Gabi yun… pero hindi ko matandaan ang eksaktong oras. Alam ko na masaya pa ako ng mga oras na iyon. Kasama ko siya, magkahawak kami ng kamay. Paminsan-minsa’y nagtatawanan pa kami sa biruan na hindi naman nakakatawa.

Bigla bigla nalang… may mga lumapit sa amin. Apat sila… alam kong apat sila. Pero hindi namin sila kilala. Hinawakan ako ng isa sa kamay, pero pumalag ako. Ipinagtanggol niya ako… sa simula’y tulakan lang… palitan ng salita. Maya-maya pa’y nagpapalitan na sila ng suntok at tadyak. Wala akong magawa, Hawak-hawak ako ng isang kasama nila. Namanhid na ang katawan ko sa pagmamakaawa sa kanila.

Akala ko’y tumigil na sila. Napuno ang paligid ng maraming tawanan. Nabibingi na ako, gusto ko na silang takasan. Isang malakas na tunog… nagmula sa isang matigas at malamig na bakal. Kitang-kita ko kung paano… nagsimula ng umagos ang pulang likido sa sahig.

Malamig… biglang lumamig ang paligid. Walang boses ang ibig lumabas sa aking bibig. Tanging mata ko lang ang nangungusap. Yakap-yakap na kita. Di ba iyon ang gusto mo, ang lagi mo kong yakap. Pwede mo na akong yakapin kahit kelan. Pakiusap…

Unti-unti na akong nalulunod…. Pakiusap… Alisin niyo ako rito… Pakiusap….



3 komento:

  1. hindi nga naman kanais-nais 'yung ganitong sitwasyon.. parang sudden burst of emotion.. trauma.. pagkablangko..

    naranasan mo na ba 'yung habang nagmamaneho ka, nawala ka sa focus sa daan pero nagulat ka na lang nakarating ka na sa pupuntahan mo? ikaw 'yung nagmamaneho ha? at lalong hindi ka tulog.. hehe

    TumugonBurahin
  2. Madalas akong managinip ng puro anger. Tapos parang nakukulong ako, pag gusto kong sumigaw sa panaginip wala akong boses tapos basta hindi malaya.

    TumugonBurahin
  3. @kuya Jess...naransan ko na rin yan.. pero hindi sa driving.. yung naglalakad ka tapos lutang ka pero nakarating ka sa dapat mong puntahan...

    @monik.. madalas rin mangyari sa akin yan...di ka nag-iisa sa ganyang pakiramdam..

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa