Sabado, Hulyo 30, 2011

"Luha..... at Paa"

Sa pagdaloy ng luha,
Sapat na bang kabayaran.
Pagsagip sa pusong,
Naghihingalo at sawi.


Pilit binubuhay,
At lalong bumangon.
Mahawakan ng mahigpit,
Kamay na lilisan.


Sa pag-apak sa pintuan,
Puso’y lumalaban.
Sa pagtaas ng kamay,
Hudyat ng paalam.


Hahabulin ang alaala,
Hahabulin ang ngayon.
Tumatakbong mabilis,
Sa papalayong anino.


Ang luha at paa’y,
Kapwa magkasabay.
Matulin at patuloy,
Sa pag-ibig na lalayo.

Ang tulang ito ay kalahok sa "Luha mo Pakontes ko" by Iya_khin.... :D

8 komento:

  1. sad naman....iniwan....haaay....salamat sa iyong pagsali...bigla akong napaisip sa iyong tula...at bigla akong may naisip..kung ano...sektong malupet!

    salamat uli..pakilink nalang po itong post mo sa post ng pakontest ko..no.8

    TumugonBurahin
  2. Mabuti naman at sumali ka rin..Good luck din sa iyo..

    TumugonBurahin
  3. @ iya: tenshu at napabilang din sa listahan... panu ko nga pla gagawin ung link na iyan.. aitz..!

    @ kuya arvin: salamat.... good luck sa atin dalawa... :D

    TumugonBurahin
  4. wow ma emo na tula, buti k p nkagawa, ako di ko pa rin matapos tapos akin..hahaha! good luck!

    TumugonBurahin
  5. Ah... entry mo for Iya's contest. Hehe.. Ayos ah. Good luck! :)

    TumugonBurahin
  6. nice ang galing ng entry na ito. hehehe. ^_^

    TumugonBurahin
  7. @monik... ehehehe... ganyan talaga..
    @mommy.... emo ba....hehehhe basa ko na gawa u... ang galing mo.. gudluck!!
    @leah... tenshu.... happy blogsarry sa iyo...:D
    @kikilabotz... tenks sa pagbasa.. :D

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa