ko Noong bata ako, madami akong paboritong pagkain. Kaya lang siyempre, can't afford ako, dehins naman kami iniiwanan ng pera ng parents ko. Madalas lutong pagkain o kaya sila nalang ang bibili. Kaya ako ginagawa ko dati, para may pambili ako ng kutkutin, nilalambing ko si tatay. Sasabihin ko "Tay, gusto mo bunutan kita ng puting buhok?" sabay sagot ng tatay ko "Magkano ang hihingiin mo?" pero nakangiti.... hehehehehe... Basta matapos ko lahat ng bunot, meron na akong dalawang piso (malaking halaga na iyon dati, madami ka ng mabibiling tsitsira noon...).
1. Royal True Orange ( iniinom ko dati ito kapag may sakit ako, at ang commercial na "Ito ang gusto ko" sung by Francis Magallona) 2. 7 Up ( love ko dito si Pido Dido.. hehehehe, may damit pa ako na ganito dati.) 3. Milo at Nido (ito ang tandem na inumin namin dati, ayaw ko na purong gatas kasi dati.) 4. Pepsi (may nauso dati yung Pepsi blue, masarap din yun) 5. Fanta (ay! peborit ko ito, noong unang labas ito, masyado nawili ang mga bata dito. Para rin siyang softdrinks, pero may iba't-ibang kulay.) 6. Cali (ito ang unang inumin na sabi nila ay malalasing ka. Pero bakit noong uminom ako, parang wala naman nangyari..... heheheheh...) 7. Sarsi (ang alam ko pinapainum ito sa akin ng aking ina kapag masakit ang tiyan ko noong bata pa ako... di ko rin alam kung bakit?) 8. Ovaltine (chocolate drink, ka-kompitensiya ng Milo) 9. Bear Brand (ays!... ayoko nito dati, iba lasa niya sa ibang gatas. Pero ngayon, nag-improve na ang lasa nila) 10. Sunkist (dati ang balot nito ay tetra pack na square, tapos lasang orange talaga.) 11. Coca Cola (hay.... all time peborit natin lahat.... Coke kung coke... ^^) 12.Zesto (ang juice ng bayan... lagi ito ang baon ko sa school, na halos ikapurga ko na....hehehehe) 13. Scramble (akalain mo yun, medyo pinasosyal na ang scramble ngayon. Dati kay manong lang kami bumibili nito, yung natitinda sa labas ng school, na halos tagataktak ang pawis niya sa paghalo.) 14. Sprite (kapag nauumay ka sa kinain mo, yan ang inumin mo sprite... di ko rin alam kung bakit? Ganyan kasi ang ginagawa ni ina sa amin) 15. Birch Tree (It's everybody's milk! ito ang gatas na paborito ko... dati creamy siya, ngayon di na masyado) 16. Sago't Gulaman (kahit saan lugar ka mapunta, lagi kang makakakita ng nagbebenta ng samalamig, at ang popular dito ay ang sago't gulaman. Dun sa binibilhan namin sa labas ng school, nilalagyan pa nila ng maraming yelo) 17. Yakult (Okay ka ba tiyan! naalala ko, tuwing uuwi ang parents ko galing work, lagi kaming may pasalubong na yakult. Limang piraso sa isang pack, since dalawa kaming magkapatid, tig-dalawa't kalahi kami...) 18. Pop Cola (cheaper version ng Coca Cola)
1. Frutos (ang kendi na binibili namin sa titser ko na dalawang piraso piso.) 2. White Rabbit (masarap ito, caramel na may milk. Yum yum yum... pero natigil ako kumain nito, noong nabalita na may something sa kendi at na ban.) 3. Lala chocolate (since can't afford kami bumili ng mahal na chocolate, siya ang sagot para sa mahihirap.. ehehehhe.. P2.50 lang isang banig dati, ngayon di ko na alam ^-^) 4. Tootsie Roll (noong napunta ako sa mercury drug... nagulat ako at nakakita pa ako ng kendi na paborito ko noon... akala ko dati wala na talaga ito.) 5. ChocNut (aitz... di ka Pinoy pag hindi mo ito kilala) 6. Cheese Ring (alam ko may free itong laruan.. yung pagbinaliktad mo siya, ay tumatalbog.... di ko alam kung tama ako... basta may free itong laruan) 7. Bazooka (ang bubblegum na ubod ng tigas pagkinain mo... may free comics yan sa bawat bili mo, pero ako di ko nakumpleto yang comics na yan.) 8. Pee Wee (dati may ta-pipiso ito kasamahan siya ng Ritchie at Cheez It) 9. Snacku (hay... ako'y nagsawa sa junk food na ito. Paano ito lagi ang ipinapapasalubong sa amin ni nanay. At madalas mong mapapanood ang commercial nito every sunday lalo na kapag may mga sentai na palabas...) 10. Mighty Mouse (ang candy na hugis mighty mouse, may cola, strawberry at milk flavor) 11. Cornbits Cornick (dati may tag-pipiso nito, tapos lalagyan namin ng suka, kalahati nung plastic.. tapos ibababad namin iyon. Kapag naubos na namin ung laman, saka namin hihigupin yung suka...^-^) 12. Tira-tira (naabutan ko ito, na sa foil pa siya nakabalot. Na halos sumakit na ang panga mo sa pagkain nito sa sobrang dikit sa ngipin or sobrang tigas.) 13. Mik Mik (masarap ito, kaso nakakahirin kasi gamit mo straw para makain siya) 14. Humpy Dumpy (unang labas nito ung sweet corn flavor na kapag binuksan mo, lalo na sa aircon room ay aalingasaw ang kakaibang amoy... hahahahhaha)
1. Pritos Ring (madalas inilalagay ko ito sa limang daliri ko at saka ko siya kakainin.) 2.Stork candy (noong bata pa ako, gusto ko ito kasi mahiluhin ako sa biyahe kaya ito ang binibili ng nanay ko sa akin. Di ako sasama sa malayuan na biyahe, kapag wala nito) 3. Ovalteenies (masarap ito, ovaltine na ginawang candy) 4. Pretzel ( gusto ko ung mga ginugupit sa likuran ng box nito. Tapos bubuuin mo, pagkatapo noon may instant laruan ka na.) 5. Nutri Star (isa rin sa pinagsawaan ko, kapag walang nabili na snacku si nanay, eto ang kanyang second choice) 6. Iced Gem (biskwet na may matigas na icing sa ibabaw. Una kong kinakain ung biskwet, tapos huli ko kakainin ung icing.) 7. Nips (since di pa masyadong patok sa amin ang M & M at dahil mahal na rin. Kay Mr. Nips kami nakadepende.. hehehehehe masarap rin naman siya lalo na ung may peanuts.) 8. Coin Chocolate (ito ung chocolate na may balot na gold foil, na akala mo tutuong gold coin.) 9. Viva candy (ang candy na caramel... huli ako nakakita nito, ibinigay noong ka-MU ko... pinakatago tago ko pa... pero sa huli binigay ko sa kaibigan ko na nauumay at kailangan ng matamis na kendi. T-T) 10. Oishi (kasabayan ito ng snacku, natural iisa lang ang company na gumagawa nito, third choice ito ni nanay kapag wala yung snacku at nutri star) 11. Dinosaur biscuit (madalas ito ang binibili ni nanay at ibinabaon namin sa skul)
1. Rebisco Cream (naku!... dumating sa punto na naumay kami sa biskwet na ito.) 2. Smarties (na-adek din ako dito, lalo na ung takip niya kailanan mong buuin na S-M-A-R-T-I-E-S) 3. Moo Moo Candy (kelan lang nakakita ako nito, akala ko face-out na ito. Masyado akong natuwa at binili ung tinda ni ate na moo moo candy.) 4. Yan Yan (ito ung stick na ididip mo sa chocolate) 5. Kropek (hay naku, ang sarap nitong papakin tapos isasaw mo sa suka.) 6. Nissin Butter Coconut (masarap ito, isa sa mga peborit kong biskwet) 7. Goya (di pa gnito ang packaging nito dati, abot kaya na chocolate ) 8. Sunshine (ito yung green peas na coated) 9. Tomi (mabenta rin ito dati.) 10. Karyoka (itinitinda sa school canteen, pero di ko feel) 11. Palitaw (ang pagkain na lumulubog at pag naluto ay lilitaw...)
1. Yema (ay napakatamis!... pero masarap) 2. Pop rice (madalas ako bilhan nito ni tatay.. parehas kasi namin peborit) 3. Chees curl ng magbobote (dati kapag dumadaan ang magbobote sa amin, madalas niyang ipinampapalit sa bote ay ang chichiria). 4. Fish cracker (masarap ito lalo na yung maanghang... tapos lalagyan ng suka. Kaso napabalita na kapag ginagawa daw ito eh,inaapak-apakan.) 5. Pianono (tinapay na..mabubulunan ka... di ko alam kung bakit? everytime kumakain ako nito, nahihirinan ako.)6. Inipit (sarap nito! ^-^) 7. Fishball (bakit kaya masarap ang sauce ng fishball na nilalako, kaysa kapag home made lang...Masarap din itong iterno sa malamig na gulaman^-^) 8. Banana/Kamote Que (masarap lalo na kapag bagong luto at iterno sa malamig na Coke ) 9. Merengue (ito yung icing na pinatigas, sa tindahan may nagbebenta nito ng patingi tingi.. piso ang isa...) 10. Pilipit (ang tatay ko kahit pustiso na ang ipin niya... napakahilig dito...)
Birch Tree, it's everybody's milk. Familiar sayo ang TV ad na iyan?
TumugonBurahinPeewee ang paborito kong junkfood.