Sabado, Mayo 28, 2011

M.U. (Magulong Usapan)

Bakit biglang nagbago?
Wala na ang dating lambing...
Walang text o tawag...
Hindi ko ito agad naramdaman..
Ang iyong paglayo sa akin...


Pagod na akong maghintay
Sana'y sinabi mo na lang ng harapan
Pagka't ako ay madali naman kausap
Hindi ko ipipilit ang sarili sa iyo...
Sabi ko na nga....
Walang patutunguhan ...
Ang M.U.... ay magulong usapan...

Sinabi mo pa noon
"Palagay ko'y magtatagal tayo"
Ngiti lang ang aking tugon...
  At saka sumagot ng Baka nga...
Totoo ka ba sa nararamdaman mo
O' ako'y ginagamit mo lang..
At ako'y nagpapagamit lang...

Ako'y nalulungkot para sa'yo
Sabi mo ay masaya ka....
Pero ang totoo'y malungkot ka...
Hindi mo lang inaamin...

Sarado ang puso at isipan mo
Mahal mo lang ang sarili mo
Hanggang kailan ka ba ganyan...
   Hanggang kailan.....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa