Biyernes, Mayo 20, 2011

Isang dipang pagitan

Pagitan ay isang dagat...
Kahit hindi nakikita...
Tangay ng hangin ang nararamdaman...
Patungo sa iyo....

Bulong ng hangin
Samyo ng pag-ibig
Sa pagitan ng malayong isla
Ang pangako mo pa rin ang hawak...

Malayong lakbayin
Patungo sa iyong kinalalagyan..
Ang makasama kang muli...
Ligaya sa aking puso...

Sa daluhong ng alon
Pumipigil sa aking pag-usad
Puso'y lumalaban
Upang makasama ka.

Ako'y maghihintay
Sa iyong pagdating
At muling bumalik
Sa pusong naghihintay....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa