Biyernes, Mayo 20, 2011

ULAN

May pait sa mga ngiti
Mugtong mga mata
Pilit kinakaya
Ang mga araw na lumilipas

crying under the rain



Pagpatak ng luha sa mga mata
Alaala ang tumatakbo sa isipan
Dalamhati at panghihinayang
Sa mga araw na nasayang


Papawiin ang luha sa iyong mga mata
Sa pagpatak ng ulan puso ay gagaan
Ang hangin ay yayakap ng buong higpit
Kasabay sa pagtila ng ulan
Mawawala ang pait..

Asahan mo
Ikaw ay aking sasamahan
Sa paglubog at pagsikat ng araw
Nawa'y makita ang mga ngiti sa iyong mga labi....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa