Huwebes, Hulyo 3, 2014

Random Tots!

Habang pinipilit ko ang sarili na muling bumalik sa pagsusulat. Nariyan naman ang iba't-ibang pagsubok na siyang nagpapa-udlot sa aking pagsisimula. Pero sino nga ba naman ang makakapigil sa mahiyain kong pananaw... (Itaas na ang kamay at ng masaktan!) dyuk!

Malapit-lapit na rin mag-isang taon ang blog na ito na walang update, na kung tutuusin ay marami naman akong naitambak sa aking DRAFT pero hindi ko magawang ipost.... hay... buhay....

Okay, bago ako muling bumalik sa mundo ng blog. Dapat magflashback muna ako sa mga nangyari sa akin noong nakaraang taon.

Busy Mode, Work Mode

Ewan ko ba, bigla kaming dinumog ng events at mga events pa. Eto ang pinaka-isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako makapagsulat. Bukod sa pag-atake ng katamaran ko. ehe! :D

Personalan

Natupad din yung pangarap ko na makasakay ng airplane, matatakan ang passport at makapunta sa malayong lugar. First trip, first flight bound to Singapore! Magkahalong excitement, kaba na parang may butterflies sa tummy ko.. hahahahahaha.... muntikan pa akong di makasakay dahil sa higpit ng IO dito sa atin. Samantalang sa SG isang ngiti ko lang sa IO, tinatakan kaagad-agad ang passport ko. ehe! :D

Lovelife

Eto yung bagay na dapat ihuli sa flashback eh. Wala naman kasi akong update pagdating sa ganitong issue. Pero okay lang, solb naman ako sa career, kahit medyo busy.

Sa ngayon, sana... sana... at isa pang sana... makapagsulat akong muli. Kahit pasulpot-sulpot lang, as in sisikapin ko... (cross fingersssssss...) ehe!.

3 komento:

  1. hanggang ngaun hinhintay ko pdin ung ksunod ng fireworks...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ehe... para sa iyo... bubuhayin natin ang Season of Firework na yan... :D manalig ka lang... na huwag akong tamarin... hahahahha..

      Salamat sa pagdalaw!

      Burahin
  2. nakaka relate ako dito girl, kahit puro draft try lang ng try. pag nabuo mo na at pasado na sayo, gora na sa post. for sure madaming matutuwa sa bagong entry mo.

    TumugonBurahin

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa