Alam mo ba kung ilang beses na akong lumuha sa iyo?
Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang lahat?
Fair naman akong lumaban,
Hind naman ako nanlamang ng kapwa.
Hindi rin ako naging selfish.
Pero bakit ako ang umiiyak?
Nasasaktan?
Ang akala ko, ako na ang panalo,
Namalikmata lang pala ako.
Nakita ko ang sarili ko,
Naiwan sa dulo, hindi makakilos, nakatanaw lang.
Gusto kong tumalikod at tumakbo ng mabilis
Palayo sa iyo, palayo sa sakit.
Hindi na kasi kaya ng puso ko,
Unti-unti na kasi itong bumibigay.
Baka pwede mo naman isalba?
Talian at hawakan kahit panandalian lang.
O kahit ako nalang ang humawak sa iyo.
Saka nalang ako bibitaw, kapag kaya ko na.
Kapag hindi ko na nararamdaman ang sakit...
PS. lol! di ako broken hearted... (nag-explain bigla.. GUILTY!) masyado lang naging madamdamin sa kwento ng aking kaibigan...
Sabado, Nobyembre 10, 2012
Linggo, Nobyembre 4, 2012
Di lang halata....(DOODLE)
Ohayo!!!!!!
Nagwawalis-walis lang ako ng mga alikabok at agiw dito sa aking tahanan. Medyo natagalan ang aking pagbabalik. Ilang linggo rin napuno ng sabaw ang aking umaalog-alog na utak. Dahil diyan hindi ako nakasali sa SBA 2012. Anyways...... heto na ulit ako, sabaw pa rin ang utak. Pero may mga bagay akong pinagkaabalahan, nitong mga nakalipas na araw.
Feel na feel kong mag-aksaya ng ballpen ink noong mga panahon na sabaw ako. First time kong gagawin ang pagpost ng aking gawa, dahil wala na akong maisip ilagay. Heto at makikita na rin ng madlang pipol (umaasa lang.. hahahahahha..) ang aking obra maestra (Charot!).
At dahil inggitera lang ako, gumawa rin ako ng doodle. So far, okay naman ang kinalabasan....
JA MATA!

BATO-BATO PIK
DO THE DOODLE
EMOSYON
MUSIKA
CRYING OUT LOUD
(inabot ako ng tatlong araw sa pag-photoshop gamit ang pen tool)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)