Pitumput - pitong tupa.... pitumput - pitong tupa.. pitumput - pitong tupa.... enaf! nabubulol na ako.
Pitong buwan na pala akong nagsusulat dito sa blogosperyo... wala lang may masabi lang. Noong una, sikretong malufet itong blog ko. Ayaw ko isa publiko. Hanggang napilit ako ng isang kaibigan sa kabilang dimension (hindi multo.. loko), frend ko sa net. Ilabas ko daw, para mabasa. Ang sa akin naman, wala naman mapupulot dito. Kundi ka-emohan ko, at kung ano-ano pa. Sabi niya, kahit na. Hanggang inilabas ko na nga, at heto na nga ako ngayon. Sumusulat pa rin... kahit minsan wala ng maisulat... ehe...
Pitong buwan na akong sumusulat (paulet-ulet noh), pero ngayon ko lang ikakalat ang masangsang kong anyo (tama ba.. amoy ata ang dapat). Para naman kahit papaano, ay may malaman din kayo tungkol sa akin. Pinag-isipan ko itong mabuti... kung sure na ako sa taktika ko na ito. Sa isip ko wala namang masama. Try lang natin, kapag may pumalag. Istafet na... ehe!
Heto yung isang buong araw kong ginugol. Upang ilista yung mga bagay na tungkol sa akin. Yung opinyon ng iba at kwento ng magulang ko sa akin. Ang lahat ng ito ay mababasa nyo maya-maya lang. Pagpasensyahan, rambol-rambol ito. Kung ano ang unang pumasok sa isip ko, yun ang inililista ko. Uunahin ko na ang paghingi ng pasensya, kung may mga bagay kayong mababasa na hindi akma sa inyong mata.
Ako nga ito!
Ø Ipinanganak ako noong Oktubre 2, 1984.
Ø Meron akong birthmark na hugis mapa ng Pilipinas sa kanang binti.
Ø Dalawa lang kaming magkapatid. Panganay ako.
Ø Anemic ako. Sa katawan kong ito. Kulang pa pala ako sa dugo. Lels!
Ø Muntik na akong isilang kahit 8 months palang ako sa tiyan. Sabi ng nanay ko.
Ø Takot ako sa ipis, tipaklong, gagamba at iba’t-ibang insekto, except paro-paro.
Ø Hindi ako takot sa multo. Mas takot ako sa mga kriminal na gumagala-gala.
Ø Second honor ako noong kinder at first honor noong nursery.
Ø Sumali ako ng Ms. Kinder at Ms. Nursery… sa awa ng Dios… parehas 1st runner up ako. Kulang ako sa bentang ticket eh.
Ø Nasubsob ang mukha ko sa kalsada at nagkaroon ng malaking sugat. Kagandahan, dahil malapit na ang Ms. Kinder parade.
Ø Kinder ako ng makareceive ako ng first love letter. (hong landi lang.. :D)
Ø Nursery nag- start na ma-torture ang brain cells ko. Pina-memorize sa akin ng magaling kong titser ang isang yellow paper at back to back na speech.
Ø Section 1 ako from grade 1 to grade 4… (di ako matalino.. naligaw lang ako sa section na iyan.lels!)
Ø Demoted ako from section 1 to section 2 noong grade 5 to grade 6… (sabi sa inyo ligaw na damo lang ako sa section 1 :D)
Ø Grade Six ako ng magkaroon ako ng 1 day boyfriend. (hong landi talaga :D)
Ø Elementary days ng ipinagsigawan ng klasmeyt ko na magaling daw ako magdrawing. Gusto ko siyang dagukan ng mga oras na iyon.
Ø Grade 2 ng ma-Lost and Found! Ang bag ko.
Ø Miyembro ako noong Grade 2 ng Folk Dance Troope. Umayaw din ako, dahil sa nahuhuli ako sa klase.
Ø Fashionista. Araw-araw ay iba-iba ang aking headband.
Ø Hindi ako mahilig sa recitation. Mas gusto ko ang written exam.
Ø Hate ko ang Math subject.
Ø Science and Art ang favorite subject ko. Isama na rin natin ang recess.
Ø Grade 1 to 6 ay may tricycle service ako.
Ø Grade 6, first time ko sumama sa isang field trip. Cavite at Tagaytay ata iyon.
Ø Daddy’s girl ako.
Ø Mas marami akong friend na lalaki kaysa sa babae. Boyish daw ako sabi nila.
Ø Sa buong taon ng elementary 10 lang ang masasabi kong close friend ko.
Ø Di ako mahilig sa “picture-picture” noong elementary ako.
Ø 85% ang grade ko sa NEAT exam.
Ø Umiyak ako noong first menstruation period ko. Di ko rin alam kung bakit.
Ø RIZAL HIGH SCHOOL MAIN ako nag-hayskul (Main kasi maraming branch ang Rizal High noon)
Ø First year high school ako ng magkaroon ng serious o puppy love boyfriend (sabi ko lang un), siya yung nagbigay ng loveletter sa akin noong kinder.
Ø High school ako ng madiscover na may talent pala ako sa singing.
Ø Heart broken. Pers taym ko maramdaman un. Isang linggo akong umiyak.
Ø Figurine ang natanggap ko sa unang monthsary namin. May nakasulat na I Love You.(ayiiiiiii.....)
Ø 1st year & 3rd High School pang evening class ako. At may tricycle service din.
Ø 3rd year high school first time ko mag-cutting classes.
Ø Crushes. Buong high school year 6 lang ang naging crush ko. Hindi rin ako mahilig magsabi ng crush sa mga dabarkads ko. Kaya hanggang ngayon sekretong malupet ko iyon.
Ø First holding hands ko noong 2nd year high school.
Ø First kiss ko noong 3rd year high school. (hong landi landi talaga)
Ø Eskapo. 15 years old ako ng nagtry ako maglayas. Pero isang araw lang yun. Bumalik din ako sa haus namin pagkatapos ng realization.
Ø Red 69 at 72. Grade ko sa Math at Science noong 3rd year high school. Ang sakit sa mata tingnan. Partida final grades ko yan.
Ø Summer class. Dahil bagsak ako sa Science. Kailangan kong pumasok ng make up class sa panahon ng bakasyon.
Ø Back subject. Habang nag-aaral ng regular subject sa 4th year. Sa hapon ay may back subject ako sa Math. Tatlong titser ang dumaan sa akin.
Ø Miyembro ako ng Rondalla club at tumutugtog ng Octavina at Banduria. Nag-aral din ng konting gitara.
Ø High school ng magka interest ako dito. 4th year ako ng makatanggap ako ng gitara. Regalo sa akin ni Mudra. Para hindi na ako magbulakbol.
Ø Tres Marias ang pangalan ng bandang itinayo namin. Tatlo kaming babae. Pero di rin nagtagal ang grupo.
Ø Mahilig ako sa anime, manga, at culture ng Japan.
Ø NSAT. Bagsak ako sa exam na ito. Okie lang di naman require na ipasa ito.
Ø Class officer. Ayaw ko nito. Pero madalas akong mapunta sa PRO at Vice President. No choice binoto ako.
Ooops! Hanggang diyan nalang muna. Itutuloy ko sa susunod na sinipag ako. Ehe!.. Hanggang sa muli!..