Huwebes, Hunyo 23, 2011

IF I DIE YOUNG......

If I die young, bury me in satin
Lay me down on a bed of roses
Sink me in the river at dawn
Send me away with the words of a love song

Natawa akong bigla ng marinig ko ang lyrics na ito... in fairness naman.... napaisip na naman ako.... Nakakatuwa kasi talagang may request pa ang babae kapag siya'y mamatay ng bata. Naalala ko tuloy si Julie Vega noong bago siya mamatay, nagrequest din siya kung ano ang isusuot niya sa araw ng kanyang paglisan, (scary......). Bigla din pumasok sa isip ko ang aking ina, sabi niya gusto niyang kanta sa araw niya ay "Broken Vow" anak ng fufu  naman... sabi ko wag ganon... Pero kung gagawa ako ng sarili kong request ito iyon...

If i die young... pero tingin ko malabo mangyari.. masamang damo daw ako sabi nila.

1. Gusto ko ay nakapula akong dress, bakit? Wag mange-alam peborit kolor ko ito, basta red dress. Para maiba naman sa kinaugaliang white dress.... :))






(Oh ha!... nice ang dress... di kaya masyadong malaswa kung ganito ang suot ko... hehehhe)






2. Gusto ko maganda ang make-up ko, yung uso ngayon, nude make-up. Ayaw ko noong parang natutulog lang, basta nude make-up. Atsaka ternuhan na din ng red cutex both finger and toe nail (ooopppss... no question na.. basta ganyan ang gusto kong kulay...)

























3. Sa higaan bahala na si nanay dun, alam naman niya ang taste ko... hehehehehe.... Gusto ko din, may malaki akong picture na nakaphoto frame, bahala sila kung ung picture ang gamitin. Kung yun bang graduation pic ko o lastest picture ko ngayon, basta yung photogenic ang itsura ko at hindi talikogenic.







(syempre hindi ako ito...echos!.... nakiamot lang ako.. for sampling lang yan...)






4. Sa kanta di naman ako mapili, basta yung mga peborit song ko lang... toka na iyan ng Big brod ko...Para tuloy gusto ko ibilin na mei alternative rock music.... o kaya heavy metal.. para di naman iyak at bow lang ng bow sa mga kanta.... (bow ng bow... kasi natutulog na....heheheheheh:p)


5. At sa misa, gusto ko lahat may speech para sa akin, tungkol sa mga kalokohan ko at yung mga maliliit kong nagawang mabuti ... hehehehehe (napaisip tuloy ako kung meron nga ba?) Anyway.... going back... at habang may nag-speech, ayaw ko ng may naiyak.. gusto ko masaya nilang pakinggan ang mga ginawa kong katarantaduhan dati... insulto naman kung iiyak kayo para dun di ba... Kaya dapat SMILE! kasi gusto ko din ipavideo ang lahat ng mga pupunta.


 Tiyak ko naman na magpproject kayo kapag nakakita kayo ng cam... at panigurado mei mapipili tayong best actress and actor... teka di ba dapat kasama din ako diyan....pangarap ko pa naman maging artista... :D

6. Sa huli ayaw ko pa din ng may umiiyak, pagsabihan niyo muna ang inyong mga mata na pigilin ang luha niyo. Kapag nakauwi na kayo sa inyo, saka kayo ngumalngal.... tingnan ko lang kund di kayo pag-isipan ng kasama niyo sa bahay na baliw hehehehehe.... Pero siyempre di mo gagawin yun, bakit? wala na ang moment eh... ano pa iiyak mo....echos!...

Ayan... tandaan mo yan ha... ayaw ko ng may memory gap ka ha.... babush!








 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ugaliing mag-comment pagkatapos magbasa