Madalas akong tumatambay sa foodcourt ng isang mall... (di ko na sasabihin kung anong mall... at baka puntahan niyo pa... charot!..hihihihi). Sa madalas na pagpunta doon, kahit madaming kainan doon, iilan-ilan lang ang mga gusto kong kainan. Di naman ako mapili sa pagkain, pero kapag di mo trip kainin ang pagkain na iyon, di ka rin mag-eenjoy. Ang masaya lang dito.... nalilibang ang mata ko sa pagkain.. (tandaan mga mata.. hindi ang tiyan... hihihihihih)
PLATO WRAP
Madalas ko itong kainin lalo na kapag nagmamadali ako. Pwede mo siyang kainin habang ikaw ay naglalakad. Peborit ko dito ang Wrap N' Roll, mahilig kasi ako sa hotdog..... lalo na ung cheesedog (mmmm... alam ko na ang nasa isip mo.... wag mo ng ituloy... ). Masarap lalo na kapag melted na yung cheese...
TAKOYAKI
Peborit ko din ito. Lalo na yung toppings nila na fish, lasang tinapa. Tatlong katamtamang laki na hugis bilog na nilagyan ng sweet n' sour sauce, mayonaise at topping na ginayat na tinapa. Minsan nga nagtataka ako, bakit kaya siya tinawag na takoyaki... eh wala naman akong malasan na pugita sa kinakain ko... halos gulay nga siya.... (dinadaya lang ata nila ang mga customer nila... hahahaha... at isa na ako dun).
SIOMAI HAUS
Hay..... peborit ko na naman. Masarap ang siomai dito, lalo na yung maraming bawang at sili. Tapos buhusan mo ng toyo at pigaan mo ng kalamansi. Madalas nakaka-dalawang order ako nito... (oo alam ko matakaw ako... wag mo ng palakihin yang mata mo... charot!).
PAOTSIN
Ito ang madalas kong kinakain.... kapag ako'y nagtitipid pero gustong mabusog. Marami kasi ang serving ng kanin nila. Natutuwa din ako sa kulay ng kanin nila, kulay green..... (Hainanese rice yata ang tawag dun... di ko alam ang spelling... kaya pagpasensyahan niyo na...). Madalas kong orderin ay sharksfin dumpling, iyon yata ang best seller nila. Naalala ko dati, yung ex-bf ko, bigla niya akong tinanong kung bakit crab wanton daw ang tawag dun. Halos wala naman daw siyang nakakain na crab, puro pork naman daw ang laman.
BUZ BOX (Scramble)
Ito ang pinasosyal na scramble, kasi sa mall naka-pwesto. Dati ang scramble, sa labas lang ng skul nabibili. Nakikita mo si manong na tumatagaktak ang pawis, sa kakahalo ng scramble na nakalagay sa balde at para may malaking egg beater ang kanyang minamani-obra. Madalas ko dating sabihin kay manong, damihan niya ng gatas at hershey chocolate syrup. Katerno ito ng homemade fishballs na puro harina lang. Ngayon ang scramble, pwede mo ng lagyan ng iba't-ibang toppings may sago, nips, mallows at iba pa.
FRUIT MAGIC
Ang fruit shake... bow.... Pwede kang pumili ng iba't-ibang prutas, yung naayon sa panlasa mo. Ako peborit ko ang melon shake, cool ang pakiramdam parang summer na summer ang dating. Medyo nagtaas na sila ngayon, pero pasok pa din sa budget. Lalo na kung health concious ka.
MR. SOFTY
Dessert naman tayo... tipong nagtitipid ang drama ko at gusto kong malamigan. Iyon tipong nag-ccrave ako sa ice cream... (ito yung time na hindi ko carry bumili ng ice cream sa Mc Do at Jollibee.. hehehehehe ^-^) . Lalo na kapag may GC ako dito, ka-ututang dila ko kasi ang promo nito dati.
Sa sobrang dami ng pagkain dito sa Food Court, nasa iyong choice na kung saan ka kakain. Meron, package ang drama... tipong dalawang ulam with matching sabaw o dessert. Merong masarap, merong so so so.. lang... Pero ang gusto ko sa lahat... yung mga taong kumakain dito. Mahilig akong magmasid at tumingin ng mga tao.. buti na nga lang at hindi ako nasasapak kapag nahuli nilang nakatingin ako sa kanila... heheheheh... ^-^....
Ikaw anong food ang trip mo sa FOOD COURT....
(naks! ang swerte ni ate... nahagip sa camera ^-^)
Miyerkules, Hunyo 29, 2011
Martes, Hunyo 28, 2011
ALAALA NG NAKALIPAS - part three (Sugatang Puso)....
Pakiramdam ko, makulay ang paligid ko araw-araw. Ganun yata kapag unang pag-ibig at mas lalong makulay ikaw na aking Childhood Sweetheart ang aking kapareha. Natatandaan ko niregaluhan mo ako ng simpleng pang-display na may nakalagay na rosas at may nakasulat na "I LOVE YOU". Sobrang kilig ang naramdaman ko noon... kasi first time ko makatanggap ng regalo mula sa mahal ko. Kahit simple lang iyon, maganda pa rin siya sa paningin ko.
Nakakatawa nga eh... kasi araw-araw kong dala sa bag ang regalo mo at hindi ako nagsasawang bitbitin iyon. Isang araw biglang umulan ng malakas at binaha ang school, nagpasya ang eskwelahan na pauwiin na tayo. Na-touch ako nung nalaman kong hinahanap mo pala ako sa buong campus, at magkasabay natin hinintay ang pagdating ng iyong tatay. Noon din araw na iyon ang araw na inakbayan mo ako. Para akong nakuryente noon... ganun pala ang feeling kapag inakbayan ka ng taong mahal mo... may kilig... SOBRANG KILIG!^-^V
Noong sumunod na monthsary natin niregaluhan mo ako ng tatlong pirasong singsing na nakahulma ang pangalan ko. Pinagawa mo iyon kay manong na nagtitinda sa labas ng campus, natuwa ako dahil nag-effort ka na ipagawa ako singsing na yari sa gold plated na alambre. Araw-araw suot ko yung singsing, kaso naiwala ko yung isa...... kaya dalawa nalang natira. Pero atleast may natira pa din. ^-^V . Isang araw mayroon tayong di pagkakaunawaan, iyon ang unang malaking away natin... inaamin ko nagselos ako noon. Nakita ko kasi na inabutan ka ng bulaklak ng isang magandang babae. Nakaramdam ako ng insecurities, kasi alam kong mas maganda siya sa akin.
Di kita kinibo noon... at nagalit ka sa hindi ko pag-imik... kinimkim ko ung nararamdaman ko. Hanggang sa naiyak ako ng wala sa lugar. Kahit may klase tumutulo ang luha ko, ewan ko ba di ko mapigilan ang mga mata ko noong araw na iyon. Pilit akong kinakakausap ng aking mga kaibigan at sinasabihan na wag umiyak. Kaso di talaga mapigilan ang mga luha... tuloy tuloy pa rin ang pagbagsak nito.
Noong una akala ko away lang na matatapos din, kaso sabi mo sa mga kaibigan mo na "BREAK NA TAYO". Wala akong idea na ganun na pala ang desisyon mo, nalaman ko na lang sa mga kaibigan mo . Ang sakit-sakit noon, para akong sinampal ng dalawang beses. Kung alam mo lang ikaw ang una kong pag-ibig at break-up.
Sa gabi kasabay kita sa uwian, siyempre tatay mo ang service natin. Kahit gusto kong umiwas noon di ko magawa, paano naman kasi ako uuwi. Di mo na rin ako kinikibo noon, minsan biniro tayo ng tatay mo na mag-usap naman daw tayo. Pero ngumiti lang tayo pareho, at di rin kapwa nagsalita. Gabi-gabi iniiyak ko ang sakit na nararamdaman ko, karamay ko ang unan at kumot para maibsan ang nararamdaman ng sugatan kong puso. Kahit mahirap, araw-araw ginagawa kong okay ang lahat, ngumingiti ako kahit sa loob ko ay umiiyak ang puso ko.
Di ko nga alam kung paano ko nalampasan ang mga araw na hindi na tayo nag-uusap. Pakiramdam ko, tumigil na ang lahat... kung makikita mo lang ako, hindi na halos ako sumasagot sa klase. Madalas ay tulala at nakatingin sa kawalan ang drama ko. Minsan nagkasalubong tayo sa campus, pero ni isang ngiti di mo ako binigyan. Mabuti pa ang mga kaibigan mo... kulang nalang magbitbit ng plakard para lang tawagin ako. Ang hirap pala ng ganito, araw-araw umaasa ako na lalapitan mo ako at sasabihin na "Mahal pa rin kita"
Itutuloy.......................

Lunes, Hunyo 27, 2011
ALAALA NG NAKALIPAS (Part Two)..............
Lumipas ang taon at araw.... tumigil na rin tayo sa paglalaro at wala na rin maingay sa kalsada.... Isang araw kinausap mo ako, at sinabi mo na tulungan kita. Nagulat ako kasi ako pa ang hiningian mo ng tulong. Sabi ko "kahit ano bestfriend..... basta kaya ko", nakangiti pa ako ng mga oras na iyon. Sabi mo: "tulungan mo naman ako kay April". Si April ang malapit kong kaibigan na babae. Nagulat ako... at napaisip kung tutulungan ba kita. Ayoko sana, kaso "OKAY" ang lumabas sa aking bibig. Tinulungan kita sa kaibigan ko... in short naging tulay ako sa inyong dalawa. Di naglaon, naging kayo na ni April.... kitang-kita sa mga mata mo ang saya, noong araw na sinagot ka niya. Lumipas ang ilang linggo, lumapit ka ulit sa akin at sinabing wala na kayo. Nagulat ako, at tinanong kung "BAKIT?". Sinabi mo na hindi payag ang magulang niya sa relasyon niyo. Malungkot at masaya ang naging reaksyon ko, alam ko na unang girlfriend mo siya at masaya ako kung saan ka masaya. Ngunit ito rin ang unang nalungkot ang puso mo dahil sa pag-ibig, kaya malungkot din ako para sa'yo. Di ko nga maintindihan ang sarili ko... kung bakit nakikisimpatiya ako sa'yo. Samantalang ako din nama'y nasaktan sa pagsabi mo na mahal mo ang kaibigan ko. Lumipas ang ilang buwan.... masaya ako at nakarecover ka na...hindi ko na nakikita ang lungkot sa mga mata.... ganon yata siguro kapag saglit lang ang dumaan na pag-ibig (ika nga PUPPY LOVE). Dumating ang pasukan, parehas tayong freshmen sa parehas na eskwelahan... sabi ko nga okay ito atleast may kakilala na ako at hindi ako matatakot. Pero kahit parehas tayo ng pinapasukan, hindi naman kita kaklase... masyadong malayo ang building mo sa building ko. Pero okay na din dahil kasabay kitang umuwi palagi ^-^ (dahil iisa lang ang service natin, at ang tatay mo ang driver ^-^). Ngunit isang araw di mo ako pinansin.... inisip ko baka abala ka lang o baka nakahanap ka na ng bagong kaibigan sa school. Gusto kitang kausapin ang kaso baka magalit ka sa akin at di mo sagutin ang mga tanong ko. Pero isang gabi habang ako'y gumagawa ng takdang aralin ko sa sala... lumapit ang aking kapatid, sabay abot ng isang sulat. Kabado akong binuksan ang sulat, una kong binasa kung sino ang nagsulat, laking gulat ko dahil pangalan mo ang nabasa ko.. ^-^.Di ko alam kung matatawa ako o maiiyak.... sa laman ng iyong sulat... gusto mo pala akong ligawan. Ngayon ko lang naisip na kaya mo siguro ako iniiwasan... dahil di mo masabi ang nararamdaman mo sa akin.... Halos isang buwan mo din akong sinuyo noon, araw - araw may sulat kang binibigay sa akin.... at habang binabasa ko iyon para akong kiti-kiti na kinikilig sa aking kinauupuan...gumagawa din ako sulat para sa iyo.... noong mga oras na iyon....grabe ang saya na nadarama ko (grabe dahil sobra sobra siya ^-^). Isang araw sabi ko sa sarili ko... dapat matigil na ito.... kaya hinarap kita noong araw na iyon... ika- 17 ng Hunyo... Tanda ko pa ang araw hanggang ngayon (dahil siguro ikaw ang una kong mahal... kaya di ko din iyon nakalimutan) iyon ang araw na sinagot kita. Nakita ko sa mata mo ang saya at ganun din naman ako. Wala akong mapagsidlan ng saya ng mga panahon na iyon.
Itutuloy...........
Itutuloy...........
Linggo, Hunyo 26, 2011
ALAALA NG NAKALIPAS......
Naalala ko noon, yung araw na pumasok ako sa kinder. Tahimik lang ako, hindi ako masyadong pala kaibigan, lalo na sa mga kaklase kong lalaki. Ang seating arrangement namin noon, nakahiwalay ang lalaki sa babae. Halos hindi ko nga tanda ang pangalan ng mga kaklase kong lalaki. Isang araw, may liwanag na tumatama sa aking mukha, akala ko di siya sadya na tamaan ako ng liwanag. Pero sabi ng katabi ko sa akin "tingnan mo oh, sinisilaw ka niya" sabay turo kung saan ka nakapwesto. Tiningnan kita noon at tumingin ka rin at sabay kaway na may ngiti sa labi. Isang matalim na tingin lang ang aking itinugon. Iyon ang araw na nakilala kita sa mukha, pero dahil di ako interesado sa'yo madali ko iyonng nakalimutan. Lumipas ang mga araw, nagpatuloy ako sa aking pag-aaral. Dumating ang araw ng fiesta, kailangan sumali ng mga estudyate sa parada, requirement ito ng eskwelahan na pinasukan ko. Napili ako ng aking guro na maging Ms. Kinder noong mga panahon na iyon. Sa totoo lang ayaw ko talagang sumali sa mga ganung aktibidades, dahil di naman iyon kailangan sa pag-aaral. Heto na at dumating ang aking konsorte, gaya nga ng sabi ko kanina pag di ko gusto ang isang tao, nakakalimutan ko ang itsura nito. Tiningnan ko ang lalaking ito, tahimik naman siya. Para nga siyang tuod dahil ayaw niya akong lingunin tuwing kakausapin ko siya. Hanggang sa matapos ang parada di ko masyadong natingnan ang kanyang mukha, maski noong nasa bahay na kami ng aming principal di pa rin niya ako tinitingnan. Sa isip ko baka nahihiya lang siya sa akin. Pagka-graduate ko sa pre-school lumipat na din kami ng bahay. Panibagong pakikisama sa kapit-bahay ang aking inalala, panibagong pagpapakilala sa mga magiging kalaro. Kahit papaano may mga naging kaibigan kaagad ako sa bagong lugar. Hanggang ang isang kaibigan ay naging sampu o higit pa. Masasabi ko na isa ka sa naging close ko na lalaki, kumbaga ikaw ang bestfriend ko na lalaki. Isang araw nagbigay ka ng sulat, laman noon ay ang pagtatapat mo. Nagulat ako dahil sa mura nating edad ay naihayag mo ang nadarama mo para sa akin. Tinugon ko ang iyong sulat at sinabi, "sa mga ganitong edad, hindi dapat iyan ang inuuna natin. Kapag malaki na ako saka ka nalang magtapat ulit. Nalaman iyon ng mga kalaro natin at simula noon palagi tayong tinutukso. Pero para sa akin wala lang iyon," maraming babae ang iyong hinangaan noon. Okay lang yun kasi gwapo ka naman. Isang araw pinapunta kami ng iyong nanay sa bahay niyo dahil may okasyon. Maliit pero maayos ang inyong bahay at sa hindi sinasadya nakita ko ang larawan na pamilyar sa akin. Pamilyar dahil ako ang nasa larawan katabi ang isang lalaki.... binalikan ko sa aking alaala yung araw ng parada... kaya ka pala pamilyar sa akin... ikaw pala ang aking konsorte noon na hindi kumikilos at hindi nagsasalita. Natawa nalang ako sa aking sarili ng malaman ko iyon. Kinuha iyon ng nanay mo at pinakita sa akin... at nagkwento. Masaya ako ng araw na iyon....
Itutuloy.......
Biyernes, Hunyo 24, 2011
UGALING ASO!.....
Iyan ang sigaw ng isang opismeyt ko sa isa ko pang opismeyt.... In-fairness naman sa kanya na catch niya ang attention ko... napilitang lumabas ng aking mukha na nakatago sa monitor ng kompyuter. Gusto kong tanungin ang mga nasa paligid ko kung ano ang nangyari... at kung bakit siya sumigaw ng ganun.Gusto kong paganahin ang pagiging echosera ko minsan, pero sa huli nangibabaw ang pagiging mapagmasid ko. Bigla tuloy akong napaisip kung ugaling aso ba talaga yung opismeyt ko? Na kung tutuusin mabait at magaling naman sa trabaho. Di ko tuloy mapigilan na ikumpara siya sa aso para lang malaman ko kung totoo yung sinigaw ng isa ko pang opismeyt. Inisa-isa ko ang common na ugali ng aso at ang ugali ng opismeyt ko...
OPISMEYT | ASO |
1. Friendly Palakaibigan siya at lahat yata ng tao sa opisina ay close niya. In short Ms. Friendship siya…. | 1. Friendly sabi nga nila man's bestfriend ang mga aso. Kaya natural ang mga aso na maging friendly. Pero minsan may aso na hindi friendly lalo na kung hindi niya kilala ang humahawak sa kanya. |
2. Malihim / Echosera (parang ako.. hehehe) May mga oras na malihim siya, at hindi mo mapipilit kahit gamitan mo na ng dahas… pero minsan naman echosera siya lalo na kung gusto niyang alamin ang lablyf mo.. hehehehehhe.... | 2. Digging Mostly ng aso aymahilig maghukay, ngunit ito ay may maraming dahilan. Halimbawa, may gusto siyang itagong buto o laruan. Normal nilang ugali iyon, kung minsan naman ay gusto nilang magkalat lang… para mapansin mo… |
3. Maingay (pero meron siyang husky voice… ) Di naman palagi, kasi kung tuloy-tuloy siyang mag-iingay mauubusan siya ng boses hehehehehe..... | 3. Barking Normal na ugali ng aso ang kumahol. Lalo na kung may parating na panganib, humihingi ng tulong, sa mga hindi kilalang tao, nagpapasikat sa kapwa aso o sa kanyang amo. May mga aso din na malakas tumahol at meron naman hindi. |
4. Matulungin In fairness naman sa kanya, everytime may hinihingi ako regarding work, naibibigay naman niya kaagad. At ready siynag tumulong trabaho man o personal na bagay… (naks! Puring-puri kita dito.. mamya libre mo ako ha… heheheheheh) | 4. Helpful Ang mga aso ay likas na matulungin, especially sa kanilang tagapag-alaga. Kahit na ang susuungin nila ay sobrang mapanganib, kaya nilang ialay ang kanilang buhay para sa taong nag-aruga sa kanila... (nakakalung kot naman... naiiyak ako sa mga ganitong eksena sa pelikula T-T) |
5. Aggressive Sabi ng mga ka-grupo niya, aggressive daw siya... Sa nakikita ko naman, mukhang hindi. Pero ginigiit talaga nilang aggressive siya... Kaya sabi ko nalang.. Sige na nga aggressive na siya... sa ibang bagay siguro.. hehehehee ^-^V | 5. Aggression Ang mga aso na lumaki sa kalye at walang tamang pag-aalaga ay may behavior na ganito. Mayroon din mga aso na kahit na may tagapag-alaga ay malufet ang pagka-aggressive....At hindi pinakikinggan ang tagapag-alaga.... |
6. Palaban Masasabi kong palaban siya, ikaw ba naman ang laking Batangas.. Ala Eh!.. tiyak kong marami siyang baon na balisong... hehehehe.. Di ko sinasabing takaw away siya... pero pag-alam niyang nasa tama siya.. itatayo niya ang kanyang paninindigan.. lalo na sa umaapi sa kanya.... ^^ | 6. Biting Mahilig mangagat ang mga aso, lalo na kapag may nakasalubong ka na asong ulol.. tiyak ko hindi lang habol ang gagawin sa iyo.. kundi matinding kagat na hindi mo pa nararanasan sa tanang buhay mo. ... Usually ito ang kanilang pandepensa sa mga gustong manakit sa kanila.. o di kaya naman.. ay daan nila upang maglambing… |
Pagkatapos kong ilista ito... bigla akong natawa... dahil kahit pala ikumpara ko siya sa aso ay iba pa rin siya dito. Dahil ang alam ko nilikha tayo ng Diyos na mas mataas sa mga nilalang niyang mga hayop. Kung meron mang pagkakapareho.... ay dahil ito ay namanang ugali ng mga aso sa atin. Tayo ang nagiging halimbawa ng mga hayop, dahil sa tingin ko naman alam nila na mas mataas tayo sa kanila. Tuloy di ko maiisip kung bakit isinigaw niya ang salitang iyon... Na kung ako naman ang sinabihan noon... maaaring sabihin ko siya ng "KUNG AKO'Y UGALING ASO... Malamang Ikaw nama'y UGALING BABOY"... Isang baboy na kung makagawa ng ingay ay animo'y kakatayin na siya para gawing lechon sa araw na iyon... siya tuloy ang nais kong ikumpara sa aso o sa iba pang hayop... dahil sa kanyang ugali na pinakita.....at tiyak ko na kapag ikinumpara ko siya doon, possibleng manalo ang mga alaga kong aso at baboy kaysa sa kanya... Hindi ko nais kampihan ang aking opismeyt dahil sa kaibigan ko ito, pero sa pagkakataon na iyon.. hindi ko makita ang ibig niyang ipahiwatig sa mga sinabi niya... tsk tsk tsk.... nakakaawa....
keep smiling ....^-^
Huwebes, Hunyo 23, 2011
IF I DIE YOUNG......
If I die young, bury me in satin
Lay me down on a bed of roses
Natawa akong bigla ng marinig ko ang lyrics na ito... in fairness naman.... napaisip na naman ako.... Nakakatuwa kasi talagang may request pa ang babae kapag siya'y mamatay ng bata. Naalala ko tuloy si Julie Vega noong bago siya mamatay, nagrequest din siya kung ano ang isusuot niya sa araw ng kanyang paglisan, (scary......). Bigla din pumasok sa isip ko ang aking ina, sabi niya gusto niyang kanta sa araw niya ay "Broken Vow" anak ng fufu naman... sabi ko wag ganon... Pero kung gagawa ako ng sarili kong request ito iyon...
If i die young... pero tingin ko malabo mangyari.. masamang damo daw ako sabi nila.
1. Gusto ko ay nakapula akong dress, bakit? Wag mange-alam peborit kolor ko ito, basta red dress. Para maiba naman sa kinaugaliang white dress.... :))
(Oh ha!... nice ang dress... di kaya masyadong malaswa kung ganito ang suot ko... hehehhe)
Lay me down on a bed of roses
Sink me in the river at dawn
Send me away with the words of a love songNatawa akong bigla ng marinig ko ang lyrics na ito... in fairness naman.... napaisip na naman ako.... Nakakatuwa kasi talagang may request pa ang babae kapag siya'y mamatay ng bata. Naalala ko tuloy si Julie Vega noong bago siya mamatay, nagrequest din siya kung ano ang isusuot niya sa araw ng kanyang paglisan, (scary......). Bigla din pumasok sa isip ko ang aking ina, sabi niya gusto niyang kanta sa araw niya ay "Broken Vow" anak ng fufu naman... sabi ko wag ganon... Pero kung gagawa ako ng sarili kong request ito iyon...
1. Gusto ko ay nakapula akong dress, bakit? Wag mange-alam peborit kolor ko ito, basta red dress. Para maiba naman sa kinaugaliang white dress.... :))
(Oh ha!... nice ang dress... di kaya masyadong malaswa kung ganito ang suot ko... hehehhe)
2. Gusto ko maganda ang make-up ko, yung uso ngayon, nude make-up. Ayaw ko noong parang natutulog lang, basta nude make-up. Atsaka ternuhan na din ng red cutex both finger and toe nail (ooopppss... no question na.. basta ganyan ang gusto kong kulay...)
3. Sa higaan bahala na si nanay dun, alam naman niya ang taste ko... hehehehehe.... Gusto ko din, may malaki akong picture na nakaphoto frame, bahala sila kung ung picture ang gamitin. Kung yun bang graduation pic ko o lastest picture ko ngayon, basta yung photogenic ang itsura ko at hindi talikogenic.
(syempre hindi ako ito...echos!.... nakiamot lang ako.. for sampling lang yan...)
4. Sa kanta di naman ako mapili, basta yung mga peborit song ko lang... toka na iyan ng Big brod ko...Para tuloy gusto ko ibilin na mei alternative rock music.... o kaya heavy metal.. para di naman iyak at bow lang ng bow sa mga kanta.... (bow ng bow... kasi natutulog na....heheheheheh:p)
5. At sa misa, gusto ko lahat may speech para sa akin, tungkol sa mga kalokohan ko at yung mga maliliit kong nagawang mabuti ... hehehehehe (napaisip tuloy ako kung meron nga ba?) Anyway.... going back... at habang may nag-speech, ayaw ko ng may naiyak.. gusto ko masaya nilang pakinggan ang mga ginawa kong katarantaduhan dati... insulto naman kung iiyak kayo para dun di ba... Kaya dapat SMILE! kasi gusto ko din ipavideo ang lahat ng mga pupunta.
Tiyak ko naman na magpproject kayo kapag nakakita kayo ng cam... at panigurado mei mapipili tayong best actress and actor... teka di ba dapat kasama din ako diyan....pangarap ko pa naman maging artista... :D
6. Sa huli ayaw ko pa din ng may umiiyak, pagsabihan niyo muna ang inyong mga mata na pigilin ang luha niyo. Kapag nakauwi na kayo sa inyo, saka kayo ngumalngal.... tingnan ko lang kund di kayo pag-isipan ng kasama niyo sa bahay na baliw hehehehehe.... Pero siyempre di mo gagawin yun, bakit? wala na ang moment eh... ano pa iiyak mo....echos!...
Ayan... tandaan mo yan ha... ayaw ko ng may memory gap ka ha.... babush!
Biyernes, Hunyo 17, 2011
Sa isang sulok ng isipan
"Ako kailan ba ako naging mahalaga sa iyo?"
Yan ang tanong ng babae sa lalaking kaharap niya. Aksidenteng narinig ko ang mga salitang ito, habang ako'y naglalakad sa Edsa. Hindi nakapagsalita si lalaki, pilit hinahagap ang sagot sa kawalan. Pagkatapos ng isang lingon sa kanila, nagtuloy tuloy na ako sa aking paglalakad. Tatawa akong napaisip sa binitawang salita ng babae, pero maya-maya pa ay lumalim na ang pag-iisip ko. Narinig ko na rin ang salitang ito, sa aking mahal na ina. Ito yung binitawan niyang salita sa amin, pero maski ako noong araw na iyon ay hindi nakapagsalita. Walang anumang salita ang kumawala sa aking mga labi. Sa sobrang desperado, tumulo ang luha sa aking mga mata, marahil hindi ko mahagilap ang sagot. Pero sa huli ang utak ko ang nagbigay ng sagot, na bawat mahal natin sa buhay ay may halaga sa atin. Nasa sa atin kung paano natin ipararamdam sa kanila ang halaga nila, at nasa sa atin din kung paano ang gagawin nating pagkilos para maramdaman nila na mahalaga sila sa atin.
"Mahalaga ka sa akin, gaya ng pagpapahalaga mo sa amin sa ating pamilya. Higit pa sa salita o bagay ang gusto kong gawin para ipadama na mahalaga ka sa akin Nanay..." ang tanging sagot ng aking utak...
Pero gaya nga ng sabi ng isang DJ sa kanyang istasyon. Hangga't may pagkakataon na masabi mo sa taong mahalaga sa iyo ang nararamdaman mo, gawin mo na!... Bakit mo pa aantayin ang bukas? o ang mga susunod pang araw, kung kaya mo namang sabihin ngayon. May punto siya dun, kailan mo pa nga sasabihin kung kelan huli na ang lahat, kung kelan wala na o kung kelan malayo na siya. Pero gaya ng sabi nila.... kanya-kanyang pag-iisip ang bawat tao. Nasa sa kanila kung nais nilang magsalita o hindi... Kaya sa huli desisyon pa din nila ang masusunod.

Martes, Hunyo 7, 2011
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)