Yung pakiramdam mo na naisahan ka, pero ginusto mo naman ang lahat ng nangyari.
Yung pinayagan mo siyang maging parte ng buhay mo, kahit alam mong walang itong patutunguhan.
Yung kahit ipaglaban mo ang nararamdaman mo, pero alam mo na hindi ka naman mananalo.
Yung mga bagay na naalala mo ang mga pangarap at plano na kasama siya. Ngayon bigla mong naisip kung ang lahat ng kanyang pinakita ay totoo.
Yung masyado kang nag-expect at nag-assume sa mga bagay na alam mo namang imposible.
Yung marami kang dapat itanong sa kanya pero hindi mo nagawa at naglaho nalang bigla, dahil alam mo na rin ang sagot sa tanong mo.
Yung gust mong manumbat pero hindi pwede, dahil lahat ng iyong ginawa at binigay, ay kusa mong ginawa at hindi niya hiningi.
Yung pinipilit mo rin maging masaya at maging normal, dahil nakikita mo rin siyang masaya.
Yung alam mo kung saan lang ang iyong lugar, dito ka at doon siya. Na kahit gustuhin mong lumapit ay hindi pwede.
Yung dumaan lang siya, tumigil saglit sa harapan mo, nakitawa at nakipagkwentuhan saglit. At dahil napadaan lang, kailangan niya ring umalis, dahil ang totoo hindi naman ikaw ang pakay niya. Napadaan lang.
Yung kapag may dumaan na shooting star, hihilingin mo na sana hindi nalang siya dumaan sa buhay mo, dahil sa simula palang sanay ka na ng mag-isa.
Linggo, Oktubre 15, 2017
NAPADAAN
Huwebes, Abril 27, 2017
Walang Titulo No. 3
Dito na magtatapos ang lahat.
Kapwa nakatalikod, unti-unting lalayo ang mga hakbang,
Unti-unti bibitawan ang magkahugpong na mga kamay.
Kapwa nakatalikod, unti-unting lalayo ang mga hakbang,
Unti-unti bibitawan ang magkahugpong na mga kamay.
Walang lilingon... kagat ang labi habang patuloy sa paghakbang.
Walang makakaalam sa mga pigil na luha na nais sumabog.
Sa bawat hakbang, lahat ng alaala'y magbabalik.
Walang makakaalam sa mga pigil na luha na nais sumabog.
Sa bawat hakbang, lahat ng alaala'y magbabalik.
Ang araw na kapwa nilalakad ang daan na may kilig, ngiti at saya.
Ang araw na kapwa naglalakad na magkahinang ang mga kamay.
Ang araw na kapwa sinasariwa ang mga araw na nagdaan.
Ang araw na kapwa naglalakad na magkahinang ang mga kamay.
Ang araw na kapwa sinasariwa ang mga araw na nagdaan.
At ito'y mananatili nalang alaala.... mananatiling alaala na lamang.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)