♪♫ The sun goes down ♪♫
♫♪ The stars come out ♫♪
♪♫ And all that counts ♪♫
♫♪ Is here and now ♫♪
♪♫ My universe will never be the same ♪♫
♫♪ I'm glad you came ♫♪
Madalas ko itong naririnig sa radyo. Hindi ko nga halos kilala kung sino ang kumanta nito. Pero nung Biyernes tinanong ako ng boss ko...
"Aattend ka ba ng concert?",
"Sige Sir! Kaninong concert?"
"The Wanted?"
"The Wanted? Sino yun????" as in marami talagang kuwestyon mark. Eh, sorry naman, hindi ko naman talaga sila kilala. Pero pumayag na rin ako dahil sa...
> VVIP ang id namin. Di ko alam kung anong pinagkaiba niya sa VIP. Ang diperensya lang naman nasa side stage kami, na pwedeng makalapit sa mga kumakanta.
> Di pa ako nakakapasok ng NBC Tent kaya sumama ako. Tamang ignorante lang.
> Sponsored event kailangan ng pektyur para sa documentation.
> Ngayon nalang ulit ako makakapanood ng concert na foreigner ang kakanta... at boyband pa.
> Sayang ang OT... dagdag din sa sweldo yun.. LOL.
Habang nandun ako, heto ang napansin ko...
> Puro mga teenager ang mga nanood. Medyo ackward para sa akin. Wala na kasing teen sa edad ko.
> Habang tinitingnan ko yung VVIP ID nakita ko yung presyo ng ticket nila. Gusto kong sumigaw ng Holy Cow! pwede na akong bumili ng isang Samsung Galaxy Y Duos. Paano naatim ng mga kabataan na ito na waldasin sa isang concert ang pera nila. Napa - HAY.... nalang ako.
> Naluma ang gadget ko sa mga gamit nila. Iphone... Ipad... Iphone... Ipad...
> Wala akong ibang narinig sa mga kabataan na ito kundi ... "Oh My God!" alam kaya nila ang ibig sabihin noon?
> Pakiramdam ko biglang guguho yung Tent, sa sobrang tilian ng mga teenagers.
> Yung dalawa kong kasama, kumota na sa hawak kamay at halik sa boy group. Naloka ako, nagfeeling teenager din sila. (heheheh.. tamang bitter lang)
> Guwapo pala sila. Muntik na rin akong magfeeling teenager.
Natapos ang concert na okay naman ang lahat. Medyo natulilig lang ang tenga ko sa sobrang tilian. Bigla ko lang na realize, ganito rin naman ako noon o baka mas malala pa nga.....:p
Natapos ang concert na okay naman ang lahat. Medyo natulilig lang ang tenga ko sa sobrang tilian. Bigla ko lang na realize, ganito rin naman ako noon o baka mas malala pa nga.....:p