Martes, Mayo 22, 2012

Code name: Phoenix (Ikalawang yugto)

Codename: Phoenix (Unang Yugto)




Magkahalong ingay ang naririnig mula sa aking kinatutuntungan. Mataas... mahangin... animo'y idinuduyan ako sa ulap. Isang malalim na buntong-hininga ang aking binitawan. Mabigat ang aking mga paa na bumaba sa aking inaapakan. 

Labag sa isip ko at katawan ang aking gagawin. Pero sinong magsasabi na ito'y masama. Hindi ko man gawin, wala rin naman akong magagawa. Hindi ko sila pwedeng kalabanin. 

Pwede pala ito, ang hangin ang nagsisilbing anestisia ko. Wala akong maramdaman na takot kahit isang kurot man lang. Tama siguro ang napili kong pwesto. 


Maya-maya pa ay inayos na niya ang kanyang mga gamit. Parang balewala lang sa kanya ang humawak ng  mataas na kalibre ng baril. Sino bang mag-aakala na ang isang tulad niya ay hindi man lang natakot humawak nito. Isang bagay na malamig, matigas at nakakamatay.

Iniumang na niya ang baril kung saan man. Ang target niya..... isang kilalang tao sa gobyerno. Wala siyang kahit ano mang idea tungkol sa pagkatao nito. Ang tangi niyang alam ay ang pangalan at titulo nito. Hindi na niya kailangan ng detalye. Dahil ang trabaho niya...... linisin ang lipunan. Ilan na nga ba ang napatay niya. Halos hindi niya na rin mabilang ang mga ito?

Kailan nga ba siyang natutong humawak ng armas? Hindi niya na halos matandaan. Basta ang alam niya lahat ng ito ay kailangan niyang gawin dahil sa isang malaking utang..... na kailangan niyang bayaran.

Kumilos na ang kanyang mga kamay. Pagkatapos isang mahinang putok ang pumailanlang. Bumulagta sa sahig ang kanyang target. Hindi na niya tiningnan ang pagkakagulo ng mga tao. Maayos niyang sinilid ang kanyang gamit sa bag at umalis sa lugar.

Tapos na ang kanyang trabaho. Maghihintay ulit siya ng panibagong tawag at saka muling kikilos. ...


Itutuloy.....................