Miyerkules, Disyembre 7, 2011

Pamaskong handog... mula sa puso...

MERRY CHRISTMAS PO!

Bati namin sa mga taong makakasalubong namin at sabay abot ng konting regalo. Perstaym ko makapunta sa Quezon City Circle. Kaya naman di ko pinalampas ang pagkakataon at imbitasyon sa akin, ng mga butihin kong kaibigan. Bukod sa perstaym ko makapunta ng QC, perstaym ko rin na sumama sa ganitong adhikain (ang mamigay ng konting handog para sa mga bata at matanda na makakasalubong namin). Sa totoo lang masarap pala sa pakiramdam na bukal sa loob ang pagtulong. Ang makita na may ngiti sa labi ang bawat abutan mo ng nakayanan mong regalo. Sapat na iyon upang gumaan ang pakiramdam at sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi. Kalakip ng pasasalamat at ngiti, wari'y nawala lahat ang aming pagod. Balewala ang tatlong kilometrong lakaran, salamat sa aking mga Chatpeepo sa magandang bonding moment (Essapayoyo, Jayrulez, Madz, MJ, PaQ, Kuya Kuli at Sir Joey).



(maganda pala sa QC circle..... ang daming magdyowa... ^-^)

(tuloy lang ang lakad... pasasaan ba at may mabibigyan din tayo ng ating regalo... ^-^)

(Ms. Madz, Essa ang Lider ^-^, Kuya Jkul na wari'y mei hinahanap, at PaQ no reaction.. ehe ^-^)

(Pagkatapos mamigay ng regalo, heto kami't dumaan sa tunnel. Ano ba tawag dun? Quezon City tunnel?)
(from left to right: Jayrulez, Shyvixen, Essapayoyo, Madz, Kuya Jkul, PaQ and Bagotilyo)

(At pagkatapos ng mahabang lakarin, mahabang kainan at inuman naman tayo. Salamat sa hinawing kanin, binatong hipon at tahong.. ehe ^-^. Nabusog ako ng bongga. Siyanga pala humabol pala si Sir Joey sa aming munting salo-salo. ^-^)


     Muli po akong nagpapasalamat sa isang araw na puno ng pakikipagsapalaran, pakikipagkapwa at kasiyahan. Bukas ang aking munting pintuan sa muling pagbuo ng ganitong adhikain, at malugod kong ibibigay ang aking tulong. Hanggang sa muli mga kapamilya, kapuso at kapamilya! ^_^



P.S paumanhin kung ngayon lang nakagawa ng post... ehe... ^-^